26

1759 Words

NAGPAALAM si Joy kina Cheryl at Tita Virgie na magtutungo muna sa banyo. Masaya silang nagkukuwentuhan sa sala at nakatuwaang ipakita sa kanya ng ina ni Joshua ang baby pictures ng magkakapatid. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga larawan ni Joshua noong bata pa ito. Bago pa man mapansin ni Tita Virgie na mas interesado siya sa mga larawan ni Joshua kaysa sa mga larawan ni Ike ay nagpaalam siya na magtutungo sandali sa banyo.         Pagpihit niya sa doorknob ng banyo ay may humawak sa braso niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang malingunan si Joshua. Bago pa man siya makapiyok ay nabuksan na nito ang pinto ng banyo at itinulak siya roon papasok. Kaagad na ini-lock nito ang pinto noong nasa loob na sila.         Sinubukan niyang buksan ang pinto upang makalabas doon ngunit nakulong siya s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD