Kasandra Pagdating namin kagabi sa resort, naisipan muna naming kumain bago magpahinga. Napagdesisyunan kasi naming bukas nalang kami mamamasyal at i-enjoy ang dagat. Kahit dalawang oras lang ang biyahe ay nakakapagod pa din. Pagdating namin sa hotel room, inilapag ko muna sa isang gilid ang gamit ko bago ako pabagsak na humiga sa kama. Pinipilit kong inaaliw ang aking sarili pero hindi pa din makatiis ang isip kong hindi isipin si Luxxe. Naiinis man ako sa kanya ay hindi ko pa din maiwasang mamiss ito. Kinabukasan, nagbibihis na kami. Napatingin ako kay Ambhier nang makita kong naka two piece din ito. Napatawa ako nang makitang pula din ang suot na two piece ni Zay. Nang mapatingin silang dalawa sa akin ay itinaas ko ang pulang two piece ko. Hindi sila makapaniwala sa nakita nila. Sab

