CELESTINA's POV
Walang tigil sa pagdaloy ang aking mga luha.
I can't hold back my tears.
I really miss him.
I miss Jay-R.
Kinagat ko ang aking ibabang labi rahil sa sobrang paghihinagpis na aking nararamdaman. Nagsi-sink in na isa-isa ang consequences ng mga maling desisyong aking ginawa.
Ikinuyom ko ang aking kanang palad at itinapat sa aking kaliwang dibdib. Damang-dama ko ang sakit. I can still feel the pain that I felt on the day I left Jay-R.
Nanlalambot ang aking mga tuhod. Nararamdaman kong bibigay ako anytime soon. Dahan-dahan akong naglakad paatras papunta sa pinakamalapit na settee.
Nang tumama ang likod ng aking mga tuhod sa pinakamalapit na settee ay dahan-dahan akong umupo rito. Tuloy pa rin ang aking pagluha. Tumingala ako at humugot ng malalim na paghinga. Baka-sakaling gumaan ang aking pakiramdam.
Pumikit ako ng mariin at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Ngunit sa aking pagpikit ay biglang lumitaw ang mukha ni Jay-R sa aking isipan.
Ang nakangiting mukha ni Jay-R ang aking nakikita. Ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi sa tuwing ngumingiti siya sa akin. Ang kulay itim niyang mga mata na mas lalo pang pinaitim ng kanyang mahahabang pilik-mata sa tuwing tinititigan niya ako ng matiim. Ang matangos niyang ilong na kumikiliti sa akin tuwing ikikiskis niya sa aking pisngi.
Nakikita ko ang mga mapupulang labi ni Jay-R. Ang mga labing iyon na ilang beses ipinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Ang mga labing iyon na ilang beses binanggit ang mga katagang "Mahal kita, aking high maintenance lady", "I love you, my high maintenance lady", "I love you, Celestina", "Mahal na mahal kita, Celestina" at kung anu-ano pang mga kataga na nagpapaalala sa akin kung gaano ako kamahal ni Jay-R.
Ang nakangiting mukha ni Jay-R sa aking isip ay unti-unting napapalitan ng ibang emosyon. Ngayon ay nakikita ko na ang hinanakit at pait sa kanyang mukha. Ang mukha niyang lumuluha rahil sa mga nasirang pangako.
Promises that I broke.
Idinilat ko ang aking mga mata at humugot ng malalim na paghinga. Walang tigil sa pagdaloy ang aking mga luha.
Bakit ang sakit-sakit pa rin kahit ilang taon na ang nakalipas?
Dahil mahal mo pa rin si Jay-R.
Iyon ang isinisigaw ng aking isipan na hindi ko kayang pabulaanan. Dahil iyon ang totoo. Hindi nawala si Jay-R sa aking puso at isipan kahit pa sinubukan kong mahalin sa paraang alam ko ang aking asawang si Brent sa nakalipas na mga taon.
May asawa na rin kaya si Jay-R?
Kung nasaan man si Jay-R ngayon, sana ay napatawad na niya ako. Sana ay masaya siya sa kanyang buhay sa piling ng ibang babae.
Sa piling ng ibang babae.
Sa kaisipang iyon ay napakagat ako sa aking ibabang labi. Ang sakit palang isiping masaya na si Jay-R sa piling ng ibang babae. Na napalitan na ako sa kanyang puso. Na hindi na ako ang sinasabihan niya ng mga katagang "Mahal kita".
Napatingin ako sa large portrait na nakasabit sa dingding dito sa living room ng malaking bahay namin ni Brent. Isa itong photograph na kuha noong kasal namin. May ningning sa mga mata ni Brent nang araw na iyon. Masayang-masaya ito na naikasal ako sa kanya. That smile of triumph.
Tiningnan ko ang aking mukha sa portrait. Magandang-maganda ang ayos ko that day. Everything was perfect. Everything about my dream wedding was granted, except for the groom.
Nakangiti ako sa larawan, pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa aking mga mata. Wala roon ang ningning na makikita sa mga mata ni Brent sa larawan.
That day sealed my fate.
Iyon ang araw na tuluyang tumuldok sa relasyon namin ni Jay-R.
Jay-R didn't come to my wedding to rescue me from my misery. Why would he? I was the first one who left him out of the blue.
Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Ang araw na iniwan ko si Jay-R.
Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nilingon ko ang pinto at nakita kong sumungaw doon si Yaya Nimfa. Kasama ko na ito sanggol pa lamang ako. Ito ang nag-alaga sa akin hanggang sa lumaki ako. H-in-ire ito ni Daddy Alfredo para makasama namin ni Mommy sa bahay na binili ni Daddy para sa amin ng ina ko.
Alanganing ngumiti ako kay Yaya Nimfa at pinapasok ito sa loob ng aking kwarto. Isinarado nito ang pinto.
Nimfa: Pasensya na, hija, kung binuksan ko na ang pinto ng kwarto mo. Kanina pa ako kumakatok ngunit hindi ka sumasagot.
Natigilan ako. Marahil sa sobrang pag-aalala ko sa mga mangyayari ngayong araw na ito ay hindi ko na narinig ang mga katok sa pinto.
Celestina: Ma-may iniisip lang ho ako, Yaya. A-ano po ang kailangan niyo?
Tinitigan muna ako nito ng ilang segundo bago nagsalita.
Nimfa: Pinapasabi ng Mommy mo na sabihin ko raw sa iyong tumawag ang ama mo, hija. Mahuhuli raw sila ng dating dahil nasiraan sila ng sasakyan sa may bayan.
Sa sinabing iyon ni Yaya Nimfa ay nanlaki ang aking mga mata at napatayo ako mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng aking kama.
