CYC POV
Nakaupo na kami Ngayon sa aming room habang naghihintay sa aming magiging prof pero hindi ko maiwasan na tumingin sa likuran Ng babaeng nakaupo sa aking unahan hindi ko siya Kilala Basta natatandaan ko na ito Ang babaeng bumangga sa akin kanina na muntik nang mahiga sa semento dahil sa lakas Ng impact kaya siguro nawalan siya Ng balanse.Naiinis Ako kanina dito dahil imbes na humingi Ng sorry sa akin ay nagalit pa napailing na Lang Ako Ng dahil sa aking naalala.Pero parang may napansin akong kakaiba sa babaeng ito kanina noong nakikipagsagutan sa akin hindi ko lang alam kung ano.Nakita ko na parang hindi siya mapakali sa kanyang upuan naramdaman Niya siguro na tinitingnan ko siya sa likuran,puwes magdusa siya.Hindi Ako makapaniwala na makakasama Namin Ang mga ito sa iisang room kapag minamalas nga talaga..Maya Maya pa ay dumating na Ang prof Namin.
:hi guys good morning to all of you.First of all I'm Janice Leaneda now let introduce yourself para Naman makilala ko kayo at Ng mga kapwa ninyo estudyante Dito. Sabi agad Ng prof Namin.
:hahhaha ano ba to elementary na ba ulit Tayo?Banat Ng Isang lalaki
:uo nga mga tol parang boring magiging prof natin.
:pwede ba Jelo makinig kana nga lang mamaya makinig ka pa ni mam Janice. saway ni Jarren na patuloy na nakikinig sa pagpakilala Ng aming kapwa student.Pero sa totoo lang naboboring na din Ako.
:ay Teka lang guys siguro mas maganda kung sasabihin din ninyo kung bakit itong kurso na ito Ang napili ninyo.Sabi ulit ni mam Janice tapos nagpatuloy na ulit Ang pagpakilala.Kaya Ako nakatingin lang sa labas dahil hindi Naman Ako interesado makilala Ang iba.Mayamaya pa ay napansin ko na yong tatlong babae na nasa unahan Namin Ang magpapakilala.(ano kaya pangalan nitong babaeng masungit)Tanong Ng aking isip kaya bigla akong napailing .bakit ba parang naging interesado Ako na Malaman Ang pangalan Ng babaeng ito?ano bang Meron sa kanya?Panay Tanong ko sa aking Sarili.
;Hi guys Ako nga pala si Jelian Villarica,I'm 20 years old.Sana maging maganda Ang ating pagsasama sa loob Ng silid na ito.Ito Ang pinili ko na kurso kasi sa tingin ko para makatulong Ako Ng Malaki SA mga magulong ko at maging proud Sila sa akin balang araw.
:ah guys Ako Naman SI Abegail La Vega.20 years old din Ako gaya Ng pinsan ko na Si ate Jelian pero mas maganda Ako kesa sa kanya diba?Ito Ang pinili ko kasi itong kurso na ito Ang gusto Ng mga magulang ko para sa akin kasi balang araw daw ay Malaki Ang maiitulong nito sa akin para sa future.
:hoy Ikaw Abegail kapal talaga Ng mukha mo para Sabihin na mas maganda ka kesa sa akin.
;eh bakit hindi ba?
:kapal mo talaga eh mas sexy nga Ako kesa Sayo..
:edi Ikaw na Ang sexy ay Teka ate Jelian wala ka ba napapansin sa katabi ko parang kanina pa yan kinakabahan bakit kaya? ano sa palagay mo?
:uo nga ano! tanungin natin? Oy Janeca bakit parang tensyonado ka eh magpapakilala ka lang naman may problema ba?
Umiiling Ang babae na hindi ko pa Kilala ano kaya pinagbubulungan Ng tatlong ito?
Maya Maya pa ay ito na Ang nagpakilala kaya napatingin ako dito.
;hi guys my name is Janeca Mirando,ahm 20 years old din Ako..Ito Ang napili Kong kurso dahil gusto ko balang araw maiahon ko Ang aking pamilya sa medyo kahirapan sa Buhay.At para na din matulungan ko Ang nanay ko sa pagpupursige nya dahil Minsan
naaawa na Ako sa kanya lahat ginagawa nya mapag aral lang kami Ng aking Kapatid,kaya gusto ko balang araw masuklian ko Ang kanyang sakripisyo para sa aking magkakapatid.Kaya kahit Anong mangyari pipilitin ko makapagtapos para sa kanya at sa aking Kapatid,,,mahabang pagpapakilala nya..
