CELESTINA's POV
I'm shaking.
I'm shocked.
Nanginginig ako sa pagkagulantang.
Nakabalik na ako rito sa loob ng master's bedroom matapos mag-eavesdrop sa pakikipag-usap ng aking asawang si Brent sa kung sinumang kausap niya sa kanyang phone.
Habang pinanonood ko ang paglangoy sa swimming pool ng aking mag-ama kanina ay nakita kong biglang inihabilin ni Brent ang aming anak na si Abigail sa babysitter nitong si Nana Sarita.
Kasunod niyon ay pumasok sa loob ng malaking kabahayan si Brent bitbit ang kanyang phone. Agad akong nagduda kaya naman mabilis akong lumabas ng master's bedroom para sundan kung saan pupunta si Brent.
Nakita kong pumasok si Brent sa loob ng kusina at doon ay may kinausap siya sa kanyang phone na nasisigurado kong isang babae.
At base sa usapan ni Brent at ng babaeng iyon ay mukhang gustong makipagkita ng babae kay Brent ngayon, but because I caught him with another woman yesterday kaya ayaw muna ni Brent na makipagkita sa kanyang kausap sa phone to gain my trust back.
The audacity of Brent to have not just one but two women behind my back.
Yes, I thought that maybe I deserve this betrayal from Brent dahil hindi ako nagpakatotoo sa aking sarili noon and still married him even though I didn't love him.
Pero paulit-ulit ko rin namang naiisip that I tried to love Brent back in my own unique way.
I didn't cheat on Brent, did I?
Oh yes, emotionally cheated on him, I guess. By keeping the man I love, Jay-R, in my heart through all the years Brent and I have been together.
Pero kahit kailan ay hindi ko ipinaramdam kay Brent na hindi ko siya mahal.
I've been a good wife to Brent, a good mother to our daughter.
Dahil alam kong once we got married, may obligasyon na ako kay Brent bilang kanyang legal wife.
I didn't physically cheat on Brent.
Maybe you were just trying to justify yourself?
I ignored that little voice inside my head.
Okay, loving another man who isn't my husband is one thing, but acting on it is a whole different story.
Iyon ang pagkakaiba namin ni Brent. Emotional cheating is different from physical cheating.
You're such a hypocrite, Celestina.
Argh!
Bakit ba ayaw manahimik ng boses na iyon sa aking isipan?
Justifying myself?
Of course not.
Okay, let's say, Brent and I cheated on each other. At least ako I'm still trying to do what is right for our marriage. I'm still trying my best to love Brent back sa paraang alam ko.
But how about Brent?
Brent has two mistresses at kasasabi niya lang sa kausap niya kanina na hindi muna siya makikipagkita rito para bumalik ang tiwala ko sa kanya.
And then what?
Kapag pinatawad ko si Brent ay babalik ulit siya sa mistress niya?
At hindi ko hahayaang mangyari iyon.
I won't totally destroy our marriage just because of Brent's itchiness between his thighs.
Hindi ko hahayaang masira ang pamilyang perpekto sa paningin ng aking anak.
I won't let Abigail down.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig kong tumutunog ang aking phone.
Binasa ko ang name ng caller sa screen ng aking phone.
Samantha.
My best friend is calling me.
Marahil ay nag-aalala pa rin sa akin si Samantha rahil sa nangyari kahapon.
Si Samantha ang aking kasama when I went to Brent's office yesterday at mahuli namin si Brent at ang kanyang babae in a very compromising situation.
Humugot ako ng malalim na paghinga nang maalala ko na naman ang nangyari kahapon.
Kitang-kita ko kung paanong nakalublob ang alaga ng aking asawa sa batis na nasa pagitan ng hita ng babaeng kasama niya sa pangangaliwa sa akin.
Cheater.
Muli akong humugot ng malalim na paghinga bago ko sinagot ang tawag ni Samantha.
Celestina: Hello, Sam?
Narinig ko ang parang paghahabol ni Samantha sa paghinga nito mula sa kabilang linya.
Samantha: Ce-Celestina. Wait lang, mag-mag-aayos lang ako sandali.
Napakunot ang aking noo.
Bakit naman ako tatawagan ni Samantha kung hindi pa pala ito nakaayos? I don't even know kung ano ang aayusin nito.
Makalipas ang ilang minuto ay muli kong narinig ang tinig ng boses ni Samantha mula sa kabilang linya.
Samantha: How are you, Celestina?
Nahimigan ko ang pag-aalala sa tinig ng boses ni Samantha.
Dahil sa concern na aking naririnig mula sa tinig ng boses ni Samantha ay parang gusto kong muling lumuha.
I'm very lucky to have a friend like Samantha.
Celestina: Brent and I, w-we haven't talked yet.
Naramdaman kong nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata.
Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ni Samantha mula sa kabilang linya.
Samantha: Nandiyan ba si Brent sa house ninyo ngayon? Do you want me to come over? It's weekend kaya wala ako sa shop.
Sandaling tumigil sa pagsasalita si Samantha at nang muling magsalita ay para itong nananantiya.
Samantha: Gusto mo bang samahan kitang kausapin si Brent? O kung gusto mo, pwedeng ako ang kumausap sa kanya. Anything that I can be of help, Celestina.
Kinagat ko ang aking ibabang labi sa pagbabaka-sakaling mapipigilan niyon ang pagpatak ng aking mga luha.
Celestina: Th-there's no need for you to do that, Sam. Your support is more than enough. Ma-malaking bagay na iyon sa akin.
Lumunok ako rahil pakiramdam ko ay may malaking bikig sa aking lalamunan.
Samantha: You know that you can always count on me, Celestina. I'm your best friend and I will do everything for you.
Sa sinabing iyon ni Samantha ay napangiti ako.
Samantha: In fact, kagabi ko pa iniisip si Brent.
Sandaling tumigil sa pagsasalita si Samantha at narinig ko ang paghugot nito ng malalim na paghinga mula sa kabilang linya.
Samantha: I-iniisip ko kung pwede kong ba-bantayan si Brent, if you want. Kasi, 'di ba, malapit lang ang flower shop ko sa office niya, ba-baka gusto mong puntahan ko si Brent sa office niya para ma-check kung gumagawa siya ng milagro?
Kumunot ang aking noo rahil sa sinabi ni Samantha at sandaling nag-isip.
Napansin ko rin ang pautal-utal na pagsasalita ni Samantha.
Samantha: Ku-kung gusto mo lang naman.
Sinundan ni Samantha ng parang nahihiyang tawa ang sinabi nito.
Celestina: Bakit ka naman nauutal magsalita, Samantha? All my life I've known you, you've always been very confident.
Pinilit kong tumawa ng marahan matapos sabihin iyon.
Samantha: Eh, kasi, Celestina, nag-aalangan ako roon sa suggestion ko. Baka masamain mo? Pero gusto ko lang talagang huwag nang ulitin ni Brent 'yong ginawa niya sa iyo.
Muli kong narinig na nagbuntung-hininga si Samantha.
Samantha: You don't deserve that. No wife deserves to be cheated on. Iyan ang lagi mong tatandaan, Celestina.
Don't I really deserve to be cheated on?
Even though I don't love my husband and I love someone else.
Hindi ko na alam. Gulung-gulo na ako.
Samantha: You're a doting wife and a loving mother. You always care for Brent and Abigail. They're both lucky to have you in their lives.
Sa narinig kong sinabing iyon ni Samantha ay biglang may isang butil ng luha na tumulo sa aking pisngi.
Celestina: Thank you, Sam.
Bukal sa puso ang aking pasasalamat kay Samantha.
Samantha: That's the truth, Celestina. Kaya kung gusto mong bantayan ko ang asawa mo for you ay gagawin ko.
Nakapikit akong hinawi ang aking buhok habang iniisip ang sinabi ni Samantha.
Celestina: I'll think about it, Sam.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Samantha.
Samantha: Okay, Celestina. Ibababa ko na ang tawag. Say hi to Abigail for me.
Isang mahinang tawa ang aking pinakawalan bago sumagot kay Samantha.
Celestina: Okay, I will. Thanks again, Sam.
Isang masayang ngiti ang sumilay sa aking mga labi matapos naming mag-usap ng aking best friend na si Samantha.
Samantha never fails to make me feel better. She always knows what to say to make me smile.
I don't know kung ano ang aking gagawin if I don't have a friend like Samantha.
Matapos kaming makapananghalian ngayong araw ay nagpahinga na si Abigail sa loob ng kwarto nito kasama ang babysitter nitong si Nana Sarita.
I know na kahit anong iwas kong makausap si Brent ay darating ang puntong kailangan naming mag-usap na dalawa.
Kaya naman narito kami ni Brent ngayon sa loob ng study room ng aming malaking bahay. Nakaupo sa magkabilaang gilid ng malaking settee.
Nakatutok ang aking mga mata sa malaking bintana ng study room. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig ni Brent sa akin.
Brent: I'm sorry, Celes. Please forgive me, hon.
Napalunok ako ng laway nang marinig ang sincerity sa tinig ng boses ni Brent.
Is it genuine or is Brent a good actor?
Brent: I was seduced, I was tempted, and eventually I gave in. I'm so sorry, hon. I-it was all my fault.
Narinig ko na parang nabasag ang boses ni Brent kaya agad kong napalingon sa gawi niya.
Nakatakip sa mukha ni Brent ang kanyang dalawang palad habang nakatukod sa magkabilang tuhod ang kanyang dalawang siko.
Marahang yumuyugyog ang mga balikat ni Brent.
Brent is silently crying.
Totoo nga kayang nagsisisi si Brent o talagang marunong lang siyang umarte?
But I heard what Brent had said to the person he was talking to earlier over the phone.
May isa pang babae si Brent maliban sa babaeng kasama niya kahapon.
That girl Queenie who I saw on top of my husband's thighs.
Niloko ako ni Brent.
Brent physically cheated on me.
Celestina: Siya lang ba?
Nakatingin na ako kay Brent habang hinihintay ang kanyang magiging sagot.
Pinanood ko ang unti-unti pagtanggal ni Brent ng kanyang dalawang palad mula sa pagkakatakip sa kanyang mukha.
Nang lumingon sa akin si Brent ay malakas akong napasinghap. Hilam sa luha ang kanyang mga mata.
Naroon sa mga mata ni Brent ang pagmamakaawa na unti-unting napalitan ng pagkalito.
Kunot ang noong sinagot ni Brent ang aking tanong ng isa pang katanungan.
Brent: Wh-what did you mean by that?
Humugot ako ng malalim na paghinga.
Celestina: Ilan ang mga babae mo?
May diin sa bawat salitang aking binibitiwan.
Kitang-kita ko ang pagkalito sa mukha ni Brent.
Brent: Mga ba-babae?
Ako naman ngayon ang naguluhan sa aking nakikitang pagkalito sa mukha ni Brent.
Celestina: Y-yes. Ilan pa ang mga babae mo maliban sa babaeng kasama mo kahapon?
Nakita kong gulat na gulat na napabuka ang bibig ni Brent ngunit walang salitang lumalabas mula roon.
Brent: Celes? Wh-what are you talking about? Wala na akong ibang babae maliban sa babaeng nakita mo kahapon. And that only happened once. Kahapon lang kung kailan nakita mo kaming magkasama.
Sukat sa aking narinig ay naikuyom ko ang aking dalawang palad.
Liar.
Liar!
Kung kanina ay may duda pa ako kung umaarte lamang si Brent, ngayon ay wala na.
Brent was trying to be a good actor but he failed.
Mabuti na lamang at nahuli ko si Brent na may kausap kaninang umaga. Dahil kung hindi ay patuloy niya pa rin akong lolokohin.
I wonder why Brent lied to me after I caught him with another woman.
I thought magsisisi na si Brent. But I was wrong.
I was very wrong.
This only means one thing.
I can't trust Brent anymore.
At paulit-ulit pa ring magsisinungaling sa akin si Brent.
Well, I'm not Celestina Buenavides-Paleamor for nothing.
If Brent wants to play a game, then I'll play along with him.
Aalamin ko kung anu-ano pa at kung sinu-sino pa ang mga itinatagong sikreto ni Brent.
Hindi ako papayag na paulit-ulit akong lokohin ni Brent.
Tumango ako ng marahan kay Brent.
Celestina: W-was there any other reason w-why you cheated on me besides the fact that y-you got seduced?
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Brent at agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Isang nakaiilang na mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni Brent bago siya muling nagsalita.
Brent: Y-yes.
Kumunot ang aking noo sa naging sagot ni Brent hanggang sa muli siyang humarap sa akin.
Brent: S-si Sophie.
Isang malakas na singhap ang aking pinakawalan matapos marinig mula sa bibig ng aking asawa ang pangalan ng aking pinsan.
That Sophie again.
----------
to be continued...