Celestina: Hi-hindi sila pwedeng mahuli ng dating, Yaya. Ba-baka pumunta si Jay-R dito?
Alam ni Yaya Nimfa ang tungkol sa relasyon namin ni Jay-R. Simula pagkabata ay malapit na ako rito at lahat ng bagay tungkol sa akin ay alam nito rahil isa ito sa mga taong aking pinagkakatiwalaan.
Marahil ay nakita ni Yaya Nimfa ang pag-aalala sa aking mukha kaya nilapitan ako nito at pinisil ang aking dalawang kamay matapos abutin ang mga iyon.
Nimfa: Hija, kumalma ka. Nasa talyer pa si Jay-R sa mga oras na ito. Siguradong hindi pa niya nababasa ang sulat na ibinigay ko sa kanyang ina.
Nanlalambot ang aking mga tuhod. Mabuti na lamang ay hawak ni Yaya Nimfa ang aking mga kamay. Doon ako umaamot ng kaunting lakas.
Hindi ko alam kung paano pakikiharapan si Jay-R oras na mabasa na niya ang sulat na ipinadala ko. Hindi ko kayang sabihin ng harapan sa kanya ang desisyong aking ginawa kaya idinaan ko iyon sa isang liham.
Celestina: Yaya, natatakot ako. Pa-paano kung maabutan ako rito ni Jay-R at maabutan din siya ni Daddy?
Punung-puno ng pag-aalala ang tinig ng aking boses.
Narinig kong nagbuntung-hininga si Yaya Nimfa.
Nimfa: Hija, magtapat ka nga sa akin.
Titig na titig sa akin si Yaya Nimfa.
Nimfa: Sigurado ka ba sa desisyon mong ito? Hija, hindi biro ang pagpapakasal lalo na kung hindi mo mahal ang taong pakakasalan mo. Mahirap makisama sa isang tao sa ilalim ng iisang bubong kung walang namamagitang pagmamahal.
Hindi ko kayang salubungin ang mga titig ni Yaya Nimfa.
Celestina: Ma-mahal naman ho ako ni Brent, Yaya. Si-siguro ay ma-matututunan ko rin siyang mahalin.
Yumuko ako at tumingin sa mga kamay kong pisil-pisil ni Yaya Nimfa.
Celestina: Hi-hindi ko alam ku-kung kakayanin ko ang buhay na iniaalok ni Jay-R, Yaya. Na-natatakot ho ako na ba-baka manibago ako sa ganoong uri ng buhay.
Narinig kong nagbuntung-hininga si Yaya Nimfa.
Nimfa: Pero mahal mo siya, hindi ba?
Tumingin ako kay Yaya Nimfa at tumango. Nagsisimula nang mangilid ang mga luha sa aking mga mata.
Nimfa: At mahal ka rin niya, hija.
Kinagat ko ang aking ibabang labi sa pagpipigil na maiyak bago sumagot kay Yaya Nimfa.
Celestina: Pero hindi ho sapat na mahal lang namin ang isa't isa, Yaya. Hi-hindi ho kami ma-mabubuhay ng pagmamahal lang.
Nakita kong nakakaunawang tumango si Yaya Nimfa.
Nimfa: Nauunawaan ko, hija. Pero hindi ba at nangako siya sa iyo na gagawin ang lahat para kahit papaano ay hindi ka mahirapan sa piling niya? At ngayon ay nakikita mo naman ang pagsisikap niya. Unti-unti niyang tinutupad ang mga pangako niya sa iyo. Ang pagmamahal, hija, ay nilalakipan ng tiwala. At mas madaling maabot ang mga pangarap sa buhay kung kaagapay mo ang taong mahal mo.
Sa sinabing iyon ni Yaya Nimfa ay tuluyan nang tumulo ang aking mga luha sa aking magkabilang pisngi.
Nasa ganoon akong kalagayan nang marinig namin ni Yaya Nimfa na may sumisigaw sa labas ng gate.
"Celestina!"
Nanlalaki ang aking mga mata na tumingin kay Yaya Nimfa. Maging ito ay nagulat din. Kilala namin ang boses na iyon.
Marahan kong pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata at magkabilang pisngi habang naglalakad patungo sa malaking bintana ng aking kwarto. Hinawi ko ang kurtina na tumatabing sa malaking bintana at sinilip ang taong sumisigaw sa labas ng bintana.
"Celestina, mag-usap tayo!"
Hindi ako nagkamali ng hinala. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon ni Jay-R.
Bakit siya nandito?
Naramdaman kong lumapit sa aking likuran si Yaya Nimfa at nakisilip din sa labas ng bintana.
Nimfa: Maryosep. Bakit narito si Jay-R?
Natataranta akong lumingon kay Yaya Nimfa.
Celestina: Yaya, a-anong gagawin ko? Baka magkagulo?
Nang sumilip akong muli sa labas ng bintana ng aking kwarto ay sumisigaw pa rin si Jay-R.
Jay-R: Celestina, kausapin mo ako!
Ganoon na lang ang aking panggigilalas nang pagtingin ko sa di-kalayuan ay may nakita akong paparating na pamilyar na sasakyan. Papalapit na ito sa aming bahay at paniguradong makikita ng sinumang nakasakay doon ang nagsisisigaw na si Jay-R sa labas ng gate ng aming bahay. Biglang nanlambot muli ang aking mga tuhod.
Nanlalaki ang aking mga matang hinarap si Yaya Nimfa.
Celestina: Pa-parating na si Daddy, Yaya.
Ipinilig ko ang aking ulo.
No. Ayoko nang alalahanin pa ang araw na iyon. That day brought so much pain into my heart.
Celestina: I am so sorry, Jay-R. Hindi ko naipaglaban ang pagmamahalan natin.
----------
to be continued...