Episode 3

2930 Words
"Kulang ka sa tulog?" bungad ni Camille nang makarating siya sa bahay namin. "Oo eh.." "Ano namang pinagpuyatan mo?" mausisa niyang tanong. Napahikab pa ako bago umiling iling. Dapat ko bang sabihin sa kaniya na napuyat ako kakaisip kung anong ibig sabihin ni Kyler? A pay for bothering the precious me... Ano ba kasing meaning no'n?! Paano ko naman siya guguluhin kung hindi nga kami nagkakausap?! Tukmol ba siya?! Gwapong tukmol?! Napailing nalang ako nang sumagi na naman sa isip ko ang gwapong mukha niya. "Woi, halika na! Naghihintay na si Leean!" agad na akong sumakay dahil halatang stress na itong kasama ko. "Stress ka ah?" "Ikaw nga puyat eh.." "Stress nga.." hindi nalang ako umimik pa hanggang sa makarating kami sa bahay nila Leean. Nang makarating kami sa school ay tahimik pa rin kami which is unusual. Halatang stress ang dalawa at wala sa mood. Kahapon naman ay bihira lang kaming nagkasama dahil pinatawag ulit sila sa SSC office. Hanggang sa sumapit ang hapon ay gano'n din ang eksena, nagkita kita lang kami no'ng lunch break na. Hindi din naman sila nagbabanggit sa 'kin kung ano ba ang kaganapan sa office kasi nga bad mood palagi. "Hoy, kayong dalawa!" maglalakad sana silang dalawa nang hilahin ko sila sa braso. Mukhang natatanggal ang puyat ko nito eh. Tamad lang nila akong tinignan. "Bakit?" "Tapatin niyo nga 'ko... ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Kahapon pa kayo walang kibo ah?" "Please lang Salve, 'wag muna ngayon.. " saway ni Camille pero hindi ako nagpatinag. Mas lalo ko pang hinila si Leean nang magsimula siyang maglakad palayo. Ngunit 'di ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Malakas na tinapon niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya. "What the—" "Pwede ba, Salve?! 'Time out muna d'yan sa kadramahan mo! Can't you see na wala kami sa mood at kailangan naming mag-isip?! Hindi mo alam—" "'Yun na nga eh! Wala akong alam, bakit 'di niyo ipaalam?! Ayan kasi ang mahirap sa inyo eh, masyado kayong makasarili sa mga problema niyo!" "Tama na nga 'yan!" "Alam mo kasi Salve, wala kang alam kung anong mga ginagawa namin! Hindi ka naman kasi officer ng SSC! Mabuti ka nga, nakakagala pa eh, kami nga ultimong break ay kailangan pa naming habulin!" "Aba eh, kasalanan ko pa ba pati 'yun?! Bakit ginusto ko bang maging officer ka ng SSC?! Alam mo naman sigurong hindi kita binoto 'di ba?!" Naghahalo halo ang emosyon ko at para itong sasabog. Hindi ko inaasahan na gaganunin niya ako. Although nagkakasagutan naman kami pero hanggang sagutan lang talaga. "Ano ba?! Tama na sabi eh!" "Hindi mo kasi kami naiintindihan Salve eh! Wala ka sa posisyon naming dalawa ni Camille kaya ka nagkakaganiyan." "Hindi Leean, eh! Malalaman ko kung ipapaalam niyo sa 'kin! Pero anong ginagawa niyo?! Mas pinipili niyo pang itago kesa ipaalam sa 'kin!" "Dahil hindi naman kasi lahat ay dapat mong malaman!" para akong natauhan sa sinabing iyon ni Leean sanhi para matigilan ako. Oo nga naman, Salve...Hindi naman kasi dapat lahat ay alam mo...Sino kaba naman 'di ba? "Salve.." "Tama ka nga naman...hindi naman kasi dapat lahat ay alam ko. Sino ba naman ako 'di ba?" pinigilan kong pumatak ang mga luha ko pero bigo ako. Kaya bago pa ako mapahagulhol ay nanakbo na agad ako sa kung saan. Dinala ako ng mga paa ko sa music clubroom kung saan walang tao kaya doon na ako napahagulhol. Masakit lang sa part ko na ako na nga 'yung nag aalala pero ako pa ang napasama. Kung alam ko lang na masama na pala ang mag-alala ngayon para sa isang kaibigan ay sana 'di nalang ako nang-usisa pa. Mas lalo pa akong napahagulhol nang may nag abot sa 'kin ng panyo. Teka panyo? Ayy shuta! Muntik na akong atakihin sa kaba ng makakita ako ng kamay na may panyo habang nakatapat sa 'kin. Ngunit nang magtaas ako ng paningin ay mas lalo pa yatang dumagungdong ang puso ko. Bumungad sa 'kin ang gwapong mukha ni Kyler. Nakatayo siya habang may panyong inaabot sa 'kin kaya agad ko 'yung inabot. Ang bango.. "Tumahan kana..." malumanay na sabi niya na mas lalong nagpalundag sa puso ko. Ang mga luha ko naman ay animo'y nakaintindi at kusang tumigil. "S-salamat.." Ano ba 'yan?! Nakakahiya ang itsura ko! Nang tingalain ko siya ay mataman lang siyang nakatingin sa 'kin kaya agad akong nagbaba ng tingin. Ibabalik ko na sana sa kaniya ang panyo ng may maalala ako. Kinuha niya ang ice cream ko! "A-ahh...bakit mo nga pala kinuha ang ice cream ko kahapon?" mahinang tanong ko. At saka anong ibig mo'ng sabihin do'n sa sinabi mo? Gusto ko pa sanang itanong 'yon kaso naisip kong dapat isa isa lang. "Forget it.." pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. "P-pero bakit mo nga kinuha? May pambili ka naman 'di ba?" mukha naman kasi siyang mayaman para magnakaw ng pagkain na hindi kaniya. "Ubos na kasi sa canteen..." "Kaya mo kinuha 'yung akin?" walang gatal kong tanong. Syete naman mouth! "Y-yeah.." hindi siya makatingin sa 'kin and I found it cute. "Sa susunod, humingi ka muna. Bibigyan naman kita eh.." wala sa sariling sabi ko. Ano ba 'yan, as if naman gusto niya akong makasalo! Abnoy ka talaga, Salve! "Really?" Mahina akong tumango at tumingin sa ibang direksyon. Teka, niyaya ko ba siyang humingi ng pagkain ko? Hell no, paano ko nagawa 'yun?! "That's good.." Nakita kong kinuha niya ang gitara na malapit lang sa kaniya at umupo sa isa sa mga upuan do'n. Ako naman ay umayos ng upo paharap sa kaniya. Nagulat pa ako no'ng una nang bigla niyang kaskasin ang gitara. At mas lalo pa akong napatanga nang marinig ko ang malamig na malalim niyang boses. You're just too good to be true Can't take my off of you You'd be like heaven to touch I wanna hold you so much At long last love has arrived And I thank God I'm alive You're just too good to be true Can't take my eyes off of you Hindi ko alam pero nagrambol ang puso at mga laman laman ko ng tumingin siya sa 'kin. SA MGA MATA KO MISMO!! Jusko naman, 'wag naman sana akong atakihin...sa kilig. Pardon the way that I stare There's nothing else to compare The sight of you leaves me weak There are no words left to speak But if you feel like I feel Please let me know that it's real You're just too good to be true Can't take my eyes off of you Nang dumating na ang chorus ay napaiwas na ako ng tingin dahil pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. Nakakahiya, shuta. Baka isipin niyang assuming ako! I need you baby, if it is quite all right I need you baby, to warm a lonely night I love you baby Bakit ba kasi siya sa 'kin nakatingin?! Naiilang ako, langya! Trust in me when I say Oh pretty baby, don't let me down I pray Oh pretty baby, now that I found you stay Oh let me love you baby, let me love you Ramdam ko pa rin ang tingin niya sa 'kin hanggang sa matapos niya ang kanta kaya hindi na ako makatingin ng deretso sa kaniya. Ibinalik niya ang gitara sa kinalalagyan nito dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Matapos niyang ilagay ay umayos siya ng upo at... TUMINGIN SA 'KEN! Oh God! Ang puso ko! "A-ah, bakit?" tanong ko. "Nothing.." The hell? Wala daw tapos nakatingin sa 'kin?! "H-hindi ka ba papasok?" sinikap kong hindi mautal pero bigo ako. "How about you? Aren't you going to class?" Hindi. "P-papasok syempre!" Nagulat ako nang bigla siyang tumawa nang mahina. Seryoso, nakakatawa ba ang itsura ko? Pero syete lang, mas lalo siyang gumwapo kapag ngumingiti. Ang sarap kurutin ng pisngi niya at tanggalin ang ngipin niyang mas mapuputi pa yata kesa sa 'kin. "You look tensed. Are you afraid of me?" "H-ha? Ako? Matatakot? H-hindi ah! Bakit n-naman ako matatakot?" "Nauutal ka.." ano bang trip niya? Pinagt-tripan niya ba ako? Langya, hindi naman kasi ito ang first impression ko sa kaniya eh. Akala ko seryoso siya sa buhay at palaging nagsusunog ng kilay. "M-may pasok pa ako.." tumayo na ako at nakasunod lang ang tingin niya sa 'kin. "Hey!" "B-bakit?" "Let's introduce ourselves to each other properly.." Napatuwid naman ako ng tayo. Anong ibig niyang sabihin? Magpakilala sa isa't isa? Eh, kilala niya na naman ako ah? Kilala ko na rin siya! Wait, kilala ko na nga ba siya? "Anong ibig mong sabihin?" Ngunit bago pa ako tumutol ay iniabot niya na ang kamay niya sa akin. "I'm Kyler Jin Caloste and I'm the most handsome guy that you have ever meet in your entire life.." Loading... Hahahahahahahahahaha ang hangin niya rin eh 'no? Pero totoo naman ang sinabi niya. "Why are you laughing?" kunot noo niyang tanong. "W-wala haha!" Hindi ko lang talaga akalain na may mahangin na side pala siya hahahaha. Okay dagdag kaalaman. Tinanggap ko na ang kamay niya dahil ayaw ko namang mapahiya siya. Nang dumampi ang kamay ko sa kamay niya ay nagkaroon 'yun ng ibang epekto sa 'kin. Syete, anong nangyayari? Tuloy ay nagkanda utal utal ako nang magsalita. "Salve Mia G-gondaya. And I have the most unique eyes t-that you have ever seen in y-your entire life.." Hala! Ano bang mga pinagsasasabi ko?! Gumaya tuloy ako sa kaniya! Baka sabihin niyang pinagmamalaki ko ang mga mata ko sa kaniya! Ew, Salve! Engot! "Yeah, guess you're right.." Feeling ko namula ang buong mukha ko. Mali, mukhang buong katawan ko namumula! Ano bang sasabihin ko?! Loading... "Ah, t-tama ka rin naman.." Teka, ano ba 'yung sinabi ko?! OMG! Bakit ba panay ang salita ng bibig ko?! "'Yung k-kamay ko, Kyler." "Ah yeah.." "Mauuna na ako.." then naglakad na ako papuntang pintuan ngunit bago pa ako makalabas ay narinig ko pa siyang nagsalita na ikinatakbo ng puso ko, 1000 kilometers away. "It's like a music for me when you calling me by my name.." .... PALIHIM KONG kinukutusan ang aking sarili dahil sa kaengotan ko. Hindi man lang kasi ako nakapag pasalamat kay Kyler kanina! Dahil sa pagkanta niya ay nakalimutan ko ang problema ko at ang sama ng loob ko dito sa dalawang katabi ko. Pareho lang kaming prenteng nakaupo habang naghihintay sa susunod naming teacher. Hindi kami nagkikibuang tatlo. Minsan akong sinusulyapan ni Camille pero ini ignora ko lang siya. Iniisip ko nalang na wala sila sa tabi ko kahit pa hindi ako mapakali dahil sa presensya nila. Hindi ako sanay na ganito kami pero titiisin ko dahil ito ang nararapat na gawin. Hindi ako papayag na hindi ako makakuha ng explanation galing sa kanilang dalawa. Hanggang sa sumapit ang hapon at nagkaniya kaniya na kami ng aming distinasyon ay wala pa rin kaming naging kibo. Kaya nagtungo nalang ako sa music clubroom. Naka schedule na ang pagpunta namin sa mga club, 1:30 to 3:30. Ang natitirang oras ay itinira para sa klase namin sa natitira pang asignatura. Bale ang oras namin sa club ay oras namin sa MAPEH, buo iyon. Hindi ko nga alam kung bakit may MAPEH pa eh, senior naman na kami. "Lutang ka na naman!" muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil sa biglang sulpot ni Joshua sa gilid ko. "Jusko naman Joshua! Muntik na akong atakihin sa 'yo!" "Hahaha pasensya na! Mukha kasing napakalalim mo na kaya naisipan kong iahon ka. Baka malunod ka na eh!" "Ha?" "Ang hina mo naman!" "Bakit ba? Bugtong ba 'yon?" kunot noo kong tanong. "Hays, ang slow mo talaga." bulong niya. "May sinasabi ka?" "Wala hahaha! Sabi ko lutang ka na naman! Ano bang iniisip mo?" "Ah—ano...kasi.." "Nag-away ba kayong tatlo?" "H-hindi naman nag-away! Nagkasagutan lang!" "Oh, eh ano bang dahilan? Anong pinaglalaban niyo?" "Siraulo ka talaga!" balak ko sana siyang tadyakan pero agad siyang dumistansya. "Seryoso na! Seryoso! Ano nga?!" "Ayaw kasi nilang sabihin sa 'kin ang mga problema nila. Pansin ko kasing napaka tahimik nila nitong mga nagdaang araw kaya naisip kong baka may problema silang tinatago sa 'kin. Kaibigan naman nila ako 'di ba?" Agad siyang lumapit sa 'kin at inakbayan ako habang naglalakad. Wala namang kaso sa 'kin dahil sanay naman na ako sa kaniya. "Hays, bigyan mo na muna ng space." "'Yun na nga..." May ibang napapatingin sa amin na parang kinikilig na ewan, pero dinedma ko nalang. "Ang alam ko kasi, may ipinalit nang SSC president. Transferee daw, baka 'yun ang ikina badtrip ni Camille. Alam mo naman na gusto niya talagang maging president kaso na elect siya bilang vice." Napatingala naman ako sa kaniya. "Pwede ba 'yun? 'Di ba dapat na ipinapalit sa president ay ang vice?" Nag-transfer kasi sa ibang school ang na elect na president last year kaya kailangang magpalit. Pero bakit hindi si Camille ang ipinalit gayong siya naman ang vice? "Ewan, alam mo naman ang sitwasyon niya sa ibang mga teachers 'di ba?" napatango naman ako. Nang makarating kami sa club ay saka lang inalis ni Joshua ang pagkakaakbay niya sa 'kin. Marami na rin ang tao at halos lahat ay nakatingin sa aming dalawa na paupo. Anong meron? "Kayo na po ba, Ate Salve?" muntik na akong matalisod sa biglang tanong ni Meisha. Natatawang inalalayan naman ako ni Joshua. "A-ano bang tanong 'yan, Meisha?" Si Meisha ay freshman na sumali sa club. Siya palagi ang tumatawag kayla Camille at Leean kapag pinatatawag sila sa SSC office. "Tanong po. Kayo na po ba ni Kuya Joshua?" lumapit sa kaniya si Joshua at pasimpleng kinurot sa tagiliran ang pinsan. "Aray ko po Kuya!" "Masyado ka talagang madaldal Meisha," "Isusumbong kita kay Tita pag-uwi!" patungkol niya sa Mama ni Joshua. "Sasabihin kong may girlfriend kana!" Agad naman akong umangal. "H-hala, Meisha! Hindi naman kami ng Kuya mo!" Nag arko lang ang kilay ng babae at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa. "Convince me." Ayy, taray! "Meisha, isa!" babala ni Joshua sa pinsan. "Eh, hindi ba talaga kayo ni Ate Salve?" "Meisha, dalawa! Pag ito, umabot ng tatlo, wala kang makukuhang pamaskuhan sa 'kin!" "Eh Kuya—" "Tatlo." "—bakit ba kasi ang torpe mo?" Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Meisha. Pati si Joshua natigilan din at pansin ko ang pamumula ng dalawang tenga niya. "Tsk, tsk,tsk ang torpe mo talaga Kuya!" pagkatapos ay tumalikod na siya. Ngayon ko lang napansin na marami palang nakatingin sa amin na tumatawa. Naiilang na umupo ako. Napatingin ako sa unahan at gano'n nalang ang pagtalbog ng puso ko nang makita kong nakatingin sa gawi ko si Kyler. Nang makita niyang nakatingin din ako sa kaniya ay tumaas ang kilay niya kaya nag iwas ako ng tingin. Pansin kong walang kibo si Joshua at hindi makatingin sa 'kin. Siniko ko siya at sinilip ang mukha niya. Pansin kong namumula ang buong mukha niya at mailap ang kaniyang mga mata. "Problema mo?" bulong ko na ikina-iktad niya. "Hoy!" medyo natatawa pa ako dahil para siyang tanga na nagugulat. Mas lalo lang siyang umiwas at umusod palayo sa 'kin. Natatawang napailing nalang ako. "Here's the new members of the Senior High Band.." hindi ko alam pero naghurumintado na naman ang puso ko nang marinig ko ang boses niyang kay lamig at kay lalim. "I decided to change the guitarist so I will announce three names for the new members." "Our new guitarist is deserving to be," bakit parang feeling ko sarcastic ang pagkakasabi niya no'n? Napailing nalang ako. "Joshua Hermodo for the new guitarist.." Gulat akong napatingin kay Joshua. Matagal niya na kasing pangarap na maging member ng band. Inalog ko ang balikat niya. "Hoy, langya! Congrats!" ilang na ngumiti siya sa 'kin saka nagpasalamat sa iba pang nag congratulate sa kaniya. "The one vocalist is me and I will announce the other one." wala namang may umangal na siya ang maging vocalist ng banda, instead maraming nag looking forward sa kaniya. "Salve Gondaya..." nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ang pangalan ko. ".. you're the new vocalist of the SHB." Nagpalakpakan naman ang halos lahat pero hindi ko magawang makisabay. Una palang ay hindi ko talaga pinangarap na maging member ng band. Ni sumagi sa isip ko ay hindi! Pero, may karapatan ba akong tumanggi? Tipid ko lang silang nginitian. "We'll start the practice tomorrow afternoon.." Wala naman kaming ginawa sa club kundi pagplanuhan ang magiging ayos ng stage at mag ayos ng program. Sa amin kasi naka assign 'yun eh, pabor naman sa 'kin kasi para hindi na mahirapan pa ang mga officer ng SSC. Marami pa kasi silang inaasikaso sa pagkakaalam ko. Nang labasan na sa mga club ay dumiretso na ako sa room namin para sa natitira pa naming klase. "Salve, sabi ni Camille ay may pupuntahan pa daw sila kaya baka hindi ka na niya maisabay.." tumango nalang ako. Bakit hindi nila ako tinext o tinawagan? Nagbilin pa talaga sila sa ibang tao kesa sabihin sa 'kin mismo! Hanggang sa matapos ang klase ay wala ako sa sarili. Wala akong choice kundi mag commute nalang. Lumabas ako ng gate ng school na malumbay. Naluluha na naman ako, syete! Nang makarating na ako sa labasan ng school ay takip silim na. Muntik ko nang hindi mapansin ang itim na kotseng huminto sa tapat ko at gano'n nalang ang pagwala ng puso ko nang bumaba ang bintana no'n at nasilayan ko ang seryosong mukha ni Kyler habang nakatingin sa 'kin. "Get in. " nakatanga lang ako sa kaniya at hindi magawang makagalaw. "H-ha?" Nag iwas siya ng tingin at nakita ko ang paglunok niya. "Baka gabihin ka sa daan.." "I'll take you.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD