Chapter 17

1783 Words

Kasandra Ilang araw na ang lumilipas pero wala pa din siyang paramdam sa akin. Gusto ko siyang puntahan sa opisina nito pero nangingibabaw ang pride ko. Baka mapahiya lang kasi ako pag pumunta pa  ako doon. Baka kasi galit pa siya sa akin. Tahimik akong nakaupo sa upuan ko habang pinaglalaruan sa mga kamay ko ang ballpen na aking hawak. "Hey, ilang araw ka ng tahimik, ah." tanong ni Zay sa akin na ikinangiti ko lang. "Any problem?" tanong nito na ikinabuntong hininga ko. "Hanggang ngayon kasi wala pa akong balita diyan sa kapatid mong napakasungit." sambit ko na ikinatawa niya. About sa kaugnayan pala nilang dalawa ay naipaliwanag na niya. Magkapatid pala sila sa ama. Kinuwento niya sa amin ang nangyari pero hindi ko na siguro ito kuwento para isalaysay pa ang pangyayari sa buhay nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD