Chapter 10

1315 Words
Nagulat kaming dalawa ng bumukas ang pinto ng kuwarto ni Christian. Bumungad sa amin si Mommy na hinihingal. "Mommy, may problema ba?" Lumapit ako sa kanya at inalalayan siya ngunit bigla nalang niya akong niyakap. "A-anak.. umalis na tayo dito, mag-empake na kayo ng mga gamit niyo. W-wag kayong magtitira ni isa sa mga gamit niyo." Nagulantang naman ako sa sinabi ni Mommy. "Bakit? May problema ba Mommy?" Tanong naman ni Christian. "A-anak, wag na kayong magtanong. H-hinahanap na nila ang k-kapatid mo. Kumilos nalang kayo. B-bilisan niyo." Iniwan kami ni Mommy doon ng tulala. Nagkatinginan kaming magkapatid at kalaunan ay napagdesisyunan na sundin nalang si Mommy. Is it about the wolves? Pero bakit kami aalis? Wala kaming matitirhan kung aalis kami dito. Isa pa, itong bahay nalang ang natitirang ala-ala namin kay Daddy. Tapos na akong mag-empake at tulad ng sabi ni Mommy, wala akong tinirang gamit ko. Malinis ang buong kwarto ko, wala na ang mga nakadisplay sa dingding ko, cabinet at kama nalang ang naiwan. Pati mga punda sa kama pina-alis ni Mommy. Nang maipon lahat ng kumot, pillowcase, at mga bedsheets, pinasunog iyon ni Mommy kay Christian. I took one last look at our house. Walang bakas na may nakatira dito, kinausap din ni Mommy ang isang tenant sa may tapat namin at sinabing doon na tumira ng libre. Nakakalungkot pero atleast, may magbabantay sa bahay. I know it will be in good hands. Lumabas na kami ng tuluyan at sumakay sa taxi na pinara ni Mommy. I looked at my Mom, her eyes are clouded with tears. Hawak niya ang litrato ni Daddy at paulit ulit na hinalikan iyon. Paulit ulit rin siyang humingi ng paumanhin kay Daddy. "Tahan na Mommy." Pag-aalo ni Christian. My mom stopped crying eventually dahil nakatulog. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi sinabi ni Mommy. Hindi ko alam kung alam ba ng driver ang pupuntahan pero dire-ditetso lang ito. Kalaunan nakaramdam ako ng kaba ng lumiko ang taxi na sinasakyan namin, walang mga sasakyan na dumadaan dito banda. "Where are we going?" Tanong ko. My brother looked at me. Both of us are panicking. "Stop the car." Sambit ni Christian ngunit di parin tumigil ang sinasakyan namin. "Hey! Naririnig mo ba ako?" Muling tanong ni Christian. Lumiko muli ang taxi patungo sa isang lugar. Liblib ito ay may matatayog na pader. Where the hell are we? Biglang huminto ang taxi sa tapat ng napakalaking gate. "Where the hell are we?" Bulong ko at bumaba. People stopped walking when they saw me. Palagay ko ay nagtataka sila kung bakit kami nandito. Nilingon ko sina Mommy sa loob at nakita kong gising na ito. Bumaba sila ni Christian. Nagulat ang mga tao nang makita si Mommy. May mga nais lumapit ngunit hindi nila itinuloy. Pinasadahan ni Mommy ng isang beses ang buong lugar bago ngumiti. "Maraming salamat, Beckham." Tumango naman ang driver na tinawag ni Mommy na Beckham. They know each other? "Walang anuman. Maligayang pagbabalik, Amelia." Yumuko ng isang beses si Beckham at ngumiti. Di kalaunan ay umalis na ito. "Mom? Where are we?" Basag ni Christian sa katahimikan. "We're home. Mga anak, ligtas na kayo, ligtas na tayo." Inakay kami ni Mommy papasok sa malaking gate. Sinundan nila kami ng tingin. I feel uneasy with the sorrounding. Matatayog na pader at matataas na puno. Maraming bahay ngunit may iisang bahay na natatangi. Agaw pansin sapagkat ito lang ang malaki sa lahat ng bahay. It looks like a castle. Pumasok kami sa loob at namangha sa ganda at lawak nito. Natigil naman ang mga tao nang makita kami. Yumuko silang lahat. May isang babae na nag-angat ng ulo at bumati kay Mommy. "Maligayang pagbabalik, Luna Amelia." Luna? Nagkatinginan kami ni Christian. Tama nga kami? Mommy and Daddy are not humans, they are wolves! Hindi lang sila kundi kami rin ni Christian. "I knew it!" Sigaw ni Christian. "We're not humans! We're wolves! That's cool." Sinamaan ko ng tingin si Christian. Cool? Anong