Oh mabait na anak Naman pala siya Akala ko pagsusungit lang Ang alam nya Sabi ko sa aking Sarili..Janeca pala name niya(what a nice name ha) pero Ang ugali parang Hindi
nice....napapatawa na Lang Ako sa aking iniisip.Napaisip lang Ako Anong Meron sa kanya Kasi parang gusto Kong makaroon Ng intires sa pagkatao nito,napapailing na Lang Ako sa aking naiisip..
;hoy ano ba nangyayari Sayo ha, nagulat na Lang Ako Ng biglang tapikin ni Jarren at saka tinanong.
;Ha Wala bakit ba bigla kana lang tumatapik dyan.
;sus Wala daw,alam mo ba kung bakit? Dahil para Kang timang alam mo ba yon..sabay tawa Ng mukong..
;timang ka dyan pinagsasabi mo Ikaw ata Ang nasisira na ulo dyan eh..
;tol huwag kana magdeny dyan,kitang kita ko kanina na para Kang Isang timang na napapangiti tapos Maya maya napapailing ka Naman..bigla Ako natahimik sa sinabi niya..totoo kaya na napapangiti Ako sa isiping iyon kanina...
;pinagsasabi mo tol walang nangyayaring Ganon..
;ay sus deny ka pa talaga eh no...eh yong pag iling mo kanina..ano ba NASA isip mo nun..
;naboboring na Ako alam mo ba yon kaya Ako napapailing period...
;okay Sabi mo eh..teka Si Jelo na pala magpapakilala eh ano kaya sasabihin Ng mukong na iyan?...
:hi to all of you my name is Jelo Peña I'm 21 years old.And take note now I'm single..
Ito Ang pinili Kong kurso dahil sa tingin ko dito Ako magiging Masaya that's it ayaw ko Kasi sa alam ko na maboboring lang Ako...sana maging maganda Ang ating pagsama sama dito sa kursong ito let's have fun Lalo na sa inyo mga girls,ito lang Naman Ang sasabihin ko mga girls kapag Si Jelo na Ang minahal nyo Wala kayong talo,Kasi Hindi ko man kayo mabigyan Ng magandang Buhay balang araw mabibigyan
ko Naman kayo Ng magandang lahi....
Dahil sa mga sinabi ni Jelo marami Ang natawa kahit kailan talaga pasaway Ang lukong ito Basta pagdating sa mga babae..
;hoy Jelo ano na Naman bang mga kalukohan Ang pinagsasabi mo?Kapag Minsan talaga lumalabas Ang pagka abnoy
mo,saway ni Jarren.
;uy Jarren Wala Kang pakialam sa trip ko ha! naiingit ka lang ata eh,oh siya magpakilala kana dami mo pa sinasabi eh.
;Ewan ko Sayo abnoy ka nga.Ahm guys Ako nga pala Si Jarren Fuentes,21 years old din ako.Pumasok Ako dito Kasi gusto ko matulungan Ang parents ko sa pagmamanage Ng business Namin at sana mga panahon na pagsasamahan natin dito ay makilala natin ang bawat isa sa atin para makabuo Tayo Ng magandang samahan gaya Ng pagkakaibigan diba.At sa pag may problema kayo pwede ninyo Ako maging karamay,pwede Rin akong tumulong sa abot Ng aking makakaya..yon lang thank you..
;wow tol iba ka din eh no?teka malapit na ba Ang eleksyon?hahahha para Kang kandidato sa pagpapAkilala mo ah,bawi agad ni Jelo Kay Jarren..
;Ikaw Jelo magtigil kana nga Jan,palibhasa walang kwenta Ang pagpapAkilala mo..
;wow nagsalita na talaga Ang magaling upo mayor titigil na po.
Habang nagbabangayan Ang dalawang ito Hindi ko maiwasan na mapailing na Lang.Pero may napansin Ako habang nagpapakilala Si Jarren,Meron kasing mga babae na mukang kilig na kilig dito.Iba din talaga Ang karisma niya sa mga babae ,Kaso mukang Hindi pa lubusan nakaka move on Si Jarren sa kanyang ex kaya Hanggang Ngayon Wala pa ulit itong girlfriend.Maya Maya napansin ko Ang mga kaklase at professor na nakatingin sa akin.Mukang alam ko na Ang dahilan hinihintay nila Ang pagpapAkilala ko Hindi ko tuloy maiwasan mailang sa kanila..
