Nakaupo lang ako at parang 'di mapakali na ewan. Habang lumulipas ang oras ay palapit nang palapit ang turno ko. Ramdam ko na talaga, langya!
Feeling ko natatae na 'ko!
"Okay kalang?" tanong ni Joshua.
"Ah oo hehe. Natetense lang ako," nagulat ako nang bigla siya umusod padikit sa 'kin at hinaplos ang likod ko.
Nagulat pa ako sa una pero unti unti ring kumalma. May silbi din naman pala kahit papa'no 'tong Joshua na 'to.
Hindi pa rin siya tumitigil sa paghimas sa likod ko. Ako naman ay napatingin sa unahan—syet!
Nagtama na naman ang paningin namin ni Kyler pero saglit lang dahil agad niyang itinuon ang atensyon niya sa nagpperform sa stage. Pero syete lang, para akong natataranta na ewan.
"S-salamat.." ani ko kay Joshua.
"Okay kana ba? Effective ba? Hahaha"
"Oo nalang hehe,"
Nang tawagin ang pangalan ko ay halos magkanda tapilok pa ako sa kaba. Paano ba eh parang nanginginig yata ang kalamnan ko. Pagpili nga ng kantang kakantahin ko ay wala pa si isip ko eh.
Langya!
Nang tuluyan na akong maka akyat sa mini stage ay nanginginig na hinawakan ko ang mike.
Ano bang kakantahin ko?
Sa isip ay nagbilang muna ako bago magsimula.
"Natapos na ang lahat...nandito pa rin ako...Heto nakatulala...sa mundo...sa mundo...'Di mo naiisip...'di mo nakikita...Mga pangarap ko...para sa 'yo...para sa 'yo..."
"Ohh...oh...oh...oh...Hindi ko maisip...kung wala ka...Ohh...oh...oh...oh...sa buhay ko..."
Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang tahakin ang pangalawang parte ng kanta. Kahit papa'no ay kumakalma na ako. Na-tetense lang talaga ako kapag tumitingin ako sa mga taong nakaharap sa 'kin. Lalong lalo na sa nilalang na komportableng nakaupo habang naka de kwatro. Ramdam kong nakatingin ito sa 'kin kaya hindi ako nag-aangat ng tingin.
Nang matapos ang kanta ay para akong binunutan ng tinik. Nakahinga na ako ng normal bagama't may munting kaba pa dahil sa palakpakan nila.
Nang bumaba na ako ng stage ay sinalubong agad ako ni Joshua, may hawak itong gitara.
"Ang galing!" natatawang umirap ako sa kaniya. May mangilan ngilan ding bumati sa 'kin at simple ko namang nginingitian.
Naubos ang oras na iyon lang ang ginawa. Nang matapos mag-audition si Joshua sa guitarist ay lumabas na kami. Ililibre niya daw ako. Nang magpaalam naman si Joshua sa bagong presidente ay liningon lang siya nito at hindi binigyan ng tugon.
Suplado.
"Ice cream?" tanong niya kaya agaran naman akong tumango.
"'Yung ube ah?" tumango lang siya at agad na nagtungo sa counter.
Nang mapatingin ako sa entrance ng cafeteria ay muntik nang malaglag ang panga ko sa nakita.
Tagaktak ang pawis ngunit taas noong naglakad papunta sa counter si Kyler. Nadaanan niya pa ako kaya pasimple kong inamoy ang pabango niya.
Ang bango niya..
Bumili siya ng tubig at agad na nilagok iyon. Habang lumalagok ng tubig ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa adams apple niyang nagtataas baba dahil sa paglunok.
Syete, ang hot niya!
Nakatingin din sa gawi niya si Joshua pero kung uminom 'tong isa ay parang siya lang ang tao sa loob nitong cafeteria. Naubos niya ang laman ng tubig ng mineral water sa loob ng isang lagukan lang.
Grabe!
Hanggang sa paglagay niya ng pera sa ibabaw ay nakatunghay pa rin ako. Hindi ko kasi mapigilan eh! Langya, kasi naman..napaka-hot niya sa ginagawa niya!
Nagtama ang mga mata namin nang maglakad siya papunta sa pinto. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay mababasa niya ang iniisip ko kahi imposible naman.
"Oh.." inabot sa 'kin ni Joshua ang ube cream line kaya agad ko 'yung inabot at binuksan pagkatapos ay agad akong sumakwit.
Parang nagutom ako bigla.
"Dahan dahan lang uy!" hindi ko pinansin ang sinabi ni Joshua sa halip ay mas lalo ko pang binilisan ang subo ko.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang magandang tanawin kanina lang. Kasalanan ni Kyler 'to eh! Bakit ba kasi pawisan siya kahit may air-conditioned naman ang room? Tsk, kainis ang hot niya talaga! Tapos naalala ko na naman ang pagtaas baba ng adams apple niya! Syet lang, paano pa ako makakatulog nito?
"Salve..."
Malamang pa ay mapapanigipan ko pa 'yun! Kapag kasi may isiping tumatambay sa isipan ko ay napapanigipan ko. Kaya mainam siguro kung ngayon palang ay magp-pray na ako ng 'Dear guardian angel, please guide me' dahil baka mas masahol pa do'n ang mapanigipan ko.
"Salve? Wala nang laman.."
"H-ha?"
"Anong kinakain mo?"
"I-ice cream.."
"Ah talaga ba?" napatingin naman ako sa hawak ko at wala na palang laman.
Pahiyajpeg.
"Masarap? Masarap ba ang hangin?" ibinato ko sa kaniya ang cup ng cream line pero nasalo lang ng loko.
Kaasar.
"Ano ba kasing iniisip mo't lutang ka?"
"Pake mo?" umarte siyang animo'y nasasaktan.
"Grabe ka naman manakit ng damdamin!"
"Neknek mo Hermodo!" tumawa lang ang loko.
Maya maya lang ay bumalik kami sa clubroom. Wala din naman kasi akong kasama sa room kasi lahat ng mga kaklase ko ay nasa kaniya kaniyang club na sinalihan. Si Joshua naman ay gano'n din ang eksena.
Pagdating namin do'n ay gano'n pa rin ang ganap. May kumakanta sa mini stage at naroon sa unahan at kampante lang na nakaupo si Kyler habang nakamasid. Dahil sa busy ang lahat ay hindi nila napansin ang pagpasok namin.
"Salve..."
"Mm?" tinignan ko siya at may hawak na siyang gitara ngayon. Mukhang alam ko na.
"Kanta ka, ako kakaskas.." napangiti naman ako at agad na sumunod sa kaniya sa isang sulok. Malawak ang clubroom kaya maraming space. At siguradong hindi kami gaanong maririnig dahil nasa pinakadulo na kami.
"Anong kanta ba?" tanong ko. Kapwa kami umupo sa sahig, parang tabla lang ang sahig pero mamahalin. Makintab din at malinis tignan.
"Ahm..." Nag isip muna siya saglit at saka siya nagsimulang kumaskas. "Ito nalang.."
Tumango naman ako at inihanda ang aking sarili.
Fallin' out, fallin' in
Nothing sure in this world no, no
Breakin' out, breakin' in
Never knowin' what lies ahead
We can really never tell it all no, no, no
Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we could never understand
Why some things begin then just end
We can really never tell it all no, no, no
But ohh, can't you see
That no matter what happens
Life goes on and on
So oh baby, please smile
'Cause I'm always around you
And I'll make you see how beautiful
Life is for you and me
Take a little time baby
See the butterflies' colors
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me?
This is such a wonderful place to be
Even if there is pain now
Everything would be alright
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me?
