“MARAMING salamat! Sa uulitin, ha?” ani Joy sa kaklaseng lalaki na bumili ng maraming banana chips sa kanya. Nginitian niya ito nang matamis. Tila nahihiyang gumanti ito ng ngiti. “Sige, bukas uli. Ipag-reserve mo ako.” “Naka-reserve na sa `kin lahat ang banana chips bukas.” Marahas na nilingon ni Joy ang pinanggalingan ng pamilyar na tinig na iyon. Namilog ang kanyang mga mata nang makita si Joshua sa di-kalayuan. Nasa labas na sila ng classroom ng kanyang kaklase dahil katatapos lamang ng kanilang huling klase para sa umagang iyon. Nilapitan sila nito. Wala kahit na kaunting ngiti sa mga labi nito. Pormal na pormal ang ekspresyon ng mukha nito. “Let’s talk,” anito sa pormal na tinig. Wala sa loob na tumango si Joy. Nagpaalam ang kaklase niya s