Hay naku ano ba Ang inaasahan nilang marinig sa akin?Sorry na Lang Sila Kasi Hindi Ako katulad Ng taong nais nilang makilala,napapailing na Lang Ako tumayo upang magpakilala para matapos na Ang lahat Ng ito.
:hello sa inyong lahat Ako nga pala Si Cyc Villrico I'm 22 years old napili ko Ang kursong ito Kasi gusto ko yon lang.
Hindi ko na pinahaba Ang pagpapAkilala ko Kasi Hindi na Naman kailangan.Wala akong pakialam kung ano man Ang kanilang iisipin tungkol sa akin Hindi Naman kawalan sa akin yon.Mauupo na sana ulit Ako ngunit may nagsalita na isa naming kaklase na babae at tinanong Ako.Siya ay Si Jenny Racelis ,21 years old natatandaan ko na pagpapAkilala niya kanina.
;wait pwede ba mag Tanong? So ibig mo bang Sabihin pumasok ka dito Kasi gusto mo lang?Yon lang ba Ang iyong dahilan at Wala Ng iba?Tanong niya kaya napilitan akong sumagot.
;parang Ganon na nga! bakit may problema ba Kasi yon lang Ang reason ko?
;ahm Wala Naman! Akala ko Kasi Meron ka pang mas magandang reason kaya pumasok ka dito,yon pala parang Isang trip mo lang.
;Oh sige pumasok Ako sa kursong ito Kasi Hindi ko ito gusto! okay na ba siguro Naman pwede nang reason yon.Naiinis na Ako kaya nasabi ko yon bakit ba nais pa nilang malaman Ang tunay na dahilan ?Maya Maya pa ay nagsalita na Si mam Janice.
;oh guys sige Tama yon nais ko lang sana na habang magkakasama kayo dito ay makabuo kayo Ng magandang samahan o di kaya ay pagkakaibigan kaya sana maging mabuti kayo sa isat isa yon lang.Oh siya Mr. Villrico pwede kanang maupo.Okay guys pumunta na Tayo sa next topic?utos Ng aming professor.
Habang nageexplain Ng topic Ang aming professor ay nagtanong sa akin Si Jarren.
;tol bakit mukhang nasungitan mo yata kanina Si Jenny?alam mo mukhang type ka niya.
;hay naku tol bahala siya kung type nya Ako o Hindi Wala akong pakialam.
;grabe ka talaga pre!Tanong ko lang Wala kana ba ulit balak mag girlfriend? Kasi simula nung may mga iniwan ka dating mga babae Hindi kana ulit nag girlfriend.
;hay ano ka ba? Wala sa isip ko Ngayon yan pre.
;oh sege ito isa pang Tanong pre! Sa mga babae dito Wala ka bang natitipohan na sa tingin mo ay pwede mo maging girlfriend?
Napaisip Ako sa Tanong niya Kaya napatingin Ako sa mga kaklase Namin na mga babae.Maya Maya ay napansin Ko napahinto Ako Ng tingin sa babaing nasa unahan ko siya ay Si Janeca Ang nakabangga sa akin kanina.Pero mukhang nakaramdam siya na may nakatingin sa kanya kaya lumingon ito dahilan upang magtama Ang aming paningin sa isat isa.Napansin ko na may kakaiba napaka aliwalas Ng kanyang Mukha kesa kanina nung nagkasagutan kami.Maganda din Ang hugis Ng kanyang labi na parang Ang sarap halikan.Bigla Ako nagising sa isiping iyon kaya tumingin na ulit Ako Kay Jarren at sinagot siya ng WALa.
;talaga pre Wala kahit isa sa kanila,ibang klase Naman yan tipo mo.
;uo nga ano ka ba?mag focus na nga lang tayo dyan sa klase natin.sabi ko na Lang Kay Jarren para tumigil na sa kakulitan.
JANECA POV
Naglalakad na kaming tatlo nina Abegail at Jelian sa hallway papunta sa canteen para kumain break time na Kasi.Pagdating Namin nag order agad kami Ng aming pagkain.Habang naghahanap kami Ng mesa na makakainan ay napansin ko na nandito din pala Ang tatlong lalaki na nasa likuran Ng upuan Namin kanina sa klase.Ito ay Sina Jarren,Jelo at Cyc.Sa may sulok kami nakakuha Ng mesa na makakainan Kasi marami Ang kumakain kaya ito na lang Ang available.
;hoy mga bruha diba kaklase natin ang tatlong yon?Tanong ni Abegail sabay turo sa tatlong lalaki na Nakita ko kanina na kumakain.
;ay uo nga Sina Jelo,Cyc at Jarren yan diba? Tanong naman Ni Jelian.
:alam nyo type ko Silang tatlo ayeeeh!
;hoy Abegail ano ka ba? itigil mo nga yang kalandian mo lahat ata Ng kaklase natin na lalaki type mo.
;sus ingit ka lang eh pero Silang tatlo talaga ang pinakagwapo.Sa tingin nyo sino sa kanilang tatlo Ang mas gwapo?
;para sa akin Si Jarren saka parang napakabait niya!
;ey wag daw lumandi eh siya din Naman pala iba ka din ate Jelian eh ano?Pero para sa akin Si Cyc Ang angat sa kanilang tatlo.
;ay hahhaha okay Sabihin natin na siya nga Ang Angat sa kagwapuhan sa kanilang tatlo eh Si Jarren Naman Ang pinakamabait sa kanila Hindi gaya Ng Cyc mo na parang masyadong masungit.
;ey kahit na siguro mas masarap mahalin Ang gaya niya kahit masungit Kasi parang walang makakapanakit Sayo diba Janeca ano sa tingin mo?Tanong sa akin ni Abegail.
;....Ha! bakit Naman Ako Ang natanong mo eh Wala pa Naman Ako karanasan diyan.
:ay kaya Naman pala eh! pero siya Ang pinakagwapo diba?
;Ha...ewan ko....siguro!
;ay hahahaha isa ka Rin pala Janeca eh,wag kana Arte bruha..
;Arte daw grabe ka Hindi kaya! Ikaw talaga.
:sus lumulusot ka pa eh....
;alam nyo mabuti pa kumain na Lang Tayo gutom lang yan guys.Sabi ko sa kanila baka Kasi saan pa mapunta Ang usapan .Hindi ko tuloy maiwasan na Hindi tumingin sa tatlong lalaki.Siguro Tama nga Si Abegail na Si Cyc nga Ang pinakagwapo sa tatlo pero mukhang kabaliktaran Naman sa pag uugali.Astig na pangalan pero Hindi bagay sa ugali niya.Naalala ko tuloy Ang pangyayari sa klase kanina Kasi parang may kakaiba sa kanya nung nagpakilala siya.Dahil sa kanya Hindi Ako masyado makapag focus sa klase kanina.Iwan ko ba kung bakit Ganon naramdaman ko kanina siguro dahil nasa likuran ko lang siya.At Lalo ng Hindi Ako mapakali Ng aksidenteng
napalingon Ako sa kanya dahil nakatitig siya sa akin.Nasilayan ko ang kinis Ng kanyang Mukha,tangos Ng ilong,sa kanyang mga mata na ibat iba Ang emosyon na pinapakita Hindi ko alam kun ano ba talaga Ang Meron sa mata niya parang hinihigop Ang aking pagkatao na para bang Hindi Ako makagalaw.Hindi ko alam kung totoo Ang Nakita kong pagnanasa sa kanyang mga mata Kasi mabilis din nawala.Nagbalik lang Ako sa tamang huwisyo Ng umiwas na siya Ng tingin sa akin.Hindi ko tuloy maiwasan na Hindi pamulahan Ng Mukha pakiramdam ko nag iinit Ang mga ito.Pati na Rin pagtibok Ng puso ko parang bumibilis Ng kunti .Sana Wala lang Ang lahat Ng mga iyon para walang problema.Ayaw ko Kasi mawala Ang focus ko sa pagaaral dahil Malaki Ang maiitulong nito sa akin at sa aking pamilya.Gusto ko balang araw maipagmalaki nila Ako dahil Hindi nasayang Ang kanilang paghihirap.Lalo na sa aking Ina Kasi sobra na kanyang sakripisyo para sa aming magkapatid kaya
hiling ko lang na sana ipagkaloob sa akin Ng mahal na panginoon Ang aking pangarap.