There's a rainbow always after the rain
Kinanta namin ang kanta hanggang sa matapos. Minsan nga natatawa pa ako dahil minsan ay maling string ang nakakaskas niya. Pero masaya naman at nag-enjoy ako ng husto. Ganito naman talaga kami pag kaming dalawa lang ang magkasama, kakanta ako at siya ang magkakaskas ng gitara. Minsan na din niya akong tinuruang maggitara no'ng minsang dalhin niya ang gitara niya sa school noong junior high pa lamang kami.
Nang sumapit ang uwian ay nagkita na kami nila Camille at Leean sa gate. Kagaya ng nakagawian ay sabay sabay rin kaming nakauwi. Kapansin pansin lang ang pananahimik nilang dalawa pero pinabayaan ko nalang dahil baka mga pagod sila. Pabor din naman sa 'kin 'yun dahil malaya akong makakapagmuni-muni sa mga nangyari ngayong umaga.
Napailing ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Kyler habang umiinom ng tubig kanina sa cafeteria. May gano'ng klase pa palang nilalang sa mundo? Akala ko kasi puro bakla na ang mga gwapo sa buong bansa eh.
Hays, ang gwapo niya talaga syet!
Kahit hindi ko na makamit si Jungkook, pwede na siguro ang isang Kyler.
....
"Aga tayo bukas ah?" tumango nalang ako sa sinabing iyon ni Camille katapos kong bumaba sa motor niya.
"May problema ba?"
"Meron. Bakit ba kasi ang hot niyang uminom ng tubig? Pucha, umiinom palang 'yun ah?"
"H-ha?" napakurap ako at agad na napatakip sa bibig nang marealize na nasabi ko pala ng malakas ang dapat na sa isip ko lang.
Syete, buko!
"Ano ba 'yang mga sinasabi mo Gonday—"
"W-wala! Ang hot mo ngayon sabi ko! S-sige bye!" agad kong isinara ang gate at iniwan siya sa labas.
Sinilip ko ang labas at nakita kong humarurot na siya paalis. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.
(1 message received)
Camillepotpot:
Mag-uusap tayo bukas Gondaya..
Patay!
Pumasok na ako sa kabahayan matapos kong basahin ang mala death threat na message ni Camille. Bumungad agad sa 'kin ang nakabusangot kong kapatid na malayo palang ay masama na ang tingin sa 'kin.
"Tusukin ko mata mo!" banta ko pero mas lalo lang niyang tinaliman ang tingin niya sa 'kin.
Abnormal..
" Maghugas kana daw sabi ni Mama!"
Inilapag ko ang bag ko sa sofa matapos kong hubarin ang sapatos ko. Namewang akong humarap sa kaniya. Syempre, palaban ang mga army 'no!
"Aba, aba! Sa 'yo inutos tapos ipapasa mo sa 'kin?! Ang ganda ng technique mo!"
"Sa 'yo inutos hindi sa 'kin gagi!"
"Sus, neknek mo Pedring! Alam ko na 'yang mga style mo, luma na 'yan lol!"
"Eh sa 'yo nga inutos eh! Nalulutang kana talaga sa kaka-bts mo, mga biot naman!"
Aba'y walang hiya, sinali ba naman mga asawa ko!
" H-hoy, sumusobra kana ah! Hindi na 'ko natutuwa sa 'yo.." ready na sana akong habulin siya ng tsenelas ko nang biglang bumaba si Mama galing sa taas.
Hukom na hukom! Langya!
"Anong ingay 'yan?! Ikaw, Aldrin! 'Di ba pinaghuhugas kita ng mga pinggan do'n?!"
Napangiti nalang ako at pasimpleng binelatan ang walang hiya kong kapatid. Sabi nang sa 'kin ang huling halakhak eh hahahahaha—
"Ikaw, Salve! Ibili mo nga ako ng ice cream! Naubusan na ng stocks!" busangot na tinanggap ko ang perang abot ni Mama. Narinig ko pa ang nang aasar na tawa ng kapatid kong tukmol.
Nagbihis muna ako saglit bago ako lumabas. Nakapantulog lang akong pajama tapos T-shirt. Sa kanto lang naman kasi, may mini mart kasi d'yan na pagmamay-ari ng isa sa mga naging ka-batch kong lalaki.
"Hi, Salve!" siya agad ang bumungad sa 'kin pagkapasok ko palang.
"Annyeong!" pakikisama ko. Hindi kasi ako komportable kapag kaharap ko siya eh. Siya kasi 'yung tipong mausisa at asar talo.
"Wala kang kasama?" tanong niya.
"Ako lang." dumiretso ako sa lalagyan ng mga ice-cream at hinanap ang flavor na ube. Parehas kasi kami ng flavor ni Mama eh.
"Ah gano'n ba? Gusto mo ihatid na kita pauwi?"
'Di pa nga ako nakakabili pinapauwi na agad ako..
" Ah...salamat pero kaya ko naman.."
Kinalkal ko na nang kinalkal ang lalagyan ng mga ice cream pero wala akong makitang ube flavor na creamline.
"Ah, Gab!" tawag ko sa batchmate ko.
"Yes, ganda?"
"Wala na ba kayong ube flavor ng creamline?" Nakapagtataka lang kasing ubos na eh ako lang naman kasi ang madalas bumili non dito.
"Ah ano kasi, may lalaking bagong lipat d'yan sa tapat. Palagi siyang bumibili ng ice cream na ube rin ang flavor."
Bwisit naman oh!
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay may kaagaw ako pagdating sa paborito kong pagkain.
"May kaagaw kana sa ube flavor haha!" hindi nalang ako umimik at napabuntong hininga nalang.
Nagtatalo ang isip ko kung ano ang idadahilan kay Mama. Hays, bakit ba kasi ube rin ang favorite flavor ng lalaking bagong lipat na 'yon?! Nakakainis naman eh!
Nang pumasok ako sa bahay ay para akong lanta. Alam ko kasing maba-bad mood na naman si Mama dahil hindi siya makakakain ng ube ice cream ngayong gabi. Pero patas lang naman kami, hindi rin ako makakakain. Buysit talaga ang bagong lipat! Siguraduhin niya talagang gwapo siya—
Napailing nalang ako nang bigla na namang dumaan sa isip ko ang gwapong mukha ni Kyler.
"Ma!"
"Asan na ang ice cream ko?" nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa habang nakalahad ang isang kamay sa 'kin.
Hays, wala naman akong choice kundi sabihin ang totoo. Mabait kasi akong bata hihihi.
"Kasi Ma—"
"I'm home!"
Savior.
"Papa!" nanakbo agad ako at humalik sa pisngi niya. Nakita kong may dala siyang ice cream kaya napahagikhik ako. Ligtas na ako sa hukuman.
Nang sumapit ang dinner ay magana kaming dumalo sa hapag. Nag-kwentuhan kami tungkol sa iba't ibang bagay. Nag asaran din.
"Eh kayong dalawa? Nag-aaway na naman ba kayo?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Papa habang nakatingin sa aming dalawa ng tukmol kong kapatid.
"Oo, kanina. Narinig ko na namang nagsisigawan ang mga 'yan sa sala. Nagtatalo na naman siguro."
Napatingin ako kay Aldrin dahil agad itong umapela. "Eh, kasi Pa, itong si Salv—Ate ay adik na adik na sa BTS eh mga bakla naman 'yun!"
Ayy, ang walang hiya!
" H-hoy, hindi naman 'yan ang pinag-awayan natin kanina ah?"
"Eh, sa totoo naman eh. Mga bakla talaga 'yang kinakaadikan mo!"
Bakit ba ang hilig niyang topic ang BTS?!
" Hindi sila bakla 'no! Ikaw yata ang adik eh!"
"Enough. Awat na, awat na!" saway ni Papa.
"Teka Pa, eto pa! Sabi pa ni Ate ay mga asawa niya daw 'yun!"
Masasapak ko na talaga ang hinayupak na 'to! Timpi pa! Timpi!
" Totoo ba 'yun Salve?" ayy ano ba 'yan?! Sasabihin ko bang mga asawa ko 'yun? Eh, kapag hindi naman ay parang tinatalikuran ko na ang pagiging army ko! Ang hirap namang mag-desisyon!
"T-totoo po, Pa. Mga asawa ko po talaga 'yun."
"Linahat mo?!" nanlalaking mga matang tanong ni Papa.
OMG!
Dapat ko pa bang sabihin kung paano ko sila pinagsabay lahat?!
"O-opo Pa...wala eh, na-fall silang lahat sa 'kin.."
"HINDI PWEDE!" napaatras ako sa biglang sigaw ni Papa. Pati sila Mama ay napatayo rin sa gulat.
"'WAG SI BABY TAEHYUNG!!"
Napangiwi nalang ako. Nakalimutan kong magka-vibes nga pala kami ni Papa.
....
Masaya akong pumasok sa school kinabukasan. Bukod sa nakakain ako ng ube creamline kagabi ay talagang maganda ang gising ko. Kaya kahit mga kakilala ko lang na estudyante ay binabati ko.
"Ako ba ang nakapagpaganda ng mood mo?" ngingiti ngiting tanong ni Joshua nang makasalubong ko siya sa b****a ng cafeteria.
"'Wag kang epal, Hermodo ah? Nasisira ang magandang mood ko."
"Sus, napaginipan mo siguro ako kagabi kaya good mood ka ngayon!" aabutin ko na sana ang kwelyo niya nang bigla nalang siyang tumakbo palayo.
Pumasok na ako sa cafeteria at pumunta sa counter. Bumili ako ng creamline na ube flavor. Binuksan ko agad 'yun dahil natatakam ako hehe. Susubo na sana ako nang matanaw kong pumasok sa entrance si Kyler.
Grabe naman, muntik ko nang maisubo ang kutsara!
Hanggang dito sa kinatatayuan ko ay abot pa ang halimuyak ng pabango niya. Ang fresh niya ring tignan sa uniform niyang suot. Halos lahat ay napapatingin sa pagpasok niya na animo'y isa siyang artista.
Tsk, bakit ba kasi ang gwapo niya?!
Dumiretso siya sa counter at may sinabi dito. Hindi ko ito marinig dahil medyo may kalayuan ako sa kanila. Pero partida, abot pa dito ang bango niya!
Nakita kong nangunot ang noo niya at napabuntong hininga. Akma siyang lilingon sa gawi ko kaya agad akong tumagilid sabay subo.
Kainis naman, muntik na 'kong mahuling nakamasid sa kaniya!
Pinakiramdaman ko ang presensya niya at ramdam kong nakatingin siya sa 'kin. Dahil naiilang na ako ay lumabas nalang ako.
Dahil maaga pa naman ay tumambay na muna ako sa upuan na nasa gilid gilid. May mga upuan kasi na gawa sa bato na nakalagay sa gilid gilid ng daan. Parang pag umupo ka dito ay pinagmamasdan mo ang mga estudyanteng pumapasok at lumalabas ng paaralan.
Susubo na sana ako nang maramdaman kong wala na pala akong hawak. Teka, nasaan na ang ice cream ko?! Sinipat sipat ko pa sa inuupuan ko dahil baka naipit ko lang kahit imposible naman pero wala talaga!
Langya, 'yung pagkain ko!
Magbubundak na sana ako nang makita ko ang isang matangkad na lalaking nakatalikod sa gawi ko. Hawak niya sa isa niyang kamay ang ice cream habang nakataas ito nang kalahati.
"A pay for bothering the precious me..."
Wtf?!
Then, inisang laklak niya ang ice cream ko!