Kasandra Pagdating namin sa kotse nito ay pilit niya akong pinapapasok pero nagmamatigas talaga ako. Masyado naman na ata siyang sinusuwerte. "Get in." utos nito. "Ayoko!" inirapan ko siya at humalukipkip sa harapan nito. Anong akala niya? Ganoon ganoon nalang? Manigas siya! "Kasandra, I told you to get in." malumanay na nitong utos sa akin pero tinalikuran ko lang siya. "In the count of three at hindi ka pa sumakay. Ako magpapasok sayo sa loob? I'm warning you." babala nito. Napangiti ako nang marinig ko itong magtagalog. Ang cute lang dinggin dahil halata mo na may pagka-slang siya sa pagsasalita ng tagalog. Ito ang unang beses na nagsalita ito sa ganoong lenguwahe kaya natutuwa ako. Nang maalala ko ang kahihiyan ko sa loob ay napasimangot na naman ako. Dahil sa malalim kong pag ii