cool dun? "Y-you knew?" Tanong ni Mommy. "Oo, Mommy. Alam namin ni Ate. Kani-kanina lang namin nalaman at ngayon, napatunayan na naming totoo nga ang hinala namin!" Nanggilid ang luha ni Mommy. "H-how did you k-know?" Umiiyak na sambit ni Mommy. "You're being weird this past few days Mommy. Parang palaging may bumabagabag sayo kaya napagdesisyonan namin ni ate na alamin talaga kung anong nangyayari." Tumingin si Mommy sa akin at niyakap ako. "Ligtas ka na anak, hindi ka na nila makukuha dito." Napakunot naman ang noo ko. "What do you mean, Mommy?" "Mamaya na ako magpapaliwanag anak. Dalhin niyo muna yang mga gamit niyo sa taas. Please, assist them." Paki-usap ni Mommy sa dalawang lalaki. I don't know if it's just me pero ang lakas ng amoy ng mga dugo nila. My senses heightened the moment I stepped inside of the big gate. "Dito po ang kwarto niyo." Nakayukong saad ng isang lalaki. "Where exactly is this place?" Tanong ko. "White Moon Pack." Maikling saad nito. White Moon Pack? Is this the pack Christian told me? Nagpaalam ang lalaki na lumabas kaya naman tumango ako. I looked at my room. Classy. That's how you describe it. This is more than what I expected. This is bigger compared to my room back at our house, nakakapanibago ito. Mukhang prinsesa ang may ari ng silid na ito sapagkat napaka sopistikadang tignan. Napakaganda ng mga disenyo. This room is beautiful. Nagsimula akong mag-ayos ng gamit ko nang may narinig akong kumosyon sa labas. "What's happening?" Tanong ko ng may dumaan sa harap ko. "May mga kalaban po." Tumakbo siya pababa kaya sinundan ko. I saw my mom and brother outside with the other wolves. Pinuntahan ko ang pwesto nila at natigalgal sa nakita. Pack of wolves are outside the gate. Nabaling ang tingin nila sa akin ng lumapit ako. Akmang lalapit ang isang lobo ng pigilan ng mga taga bantay. "It's true, SHE is here." Saad ng isang lalaki. I think he's 2 years older than me. Umalulong ang mga kasamahan niya at nag-alab ang tingin sa akin. Why are they looking at me? Lumapit ang lalaki at naalarma si Mommy. She went in front of me, covering me from him. "You know I'm not the enemy here, Amelia." Saad niya kay Mommy? Amelia? Hindi ba uso sa kanila ang gumalang sa mga nakakatanda? "I came here to be your ally." May humalakhak sa likod namin kaya napatingin ako doon. "Nang nalaman niyong nandito na si Luna Amelia, tsaka niyo gustong maging kaalyado namin. Noong nangangailangan kami ng mga kaalyado, di niyo man lang pinagbigyan ang nais namin." Saad ng isang lalaki sa likod ni Mommy. "Ronaldo." Ngiti niya sa lalaki. "Alam mong hindi ako pumapayag ng walang kapalit." Susugod na sana ang matanda ng pigilan ni Mommy. "Ronaldo!" Tumigil ang lalaki at tinignan lang si Mommy. "Marcus, alam ko kung anong kailangan mo kaya ka nakikipag-alyado sa amin at hindi ko ito ibibigay sayo." Bumaling sa akin si Marcus at ngumisi. "Napakaganda talaga ng anak mo, Amelia. Ano kayang magiging itsura ng mga anak namin kung sakali." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Anak namin? The f**k? "Tarantado ka pala eh!" Inambahan ng kapatid ko si Marcus ngunit tinawanan niya lang ito. "Matapang ka, pero mas matapang ako sayo. Wag mo akong subukan bata dahil baka mapatay kita sa harap ng mga kalahi mo." Hinila ko ang kamay ni Christian upang ilayo kay Marcus. "What do you really want?" Matapang na saad ko. Napangiti naman ito at lumapit sa akin. Hinawakan niya nag buhok ko at inamoy iyon. "Isa lang naman ang gusto ko. IKAW." Napa-atras ako nang mag-iba ang kulay ng mga mata nito. "Umalis ka na Marcus! Wala kang mapapala dito. Umalis na kayo!" Pagtataboy sa kanila ni Mommy. Humalakhak si Marcus bago tinawag ang mga kasamahan. "Till we meet again, Grace." Ngiti nito bago tuluyang umalis. __________________________________________________________________________________________ Spread Love, xoxo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD