Kasandra Friday ngayon at wala ako sa mood na lumabas. Tinanggihan ko ang pag-aya nung dalawa sa akin. Papalabas na ako ng school ng may pumarada sa harap ko na itim na kotse. Hindi ko ito pinansin at hinintay nalang ang sundo ko. Nang bumaba ang bintana ng itim na kotse ay nagulat ako nang makita ko na si Luxxe ang driver. At ano naman kaya ang ginagawa nito dito? Tsk! "Hop in, ihahatid na kita." aya nito sa akin na tinaasan ko lang ng aking kilay. "Thank you but no thanks." seryosong sagot ko. Nakita kong bumaba ito sa kotse niya, pero hindi ko pa rin ito pinansin. Pagkalapit nito sa harap ko ay hindi ko maiwasang masamyo ang bango niya. "Ay sinasabi ko sayo Kasandra. Magtino ka! Magmomove on ka na sa kanya dahil may syota na 'yan." paalala ko sa sarili ko. Binukas nito ang pintuan

