CELESTINA's POV
Alas diyes ng gabi.
Sigurado akong tulog na ang aking anak. My daughter Abigail. Still a child. Hindi deserve ng bata ang madamay sa problema ng parents nito.
Iginala ko ang aking paningin sa buong kabahayan. I assume tulog na rin ang asawa kong si Brent.
Matapos kong umiyak nang umiyak sa loob ng flower shop ng aking best friend na si Samantha, we decided to order foods for our dinner. Doon na rin kami kumain sa loob ng flower shop nito. Matamlay akong kumain. Tahimik lang. Nag-iisip. And my best friend Samantha was just there looking at me while she was taking her own dinner.
I appreciate na nirespeto ni Samantha ang pananahimik ko. Mukhang ito rin naman ay may sariling iniisip. Kahit nakatingin ito sa akin ay alam kong wala sa akin ang isip nito. I wonder what she was thinking earlier. Hindi kaya may problema rin ang best friend ko?
Tumingala ako at humugot ng malalim na paghinga. This day is so exhausting. I feel like my energy was fully drained.
Kanina habang nagdi-dinner kami ni Samantha ay naisipan kong padalhan ng message ang nanny ni Abigail. Si Nana Sarita. Sinabi ko ritong pakainin na si Abigail at patulugin nang maaga. Sinabi ko ring sa labas na ako nag-dinner kasama ang kaibigan at mamaya pa makakauwi. Pagkatapos kong i-send ang message na iyon ay ilang minuto lang nang may tumawag sa akin. Numero ni Nana Sarita. Gusto pala akong kausapin ng anak ko.
Naalala ko pa kung paano kong pinigilan ang aking sarili na mapaluha habang kausap si Abigail.
Celestina: Hello, sweetie?
Matagal bago nagsalita ang anak ko mula sa kabilang linya.
Abigail: Hello po, Mommy. Nana Sarita told me you'll get home late.
Pumikit ako ng mariin. Pinipigilan ang aking sarili na mapaiyak. I don't want my daughter to worry about me.
Celestina: Ye-yes, sweetie. I'm with Tita Samantha. You-you know naman na matagal na kaming hindi nagkikita, right? Next time I'll take you with me kapag bibisitahin ko ulit siya.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Thank goodness I didn't have to lie to my daughter.
Abigail: Of course, Mommy. I already miss Tita Samantha. Hug and kiss her for me, Mommy.
Dinig na dinig ko ang saya at excitement sa tinig ng boses ng aking anak at ayaw kong mawala iyon.
Celestina: O-of course, sweetie. Eat ka na, ha?
Matagal bago muling nagsalita si Abigail mula sa kabilang linya.
Abigail: Yes, Mommy. Kahit po mag-isa lang akong kakain cause Daddy said he's tired. He's in your room right now. I guess he's already sleeping.
Nahimigan ko ang lungkot sa tinig ng boses ni Abigail at ayoko nang dagdagan pa iyon.
Abigail: Maybe I'll just ask Nana Sarita to eat with me.
Narinig kong humagikgik si Abigail mula sa kabilang linya. Narinig ko ring tumatawa si Nana Sarita. Dahil doon ay napangiti ako.
Celestina: Okay, sweetie. Ask Nana Sarita to eat with you. Be good.
Narinig kong muling tumawa si Abigail.
Abigail: No problem, Mommy. Take care po, you and Tita Samantha. Bye. Love you.
Narinig kong nag-kiss sound ang aking anak kaya naman ginaya ko ito kahit parang sasabog na ang mga luha ko.
Celestina: Love you too, sweetie.
Tinapos ko na ang tawag bago pa ako ipagkanulo ng aking sariling damdamin. As much as possible, ayokong malaman ng anak kong may nangyayaring mali sa marriage ng parents nito. She's too young for that.
Ayokong madamay si Abigail sa isang bagay na hindi naman mangyayari kung hindi maling desisyon ang ginawa ko noon.
Tumingin ako kay Samantha. Nakatitig lang ito sa akin. Mukhang may malalim pa ring iniisip. Napailing na lang ako at inisip ang mga sunod na gagawin kong hakbang.
Throughout the dinner kanina ay iniisip ko kung paano ko pakikiharapan si Brent because, obviously, I can't avoid him forever. We're married and sa ayaw at sa gusto ko, we need to talk.
What went wrong in our marriage? Maybe because I've never loved him. But heaven knows I did everything to make him feel loved. Hindi ko ipinaramdam sa kanya na ibang lalaki ang nasa puso ko sa tuwing siya ang kasama ko. Sinubukan ko siyang mahalin sa paraang alam ko.
So, why did he cheat on me?
Yes, I believe that I don't deserve to be cheated on, but at the back of my mind, maybe I deserve this. Maybe this is the punishment for all of my wrong decisions in life. Na hindi ko pinakinggan ang puso ko.
Na hindi ko pinili si Jay-R.
Bigla ay lumitaw sa aking isip ang imahe ng lalaking mahal ko. Kung ito ang pinili ko, malamang ay masaya kaming dalawa ngayon. Hindi nito ako lolokohin. He definitely wouldn't cheat on me.
I still remember Jay-R's promise to me.
Kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi ni Jay-R habang gumuguhit ng puso sa may buhanginan. Pagkatapos ng aking klase ay nakita kong naghihintay sa labas ng classroom si Jay-R. Nakangiti ito sa akin. Nang lapitan ko ito ay bigla nitong hinawakan ang aking kaliwang bisig.
Jay-R: Sumama ka sa akin. May pupuntahan tayo.
Hawak ni Jay-R ang aking kaliwang bisig habang inaakay ako nito palabas ng gate ng school. Nang makalabas kami ng gate ay nagpatuloy kaming maglakad hanggang huminto ito sa tapat ng isang segunda-manong motorsiklo. Ito ang motorsiklong gusto nitong bilhin dati pa.
Lumingon ako kay Jay-R at nandoon ang kuryosidad sa aking mga mata. Proud na proud na tumango ito.
Jay-R: Hulugan, pero at least, nasa akin na. Babayaran ko buwan-buwan mula sa kikitain ko sa talyer ni Mang Andoy. Ang ganda, 'di ba?
Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Jay-R. Nagniningning iyon. Bigla ay niyakap ko ang leeg ni Jay-R at bumulong sa tainga nito.
Celestina: I'm happy for you, Jay-R.
Naramdaman kong inalis nito ang aking mga bisig sa pagkakapulupot sa leeg nito.
Jay-R: Celestina, alam mong gustung-gusto ko ang mga yakap mo, pero ayokong pag-isipan ka ng masama ng ibang taong makakakita sa pagyakap mo sa akin. Halika. Sumama ka sa akin. Ikaw ang una kong isasakay sa aking bagong-biling motor. May rason ka na para mayakap ako ng matagal.
Pagkatapos sabihin iyon ay kumindat si Jay-R sa akin. Hinampas ko ito sa kaliwang braso.
Celestina: Sinasamantala mo ang pagkakataon, Mr. Abad.
Tumawa ng malakas si Jay-R.
Jay-R: Kayo po ang unang yumakap sa akin, Ms. Buenavides.
Ako naman ang tumawa sa sinabi na iyon ni Jay-R. Bawat sandali ay masaya kapag si Jay-R ang kasama ko.
Inabot ni Jay-R ang helmet na nakasabit sa handlebar ng motorsiklo at ipinasuot sa akin.
Jay-R: Pagpasensyahan mo na, aking high maintenance lady, na sa motorsiklo lang kita maisasakay sa ngayon. Hindi ito katulad ng mga sasakyan ng Daddy Alfredo mo. Pero balang araw, sa isang mamahaling sasakyan na kita pasasakayin.
Isang matamis na ngiti ang iginawad ko kay Jay-R.
Celestina: Kahit ano pang sasakyan 'yan, Jay-R, kahit sa kariton pa, wala akong magiging reklamo basta ikaw ang kasama ko.
Nakita kong lumawak ang ngiti sa mga labi ni Jay-R. Nakita ko ring kumislap ang mga mata nito, pero sandali ko lamang nakita iyon dahil pumuwesto na ito para paandarin ang motorsiklo. Nang sabihin nitong sumakay na ako ay dahan-dahan akong umangkas na patagilid ang upo sa likuran nito. Ipinalibot ko ang aking mga bisig sa baywang nito. Buti na lamang ay isa sa mga designer shoulder bags ang gamit ko ngayon kaya hindi ako mahihirapan sa aking pwesto.
Kahit may suot akong helmet ay pasimple ko pa ring inamoy ang likod ni Jay-R nang makaupo na ako ng maayos sa motorsiklo. Hinding-hindi ako magsasawang amuyin ang natural na lalaking amoy nito.
Jay-R: Sa ngayon ay libre pa 'yan, pero kapag nakabili na ako ng mamahaling pabango ay may bayad na ang pag-amoy mo sa akin, my high maintenance lady.
Nabigla ako sa sinabing iyon ni Jay-R. Nanlaki ang aking mga mata at pinamulahan ako ng mukha. Napansin pala nito ang pag-amoy ko rito kahit nakasuot ako ng helmet. Para mapagtakpan ang pagkapahiya ay hinampas ko ng mahina ang likod nito na ikinatawa lang nito.
Jay-R: My high maintenance lady, ready ka na ba?
Tumawa ako bago sumagot.
Celestina: Let's go!
Pinagsawa ko ang aking mga mata sa mga puno at mga halamang bulaklak na nararaanan namin ni Jay-R. Kahit nakasuot ako ng helmet ay langhap na langhap ko pa rin ang mabangong hangin ng probinsya.
Maya-maya ay sumigaw si Jay-R.
Jay-R: Mahal na mahal kita, Celestina! Aking high maintenance lady!
Masayang-masaya ang pakiramdam ko habang naririnig na sinasabi iyon ni Jay-R. Humigpit ang kapit ko sa baywang nito lalo na nang iliko nito ang motorsiklo sa isang baybayin. Magkakatabi ang mga puno ng niyog na dinaraanan namin. Hanggang tumigil ito sa isang parte ng baybayin at inihinto ang motorsiklo. Inalalayan ako nitong bumaba ng sasakyan at hubarin ang helmet na suot ko.
Kaya ngayon ay narito kaming dalawa sa dalampasigan. Nakita kong tapos na nitong iguhit ang malaking puso sa may buhanginan. Lumakad si Jay-R patungo sa loob ng iginuhit na puso sa buhanginan at inilahad ang kanang kamay sa akin. Lumapit ako rito at inabot ang kanang kamay nito.
Niyuko ako ni Jay-R at matamis na ngumiti sa akin. Ipinalibot nito ang dalawang bisig sa aking baywang at kumapit ako sa batok nito.
Jay-R: Tulad ng pusong ito na kinapapalooban natin, ganito kalaki ang pagmamahal ko sa iyo, Celestina. Pangakong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko magpakailanman. Ang babaeng magmamay-ari ng aking puso at ookupa rito. Mahal na mahal kita, my high maintenance lady.
Kitang-kita ko ang pagmamahal sa mga mata ni Jay-R habang sinasabi ang mga salitang iyon sa akin. Nakita kong muli ang pagkislap ng kanyang mga mata. Maya-maya ay dinampian nito ng halik ang aking mga labi. Sandali lang iyon pero damang-dama ko sa init ng mga malalambot na labi ni Jay-R ang pag-ibig nito para sa akin.
Sumandal ako sa dibdib ni Jay-R pagkatapos ng halik na iyon. Halos marinig ko ang malakas na kabog ng puso nito.
Celestina: I love you too, Jay-R.
Sa puntong iyon ng aking pagbabalik sa nakaraan ay tumulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Hinayaan kong dumaloy ang mga luhang iyon sa aking magkabilang pisngi.
Celestina: Nasaan ka na, Jay-R?
----------
to be continued...