CELESTINA's POV
Abigail looks so happy.
Mula sa bintana ng master's bedroom ay pinapanood ko ang aking anak habang inaalalayan itong lumangoy sa swimming pool ng aking asawang si Brent.
It's Saturday.
This is the usual day of the week when the three of us, me, Brent, and Abigail, spend quality time with one another.
Quality time na madalas masira sa tuwing may tumatawag kay Brent at kanyang sinasabi na kailangan niyang pumasok sa office.
But I know the truth now.
Madalas umaalis si Brent tuwing Sabado to spend more time with his mistress.
I can't believe that during those times he preferred to spend more time with his mistress than with his daughter.
What kind of father would do that to his daughter?
Pumikit ako ng mariin at malalim na nagbuntung-hininga.
How about today?
Aalis bang muli si Brent para makipagkita sa kanyang babae after I caught him with his mistress yesterday?
I don't know what to do anymore kapag ginawa ni Brent iyon.
Hindi naman siguro ganoon kakapal ang mukha niya para gawin pa iyon after I caught him red-handed yesterday.
But what do I know?
Kilala ko ba talaga ang aking asawa?
All the years I've known Brent he had been reassuring me that he loved me and I'm the only woman he would love besides Abigail.
Pretty sure that wasn't what in Brent's mind when he inserted his man's pride inside that girl.
All those words of reassurances and Brent still ended up cheating on me.
Hindi ko na alam kung alin pa sa mga sasabihin ni Brent ang aking paniniwalaan.
I trusted Brent and he chose to betray my trust.
Simula kagabi hanggang ngayong umaga ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Brent. I don't know what I should say to him dahil malinaw naman sa akin ang lahat.
Brent cheated on me but I don't have any plans to file an annulment just because he cheated on me.
Maybe it would be easier to file an annulment if we don't have Abigail.
Hindi ko gustong tanggalan ng kasiyahan ang aking anak just because her father couldn't control his urges.
Do I still need to know if Brent loves his mistress? Of course not.
What's the point of knowing if Brent loves his mistress kung ako mismo ay hindi naman siya minahal?
At least I didn't cheat on Brent. Iginagalang ko ang sanctity ng marriage para isiping magloko sa aking asawa.
Iyon ang isa sa ikinakasama ng aking loob. Madali para kay Brent ang mag-cheat, samantalang ako ay sinubukan siyang mahalin sa paraang alam ko kahit si Jay-R ang laman ng aking puso.
Isinakripisyo ko ang aking kasiyahan para pakasalan si Brent dahil hindi ako handa sa magiging pagbabago ng aking buhay kung halimbawang si Jay-R ang aking piliin. Pinanghawakan ko rin ang pagmamahal ni Brent sa akin.
But then again, Brent didn't force me to choose him over Jay-R, so I guess he didn't owe me anything.
I am still his wife though and it's his responsibility to respect our marriage.
Well, I guess this is my karma for not choosing my happiness, for fooling myself, and for hurting Jay-R.
I'm not sure what to feel right now anymore. Gulung-gulo ako.
I'm not even sure kung ilan ang mistress ni Brent. I caught him cheating with a girl yesterday, but I also witnessed him playing with himself and moaning my cousin's name.
I'm pretty sure I heard my cousin's name from his mouth.
Sophie.
I've only known one Sophie in my entire life and that Sophie is my cousin.
I'm not sure kung may iba pang kilalang Sophie si Brent or maybe Sophie ang name ng babaeng kasama niya kahapon, I don't know. But I have a strong feeling that Brent was dreaming about my cousin while he was playing with himself.
Of all people, si Sophie pa talaga.
Sophie, the person I hate the most.
I hate Sophie since time immemorial.
Nagulat ako nang biglang may humigit sa aking kanang braso habang naglalakad ako patungo sa school canteen.
Nilingon ko ang taong humila sa aking kanang braso. Si Sophie, ang aking pinsan na anak ng kapatid ng aking ina.
Sophie and I hated each other growing up. Tandang-tanda ko pa kung paanong laitin ni Sophie ang aking mga laruan noong mga bata pa kami. Lagi nitong ikinukumpara ang aking mga laruan sa expensive toys nito.
Sophie's father is a seaman. Yearly kung umuwi ito at sa tuwing uuwi ito ay laging may dalang pasalubong para kay Sophie. Laruan, damit, sapatos, pabango, bag, at kung anu-ano pa. Lahat ng mga iyon ay mamahalin at ang karamihan ay mga designer label pa.
Sa tuwing may bagong gamit si Sophie ay ibinibida nito iyon sa aming mga kalaro. Ibinibida nito pero hindi ipinapahiram. Maramot si Sophie pagdating sa mga gamit nito.
Hindi ko naman masisisi kung maramot si Sophie dahil mamahalin ang mga gamit nito at kung masisira ng aming mga kalaro ay maaari itong kagalitan ng mga magulang nito.
Ang hindi ko lang gusto sa ugali ni Sophie ay ipinamumukha nito na ang pamilya nito ang pinakamayaman sa aming lugar. Mababa ang tingin ni Sophie sa halos lahat ng aming mga kalaro.
Minsan ay inuuto pa ni Sophie na ipahihiram nito ang mga bagong gamit nito kung susundin ng aming mga kalaro ang mga utos nito. Maging sa school ay ganoon si Sophie. Marami itong inuuto at inuutusan sa aming mga kaklase para mapadali ang buhay sa paaralan.
Hindi ko alam kung saan nagmana ng ugali nito si Sophie rahil mabait naman ang mga magulang nito. In fact, kahit ako ay naiisipan pang bilhan ng pasalubong ng ama nito sa tuwing bumababa ito ng barko. Na alam kong hindi ikinatutuwa ni Sophie.
Sa school ay madalas kaming ikumpara ni Sophie ng aming mga kamag-aral sa isa't isa. Paano raw naging pinsan ng mayamang si Sophie ang isang katulad ko?
Madalas akong tuksuhin ng aming mga kaklase rahil sa estado ng aking buhay na madalas ay nagiging dahilan para mas lalo pa akong pagmataasan ni Sophie.
Dahil bata pa ako nang mga panahong iyon kaya mabilis akong maapektuhan sa sinasabi ng mga tao sa aking paligid. Lalo na kapag ipinamumukha ni Sophie na anak ako sa pagkakasala.
Alam ni Sophie at ng mga magulang nito ang tungkol kay Daddy Alfredo. Tutol ang ina ni Sophie sa naging relasyon ng aking ina sa aking ama ngunit wala nang nagawa ang ina ni Sophie nang mabuntis ang aking ina.
Lingguhan kung bisitahin kaming mag-ina ni Daddy Alfredo. Ramdam ko naman ang pagmamahal ng aking ama sa amin ng aking ina kahit pa hindi kami ang legal na pamilya.
Ang mga ibinibigay na pera ni Daddy Alfredo sa amin ni Mommy ay sapat lang para sa mga araw-araw na gastusin at sa aking pag-aaral. Kung may ibinibigay itong mga gamit sa akin ay iyong mumurahin lamang.
Laging sinasabi ni Daddy Alfredo sa aking ina na hindi madali ang maglabas ng pera rahil maaaring masilip ng misis nito ang mga kaduda-dudang transaction sa bank accounts nito. Kaya naman hindi rin ako mabigyan ng aking ama ng mga mamahaling gamit kahit gustuhin pa nito.
Pero rahil apektado ako sa mga sinasabi ng aking mga kalaro at kaklase tungkol sa agwat ng estado ng aming buhay ni Sophie kaya nagsimula akong magtampo sa aking ama.
Sa aking murang isip ay naisip kong pinagdadamutan ako ng aking sariling ama. Alam kong mayaman ito kaya nakalulungkot isipin na hindi ako nito mabigyan ng mga gamit na tulad sa mga gamit na mayroon si Sophie.
Tinikis ko ang aking ama nang ilang linggo sa tuwing bumibisita ito sa aming mag-ina.
Hanggang sa isang araw ay makakita ako ng isang malaking box sa sala ng aming bahay ni Mommy. Ang box na iyon ay punung-puno ng ibang mamahaling gamit. Laruan, damit, bag, sapatos, pabango at kung anu-ano pa. Mas mahal pa sa mga gamit ni Sophie.
Nag-invest si Daddy Alfredo sa isang negosyo na hindi alam ng asawa nito. Sa puntong iyon ay mas lalo kong napatunayan ang pagmamahal sa akin ng aking ama.
Simula nang araw na iyon ay linggo-linggo na akong may bagong gamit sa tuwing bibisita ang aking ama sa amin ni Mommy kumpara kay Sophie na nakatatanggap lamang ng mga bagong gamit kung uuwi ang ama nito mula sa barko.
Nagsimulang mainggit si Sophie sa aking mga mamahaling gamit. Hindi na ito makapagyabang sa aming mga kalaro at kaklase na ito ang pinakamayamang bata sa aming lahat.
Nagsimula na ring mag-play victim si Sophie sa tuwing nagkakairingan kami.
Lagi akong pino-provoke ni Sophie tungkol sa aking pagiging anak sa labas sa tuwing kaming dalawa lamang ang magkasama at sa tuwing pinapatulan ko ang mga pasaring nito sa akin ay umiiyak ito. At sa tuwina ay ito ang kinakampihan ng aming mga kalaro at kaklase.
Palaging aping-api ang pagmumukha ni Sophie sa tuwing umiiyak ito na para bang sinaktan ko ito. Humahagulgol talaga ito at paputol-putol kung magsalita habang sumisinghot-singhot sa tuwing nagsisimula nang magpaawa sa mga tao.
Ilang beses nang nag-play victim si Sophie sa harapan ng aming magulang sa tuwing dumarating ang mga ito after akong i-provoke ni Sophie.
Sophie: Ce-Celestina, magpinsan naman ta-tayo. Ba-bakit lagi mo akong i-inaaway? Pwede naman tayong ma-maging friends, 'di ba? Ka-kahit wala akong gi-ginagawang masama, a-ako na ang hihingi ng pasensya. A-ako na ang mag-magpapakumbaba.
Talagang may papunas-punas pa si Sophie sa mga mata nito na para bang ang daming luhang lumalabas mula sa mga mata nito.
Naging matindi ang tensyon at kompetisyon sa aming pagitan ni Sophie lalo na nang ako ang maging Valedictorian at ito ang maging Salutatorian noong Elementary.
Hanggang umabot kami ng High School ay hindi tumigil ang pagpapaawa ni Sophie sa aming mga kamag-aral.
Dahil likas akong palakaibigan at hindi katulad ni Sophie na ipinagmamayabang sa mga tao ang mga mamahaling gamit nito noon ay dumami ang aking mga kaibigan noong High School.
Alam kong dahil sa aking mga expensive item at pagkakaroon ng latest gadgets kaya maraming mga kabataan ang gustong makipaglapit sa akin.
Inaamin kong masarap sa pakiramdam ang laging pinupuri at laging pinapansin ng mga tao. I became the center of attention and attraction during High School.
Maganda, matalino, mayaman, at sopistikada. Iyan ang madalas kong marinig na kadikit ng pangalang Celestina Buenavides.
Buenavides, my mother's surname, ang aking dinalang apelyido. It was my mother's decision na hindi tinanggihan ng aking ama.
Kinaiinggitan ako ng maraming kababaihan at hinahangaan ng halos lahat ng kalalakihan.
Dahil sa aking mga natatanggap na kabi-kabilaang atensyon ay naging mas mapaghangad ako sa maraming mamahaling bagay na lahat naman ay ibinigay sa akin ng aking ama.
Ipinagawa ng aking ama ang bahay naming mag-ina ayon na rin sa aking kahilingan. Mas lumaki ito at mas gumanda. Nagkaroon din kami ng malawak na hardin dahil binili ng aking ama ang lupang nasa paligid ng aming bahay.
Lahat ng aking mga gamit sa school ay mamahalin at designer label. Hatid-sundo rin ako ng isang magarang kotse.
Marami akong mga naging manliligaw ngunit wala ni isa sa kanila ang nagpatibok ng pihikang puso ni Celestina Buenavides.
At isa sa aking mga naging manliligaw ay si Culver, ang lalaking hinahangaan ni Sophie.
Kitang-kita ko ang panlilisik ng mga mata ni Sophie sa akin na aking ikinatuwa. Mukhang hindi ito magpi-play victim this time around.
Sophie: Layuan mo si Culver kung ayaw mong magkasubukan tayo, Celestina. Hindi mo alam ang kaya kong gawin.
Ngunit hindi ko nilayuan si Culver na naging dahilan para mapahamak ako noon at makilala ko ang lalaking aking pinakamamahal na si Jay-R.
Tumigil ako sa pagbabalik-tanaw nang mapansin kong umahon mula sa swimming pool si Brent at ipinaubaya si Abigail kay Nana Sarita.
Nakita kong dinampot ni Brent ang kanyang phone na nasa ibabaw ng table na naroon malapit sa pool.
Napataas ang aking kilay nang magsuot ng terry bathrobe si Brent at pumasok sa loob ng kabahayan.
Nagsabi ako sa aking anak na masakit ang aking ulo ngayon ngunit ang totoo ay umiiwas akong makaharap si Brent.
Dahan-dahan akong lumabas ng master's bedroom at nagmatyag kung saan pupunta si Brent. Nakita kong pumasok siya sa loob ng kusina.
Maingat akong bumaba ng grand staircase at lumakad patungo sa gilid ng pinto ng kusina. Dinig na dinig ko ang pakikipag-usap ni Brent sa tao sa kabilang linya.
Brent: I can't be with you today. Alam mo naman ang nangyari kahapon. Celes caught me with Queenie. Gusto ko munang ibalik ang tiwala niya sa akin. Even though I really, really want to be with you right now.
Para akong itinulos sa aking kinatatayuan.
Totoo ba ang aking naririnig? May iba pang babae si Brent maliban sa babaeng kasama niya kahapon? At alam ng taong kausap niya ngayon na may asawa siya at may babae rin?
Who is he talking to right now?
Brent: You're making it hard for me. Come on. Don't tease me. You know it's hard to deny you when you're seducing me like that. You're totally making me forget about my daughter.
Nanlaki ang aking mga mata.
Inaakit si Brent ng kung sinumang kausap niya sa phone na para bang hindi alam ng taong iyon na pamilyadong tao si Brent.
Base sa mga sinasabi ni Brent ay alam na alam ng kanyang kausap na may asawa't anak siya.
Brent: I want to stay faithful, at least for now. But you're making it hard for me. Argh!
Sino ba itong kausap ni Brent at hirap na hirap ang aking asawa na tanggihan ito?
Ganoon ba kagaling mang-akit ang kausap ni Brent?
O baka naman magaling magmanipula ng tao ang kung sinumang kausap ni Brent nang mga oras na iyon?
A thought entered my mind.
Is Brent talking to my cousin, Sophie?
----------
to be continued...