“HEY, BRO.” Nilingon ni Joshua si Ike na umupo sa high stool sa tabi niya. Nasa bar sila ng bahay ng kanilang mga magulang. Hindi niya akalaing doon pa rin ito uuwi pagkahatid nito kay Joy. “Hey,” ganting-bati niya sa malamyang tinig. Ipinagsalin niya ito ng alak sa isang baso. Kanina pa siya umiinom doon ngunit tila hindi naman siya tinatablan ng alak. He was hurting inside. Nagseselos, nagagalit, at nasasaktan siya. Inamin na rin niya sa sarili na mahal na mahal pa rin niya si Joy. Hindi siya tumigil sa pagmamahal dito. Hindi nabawasan iyon o kumupas man lang, lalo lamang lumago ang pag-ibig sa puso niya. Niloloko lamang niya ang sarili nang isipin na pagkamuhi at galit ang nadarama niya para dito. Nakapanlulumo at

