Kasandra Nang sabihin ko kina Ate ang tungkol sa OJT ko ay hindi ko sinamang sabihin na si Luxxe ang magiging boss ko. Kinakabahan man ay pilit kong pinapatatag ang loob ko. Andito na ako ngayon sa receptionist at kakukuha ko lang ng ID tag ko. Naglakad na ako papuntang elevator at hinintay itong bumukas. Ilang segundo lang nang bumukas ito. Agad akong pumasok tulad ng iba. Hindi ko na kailangan pang pindutin kung saan ako pupunta dahil may nauna nang pumindot dito. Nang bumukas ang elevator sa opisina nito ay lumabas na agad ako. Habang naglalakad ay bumubuga ako ng hangin para mawala ang kaba ko. Kailangan kong ipakita dito na hindi ako apektado. Pagdating ko sa table ng secretary nito ay nakita ko ang dati nitong secretary. Alam ko na hinihintay niya ako para maipasa nito sa akin an

