5

1492 Words
“ANO KA ba?” nagugulumihanang sambit ni Joy nang makitang nasa fire escape na naman si Joshua. Prenteng nakasandal ito sa pader. Napansin kaagad niya na nakasuot ito ng pang-opisina.         Nginitian siya nito. “I just wanna see you.”         Kinuha niya mula sa bag ang supot ng banana chips at ibinagsak iyon sa kandungan nito. “O, `ayan na.”         Lalong tumamis ang ngiti sa mga labi ng lalaki. “I don’t have any cash right now. Puwede bang ito na lang ang bayad ko ngayon sa `yo?” Iniabot nito sa kanya ang isang paper bag na may tatak ng isang restaurant.         Saglit na napamaang siya rito. “Ha?”         “Eat something. Huwag pulos chips at biskuwit ang kainin mo.”         Nagbaba siya ng ulo. “Paano mo naman nalamang pulos banana chips at biskuwit lang ang kinakain ko? Malay mo naman kung kumakain ako paglabas ko rito.” Labis siyang nahihiya. Kahit sa mga kaibigan ay kung anu-ano ang mga idinadahilan niya upang hindi siya makasabay sa mga ito sa tanghalian. Naroong sabihin niya na may kailangan siyang gawin sa library o hindi kaya ay uuwi siya kunwari sa kanilang bahay at doon manananghalian. Minsan ay idinadahilan niya na pinupuntahan niya ang ama at sabay silang kumakain. Pero ang totoo ay doon lamang siya pumupunta sa fire escape at kakain ng kaunting banana chips o biskuwit.         “Bakit ka palaging nagpupunta rito sa oras ng tanghalian? Hindi magandang tambayan ito. Walang aircon. Noong una, nagpunta lang naman ako rito dahil akala ko walang tao at istorbo.”         Kinuha niya ang bayad nitong pagkain para matapos na iyon. Ayaw niyang makaramdam ng hiya. Sino ba ito para kahiyaan niya?         Umupo siya sa isang baitang at binuksan ang paper bag. “Ang dami nito, ah.”         Nagkibit-balikat si Joshua habang ngumunguya ng banana chips. “Hindi pa rin ako nanananghalian, eh. Come closer to me. Sit beside me.”         Hindi ginawa ni Joy ang sinabi nito. Nanatiling nakaupo siya dalawang baitang na mas mababa rito. Kumuha siya ng pagkain at ibinalik rito ang paper bag.         Kinuha nito iyon bago bumaba at umupo sa tabi niya. Bahagya siyang nailang. Kaagad na nanuot ang mabangong amoy nito sa ilong niya. Ramdam na ramdam niya ang presensiya nito, ang bahagyang pagbilis ng t***k ng puso niya.         Inilabas na nito ang lahat ng pagkain mula sa paper bag. Dinagdagan nito ang mga pagkain na hawak na niya. Hindi naaalis ang masuyong ngiti nito sa mga labi.         “Bakit mo ginagawa ito?” Hindi siya sanay sa ganoon.         Bilang panganay, mas sanay si Joy na siya ang nag-aalaga sa mga kapatid at mga magulang. Hindi rin niya nararanasan iyon sa iba. Simpleng gesture lamang kung tutuusin ang ginagawa ng lalaki ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit apektado siya.         “I want to,” simpleng tugon nito. “And for the record, I am serious about what I said yesterday. I really like you.”         Umismid siya bago sumubo sa ibinigay nitong pagkain sa kanya. Masarap. “Ayokong maniwala sa `yo. Hindi mo pa nga ako kilala.”         “You are Joy Balboa. That’s with “h,” right?”         Nasamid siya. Paano nito nalaman iyon? Ang alam nitong pangalan niya ay “Ligaya” at hindi pa niya nasasabi rito ang kanyang apelyido.         Nginisihan siya nito. “My family owns this school,” kaswal na sabi nito sa kanya. “It’s easy for me to pull records.”         Kinuha niya ang tubig sa bag at uminom bago sumagot. “Ano pa ang nalalaman mo tungkol sa `kin?”         “Your father is a jeepney driver. Lima kayong magkakapatid. Ikaw ang panganay. You’re taking up Management. You’re a good student. Consistent na matataas ang grades mo. Mahusay ka sa pagbebenta ng kung anu-ano. I think you’re a great businesswoman in the making.”         Nakaawang ang bibig na nakatingin lamang siya rito. “Pinag-aksayahan mo ako ng panahon?” hindi makapaniwalang tanong niya.         Tumango si Joshua. “Oo naman.” Sa tono ng pananalita nito, tila hindi ito nahihiya sa ginawang pag-invade sa privacy niya. Kahit sabihing pag-aari ng pamilya nito ang unibersidad, wala pa rin itong karapatang kalkalin ang records niya.         “Ano ka ba talaga?” Nagpatuloy siya sa pagkain.         Kapag naubos na niya iyon ay aalis na siya. Hindi na uli siya babalik sa fire escape. Kaya gustung-gusto niyang magtungo roon ay dahil walang ibang tao na nagtutungo roon upang istorbuhin ang pananahimik niya. Ngayon ay may istorbo na.         “You really don’t believe that I like you?” tanong ng lalaki.         Tumango lamang siya at hindi sumagot.         “I really do like you. I can’t explain it. Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit pinag-aaksayahan kita ng panahon. Tama ka, hindi naman kita gaanong kilala. Bukod sa pangalan mo, pangalan ng mga magulang mo, at grades mo, hindi ko alam kung anong klaseng tao ka. I don’t wanna think of you but you keep on popping into my mind. Kahit ano ang ginagawa ko, basta ka na lang lumilitaw sa isip ko. It’s making me crazy, you know. I don’t wanna go insane. Ayoko nang mahirapan sa pagko-concentrate kaya sinabi ko na sa `yo. I like you. I wanna see you everyday.         “Just let me. Malay mo, kapag madalas na kitang nakikita ay mawala rin ang hindi maipaliwanag na epekto mo sa akin. Baka maging ordinaryo ka na sa paningin ko at kusa kitang lubayan. Siguro, darating din ang araw na maipapaliwanag ko ang bagay na ito. Kapag nahanap ko na ang sagot kung bakit ganito ang nararamdaman ko, baka tumigil na ako sa pag-iisip sa `yo.”         “Wow,” sambit ni Joy.         Tinitigan nito ang mukha niya. “You are beautiful, but I’ve already met a lot of beautiful and sophisticated women. I’ve never felt this way with other women.”         “Gusto mo ng paliwanag sa nararamdaman mo? Fascination lang `yan. Nakakilala ka na ba ng isang babae na katulad ko na mahirap at nagtitinda ng banana chips sa mga kaklase para magkapera? Isang babaeng hindi kumakain hindi dahil gusto niyang magpapayat kundi dahil nanghihinayang siya sa pera?”         “Maybe you’re right about that.”         “Maghanap ka na lang ng ibang babae, Mr. Agustin. Wala akong panahong makipaglaro sa `yo. Kilala kita, eh. Kilala ko ang pamilyang pinanggalingan mo. Sino ba ang hindi makakakilala sa `yo? Sino ang hindi ka gugustuhin?”         “Bakit hindi mo ako gustuhin? Kilala mo naman pala ang pamilyang pinanggalingan ko. Hindi mo ba naisip na puwede mong samantalahin itong nararamdaman ko para sa `yo? I can basically give you everything.”         Napangiti si Joy. “Hindi ko naisip na aabot sa ganoon `yang nararamdaman mong fascination. Ang ganda ko naman masyado kung ganoon nga.” Natawa siya. “Pero sa palagay ko, bukas o makalawa ay wala na `yan. Tama na ang pang-aabuso ko sa `yo sa mga banana chips ko. Naibebenta ko na sila sa `yo nang mas mahal.”         “Paano kung umabot sa ganoon ang kabaliwan ko? Paano kung handa akong ibigay sa `yo ang lahat ng gusto mo?”         Lalo siyang natawa. “Ano, ‘you and me against the world’ na drama? Hindi ako maniniwalang gugustuhin ako ng pamilya mo para makatuluyan mo. Ano, magiging katulad tayo ng isang tipikal na palabas sa TV na may tema ng langit at lupa? Magpapakagaga ako sa isang katulad mo? Tatalikuran mo ang lahat para sa isang katulad ko? Pumasok ka na lang sa mental.”         Tumawa rin ito. “Tama ka. Hindi naman siguro aabot sa ganoon itong fascination ko. Hindi ko kayang talikuran ang lahat para sa isang mahirap na babae. I’m just curious. Wala man lang ba akong epekto sa `yo?”         “Mayroon. What you feel for me, it creeps me out.”         “What?” bulalas ni Joshua.         “Masisisi mo ba ako? Iilang beses pa lang tayong nagkikita, `tapos, sasabihin mo kaagad sa akin na lagi mo akong naiisip, na gusto mo ako. Inaasahan mo bang kikiligin ako sa mga ganyan? Puwede ba?” naaalibadbaran na sabi niya. “Alam mo, bored ka lang, eh. Wala kang magawa sa buhay mo. Naghahanap ka lang ng mapaglalaruan. Sinabi ko na, wala akong panahong makipaglaro sa `yo. Kung mayaman ako katulad mo, sige, makikipagsabayan ako sa trip mo.         “Ang kaso, hindi naman ako mayaman na may karapatang mag-daydream. Mas maraming importanteng bagay kaysa pangarapin ko ang maging Cinderella.” Tumayo na siya. Tapos na siyang kumain. “Maraming salamat sa lunch. Maiwan na kita rito.”         “Hey!”         Hindi niya pinansin ang pagtawag ng lalaki. Tuluy-tuloy lamang siya sa paglabas. Nang makalayo ay saka niya sinapo ang dibdib na kanina pa kumakabog. Iyon ang kakaibang epekto nito sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD