“`SOMETHING wrong? Galit ka ba dahil dinala kita sa bahay na hindi ipinapaalam muna sa `yo?” Natigil si Joy sa pagbaba ng sasakyan. Napabuntong-hininga siya at napatingin kay Ike. Kailangan na nilang mag-usap nang masinsinan. Kailangan niyang ipaintindi rito na sadyang hindi sila uubra sa isa’t isa. Nasa harap sila ng kanilang bahay at kararating lamang nila galing ng Tagaytay. Sa buong durasyon ng biyahe nila ay nanahimik siya. Ike was such a great man. Maraming babae ang mas karapat-dapat para dito. They could still be good friends. Ayaw niya itong saktan ngunit hindi rin naman niya mapipilit ang sariling mahalin ito sa paraang nais nito. “Seryoso ka ba talaga sa panliligaw mong ito, Ike?” tanong niya sa seryosong tinig. “Ano sa palagay mo? You’re sma

