Kasandra Huminga muna ako nang napakalalim na hininga bago ko ito pinakawalan. "Kaya mo 'yan Kasandra!" sambit ko sa sarili ko at tumingin sa pinto ng elevator. Papunta ako ngayon kay Baby Love. Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita mula nang inihatid niya ako sa bahay kinabukasan ng event. Nang bumukas na ang pinto ng elevator ay agad na akong pumasok at pinindot sa floor kung nasaan ang opisina ni Baby Love. Pagkarating ko sa mesa ng secretary nito ay ngumiti muna ako bago siya binati. "Magandang hapon po, Maam. Andiyan po ba si Mr Henderson?" nakangitung tanong ko. Ngumiti ito sa akin, "Nasa meeting pa siya." Napanguso ako sa sinabi niya. "Ganoon po ba? Ano pong oras ang balik niya?" agad kong tanong. "Hindi ko alam." nalungkot naman ako sa sinabi niya. "Pwede ko po ba si

