Chapter 9

954 Words
Hindi ako pumasok ngayong araw dahil sa nangyari kagabi. Late na rin naman ako kaya hindi na talaga ako papasok. Pagbaba ko nagulat ako dahil nakita ko si Christian. Nakaupo siya sa sala at nanonood ng TV. Loko ko tong batang to ah. "Bakit ka nandito?" Napatingin sa akin si Christian. "Dahil dito rin ako nakatira?" Tanong niya pabalik. Binatukan ko siya kaya napadaing siya sa sakit. "Ate naman!" Pinanlakihan ko siya ng mata kaya natahimik siya. "Anong ngang ginagawa mo dito? Diba may pasok ka? Dapat nasa school ka na eh." Umupo ako sa tabi niya. "Wala kaming pasok ngayon! May seminar yung mga teacher namin." Bigla naman siyang napangiti kaya nagtaka ako. Anong nginingiti ngiti nito? Nakatingin siya sa TV kaya sinilip ko iyon at nagulat sa pinapanood niya. He's watching Fifty Shades of Grey! Dun sa part na nagtatalik sina Christian at Anastasia. Binatukan ko naman ito agad. "Ate!" Reklamo niya at kinamot ang batok. "Problema mo?" Tanong niya. "Ikaw na bata ka! Kung ano anong pinapanood mo!" "Bakit masama ba? Matanda na ako noh! Tsaka kumukuha lang ako ng idea na pwede kong i-apply sa totoong buhay!" Nanlaki naman ang mata ko sa pinagsasasabi niya. "Ano pwedeng i-apply sa totoong buhay? Tarantado! Ang bata mo pa!" Saad ko. "Bata daw! Kaya ko na ngang gumawa ng bata eh! Tsaka alam mo Ate, habang bata pa dapat mag-enjoy na ako. Katulad ni Christian Grey, kita mo yan?" Hinarap niya ang muka ko sa TV. "bago ko mahanap ang Anastasia ng buhay ko, mag-eenjoy na ako, kailangan ko ng maraming experience para naman masarap at maganda ang s*x life namin diba?" Anastasia ng buhay niya? What the f**k? "Ikaw Christian! Tumigil ka nga! Anastasia ng buhay mo? Porket Christian din pangalan mo akala mo makakahanap ka ng tulad ni Anastasia? In your dreams!" Tumayo ako at dumiretso sa kusina. "Talaga Ate! In my wet dreams!" Pahabol na sigaw niya. Siraulo talaga tong batang to. Kung ano anong pinapanood, kung ano ano pa ang iniisip. Well, he's 19 already pero, baby pa din siya para sa akin. Akala ko nasa kusina si Mommy pero wala akong naabutan kundi ang nakatakip na mga pagkain. Asan naman si Mommy? Lumabas ulit ako ng kusina at tinanong si Christian. "Nasaan si My?" Tumingala siya sa akin at kumunot ang noo. "Di pa ba bumabalik? Sabi niya sa akin kanina sandali lang daw siya kasi may bibilhin." "Wala pa nga eh. Saan ba bumili?" Tanong ko. "Baka kina aling Marites." Saad niya. "Silipin mo nga. Baka dinaldal nanaman siya dyan." Pinatay niya ang TV tsaka lumabas na. Mommy's being weird again. Last week ko pa nahahalata yun. Para siyang napapraning, I once caught her checking something in my room. Hindi naman masamang bagay yun dahil para sa kapakanan ko din naman pero ni minsan di niya ginawa yun noon. Minsan nga sinasara niya ang bintana sa kwarto ko at sasabihing nandyan lang sila sa paligid. Sino namang nasa paligid? yung mga chismosa? "Ate! Wala siya dun. Ang sabi ni aling Marites, nakita niya daw na sumakay ng jeep." "Asan naman nagpunta si Mommy?" "Ate, may napapansin ka ba kay Mama?" Napatingin ako sa kanya. "Pano mo naman nasabi yan?" "Eh kasi naman, nung isang araw, tingin siya ng tingin dyan sa labas, tapos sabi niya, bantayan daw kita. Bakit naman kita babantayan? Nasa panganib ka ba?" Takang tanong niya. "Tsaka eto pa, kagabi! Pag-akyat mo ng kwarto mo, sumilip siya dyan sa labas. Biglang nag-iba yung kulay ng mga mata ni mama." "Nag-iba? Baka naman namalikmata ka lang! Imposible naman yang sinasabi mo Christian." "Imposible na kung imposible pero nakita ng dalawang mata ko ang nangyari. Right now, we don't know where mom went but I'm pretty sure this has something to do with all the weird things that is happening." Napaisip din ako sa sinabi niya. Well it's not impossible, I just saw Lance's eyes change into color red. Kung ganon? What are they? Kabilang ba sa kanila si Mommy? "What do you think is she then?" Tanong ko sa kanya. "Mom could be a vampire, or a wolf. I don't know.. she could be any mythical creature." "Parang imposible talaga. Kung totoo man, bakit sila nandito sa mundo natin? Anong kailangan nila?" "Do you still remember the book I was reading? About the wolves... Baka doon, may makuha tayong impormasyon." Napa-isip naman ako sa sinabi niya. May point siya. We went to his room to find the book he is talking about. Hindi naman kami nagtagal at nakita agad namin. "Merong mga detalye dito sa libro na talagang nagpapatunay na totoo ang hinala ko kay Mommy. When a wolf smells another wolf, they're eyes turns into another color, which is Green, pero kay Mommy, hindi green, kundi Red." I raised my brow asking what he means. "Iba si Mommy sa mga normal wolf, Mommy is a Luna. Luna's are the beloved of the Alphas. Ibig sabihin, there's also a possibility na wolf din si Daddy. Hindi lang basta wolf, Daddy is an Alpha." Naliwanagan ako sa sinabi ni Christian. Ang talino talaga ng kapatid ko kaso lang tamad mag-aral. "Ibig sabihin, nagkalat sila dito sa lugar natin. Hindi lang si Mommy, marami pang iba and I think someone's following you that night you went home." "Si Lance..." Mahinag saad ko. "Lance? Your boss?" I looked at him and nodded. "That night, nung umuwi ako. I saw his eyes, naging kulay pula ang mga mata niya, yung kamay niya, may mga balahibo. M-may pangil din siya." Nagsimulang bumalik ulit sa akin ang alala nung gabing yun. Nakakatakot. "Then totoo nga! Your boss is one of them! He's an Alpha, pero anong pack?" __________________________________________________________________________________________ Spread Love, xoxo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD