HINDI mapigilan ni Joy na mapangiti pagkamulat ng kanyang mga mata isang umaga. Maagang-maaga siyang nagising kahit wala namang pasok sa opisina dahil weekend. Madilim pa sa labas. Pagtingin niya sa orasan sa bedside table ay nalaman niyang mag-aalas-kuwatro pa lang ng madaling-araw. Masiglang bumangon siya at nagtungo sa banyo. Pagkatapos maghilamos at magsepilyo ay bumaba siya sa kusina. Wala pang gising sa mga kasama niya sa bahay ngunit alam niyang mayamaya lamang ay magigising na rin ang mga kawaksi at ang kanyang ina. Ang nanay pa rin niya ang nagluluto ng kanilang almusal. Ito pa rin ang naglalaba ng mga damit nila. Minsan, ito pa ang naghahanda ng mga damit na isusuot nila sa pag-alis. Kung maaari nga ay ayaw nitong kumuha sila ng kawaksi ngunit nagpumilit siya. H

