JELO POV
Nagpatuloy na den Ako sa paglalakad para maabutan ko Ang Aking dalawang kaibigan
iniwan ko na Ang tatlong babae na humarang sa Amin kanina.Ang sarap nilang landiin Lalo na Si Melissa dahil mukhang effective Ang mga style pagdating sa mga girls well pwede
naman silang tatlo na sabay sabay.Pero itong si Niña mukhang mahihirapan Ako patay na patay kasi ito sa kaibigan naming tuod na Si Cyc.Pero hindi tatagal binigay den sakin SI Niña dahil kung hindi masisira Ang Isang
Jelo Peña sa larangan Ng pambabae.Mayamaya sa paglalakad ko may Nakita Ako sa aking unahan na maganda Ang hugis Ng katawan na pakasexy.mahaba Ang buhok at Ang puwet patalbog talbog pa.Binilisan ko Ang lakad para maabutan ko siya dahil sigurado Ako magandang babae ito.
:Hi miss tawag ko sa kanya.Miss sandali at napahinto siya kaya napangiti ako.
:Hello pogi Sabi Niya sa akin Ng humarap siya.
:ay sh*t what the f**k! binilisan ko Ang pagtalikod sa kanya putik bakla Pala Ang ogag.
:ay miss pwede mo ba Ako samahan mag almusal?Aya ko sa babaeng dumadaan para
makalusot Ako sa baklang ito..
:Ha...talaga!Sabi nang babae na halatang kinilig..Date ba ito Basta libre mo,Sabi nya ulit.
:haysss napasubo tuloy Ako sa baklang ito,bulong ko.
:ay Akala ko Ako hindi Pala sayang pogi pa Naman,naririnig Kong bulong Ng bakla.
Inakit ko na Ang babae para Kumain hindi na bale mapagastos nakatakas Naman Ako sa baklang yon.Muntik na masira Ang pagkalalaki ko totoo nga ata Ang karma.Pakatapos naming Kumain ay umalis na agad Ako at hinanap ko agad Sina Jarren at Cyc Nakita ko Naman agad Ang mga ito na nagkukwentuhan.
ABEGAIL POV
Katatapos lang Namin Kumain sa canteen Ng almusal Nina ate Jelian at Janeca kaya nagpatuloy na kami magtungo sa aming silid.Mukang makakasundo Namin itong si Janeca masarap Kasama,mabait at palabiro.Nakapagkwento na Rin tungkol sa kanyang Buhay at pamilya kaya hangar Ako Dito dahil mabilis magtiwala sana Naman
hindi ito makatagpo Ng taong mapang-abuso.
:uo nga pala ate Jelian manonood ba Tayo
Ng festival Mamaya?Tanong ko sa aking pinsan.
:ay uo nga pala Sige manonood tayo mamaya
Ikaw Janeca gusto mo ba sumama sa Amin ni Abegail?Tanong Niya sa Kay Janeca.
:Sige kayo na Lang Muna siguro baka kasi hindi Ako payagan ni mama.sagot Naman nya.
:Sige next time sasama ka na sa Amin ha para Naman makabonding ka Namin ni ate Jelian,Sabi ko sa kanya.
Mayamaya habang naglalakad kami at nagkukwentuhan ay biglang may nabunggo SI Janeca sa lakas Ng pagbunggo Niya ay muntik na siyang mahiga sa semento na daanan.At pagtingin Namin sa kanyang binanggaan ay nanlaki Ang aming mata.Kilala Namin ni ate Jelian kung sino ito Kaya kami nagulat.
JANECA POV
Nakaupo pa din Ako Ngayon sa semento dahil sa pagbunggo ko kanina.Hindi ko alam kung sino ito pero sigurado Ako na lalaki Ang nakabangga ko dahil sa tigas Ng katawan nito kaya parang binunggo ko Ang Isang malaking puno.Sinubukan kung tumayo pero masakit Ang puwet ko kaya tumingin Ako kina Abegail at Jelian para magpaalalay tumayo.Nagtataka
Ako kung bakit kakaiba Ang reakasyon nilang dalawa mukhang gulat na gulat Ang mga ito.
Nakatingin Sila sa gawing likuran ko kaya pumihit Ako Ng dahan dahan at Nakita ko Ang Isang lalaki na madilim Ang anyo na parang handang manapak kaya naramdaman ko Ang mabilis at malakas na t***k Ng aking puso.
Kahit mukhang mananapak Ang lalaking nasa harapan ko pansin pa din Ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan,perpikto Ang pagkakahubog Ng mukha nito na lubos na nabiyayaan kaya lalong nagpalakas Ng t***k Ng aking puso na parang gusto makawala sa aking dibdib..Pinilit Kong tumayo nang magsalita Ang lalaki.,..
; are you crazy?Tanong Niya na nagtatagis Ang mga bagang kaya Ako napatulala..
;what??sagot ko.
;haysss hindi ka lang Pala Tanga bingi ka pa.
Nagpanting Ang Aking mga Tainga dahil sa aking narinig Mula sa kanya.Gusto Kong masampal Ang pagmumukha nito dahil sa pananalita sa akin Ng ganoon lamang pero hindi ko magawa na sampalin ito dahil pakiramdam ko ayaw Kong magalusan Ang kanyang mukha..Shit..bakit ba ganito Ang naramdaman ko para sa lalaking ito na dapat ay kanina ko pa ito nasapak nang matanggal na Ang kayabangan at kasungitan Niya.
;hoy Ikaw hindi Ako bingi at higit sa LAHAT hindi Ako Tanga Ang kapal Naman Ng mukha mo para Sabihin sa akin yan..eh Ikaw tao ka ba..??
; what do you mean??Tanong Niya na lalong nag ngitngit Ang mga bagang,..
;dahil pakiramdam ko hindi ka matuturing na tao sa ugali mo..nasalo mo ata LAHAT Ang kasamaan Ng ugali..antipatiko.
;hindi ko alam na may babae Pala na katulad mo.
;ano ibig mong Sabihin?Tanong ko
;gusto mo ba talaga Malaman???Ikaw lang naman Ang nakilala ko na bastos Ang pag-uugali..Ikaw Ang bumangga remember kaya nararapat lang naman siguro na humingi ka Ng pasensya sa akin..Pero hindi bale na lang kasi mukhang hindi mo Naman kayang ibigay.Mabuti pa mga tol umalis na Tayo Dito baka Lalo lang masira Ang araw ko ,lingon nito sa dalawang lalaki na Kasama nito na Ngayon ko lang napansin.
Napanganga Ako sa mga ito dahil taglay din na kagwapuhan Ng mga ito..nakatingin Ang mga ito sa akin kaya pakiramdam ko matutunaw Ako sa mga tingin nila.Ang Isa lalaki Ang mukhang napakaamo Ng mukha na parang hindi ka sasaktan kaya dagdag pogi points para sa Isang ito.Samantalang Ang Isa Naman ay malakas Ang dating Lalo Ng pilyong ngumiti ito sa akin sa palagay ko marami Ang naging babae nito..
;oppss Teka cool lang kayo masyado agad kayong mainit eh..biglang singit Ng sa tingin Kong mabait na lalaki.
;uo nga Naman tol kalma ka lang.Look at her she's really cute di ba?Sabi Ng Isa na kumindat pa sa akin at pilyong ngumiti.
;cute talaga nagpapatawa ka ba Jelo?look she's really annoying..Ang mabuti pa umalis na tayo.sabi Ng lalaking antipatiko.
;ah miss pasensya kana Dito sa kaibigan Namin mabilis lang talaga uminit Ang ulo nya.
;ano ka ba tol bakit ka nagsosorry sa kanya siya Ang dapat magsorry.,hay naku badtrip talaga maiwan ko na kayo mga tol kita na Lang Tayo mamaya sa canteen..pagkasabi nito sabay alis sa harapan Namin..Nabawasan Ang kabog Ng aking dibdib habang nakatingin sa likuran Niya..
; Nakakabwisit Ang lalaking yon Ang lakas manira Ng araw..
;ahm miss pasensya na talaga sa kaibigan Namin sa mga nasabi Niya sa iyo?
;hindi ko kailangan Ang sorry nyo sumama na kayo sa kaibigan nyong walang mudo..bwisit talaga haysss..
;miss calm down ok! sorry talaga kung nasira Namin Ang araw mo..Pero ito lang Ang masasabi ko sayo mabuti siyang tao madalas man uminit Ang kanyang ulo pero naiintindihan Namin siya kasi alam namin Ang kanyang mga pinagdaanan sa Buhay.Pero kahit ganoon siya lagi handang tumulong sa Amin kapag kami Ang may problema kahit ikapahamak pa Niya matulungan lang kami.
;uo nga tama ka tol.Ang mabuti pa iba na Lang Ang ating pag-usapan by the way I'm Jelo and you are?pagpakilala nito sabay abot Ng kamay na may kasamang kindat.
;Ako SI Janeca pagpakilala ko sabay ngiti ng pilit..
;ow hindi ka lang cute you have a nice name.sabi nito na may pang aakit..
;alam ko hindi mo na ako kailangang bolahin style mo inaamag na,pagtataray ko sa kanya.
;Hi Janeca Ako nga pala SI Jarren..magalang niyang pagpakilala.
;Hello! Jarren ito nga pala Ang mga kaibigan ko Sina Jelian at Abegail..
Masayang nagbatian Ang mga ito sa isa't isa.
;sege mauuna na kami Ng ni Jelo sa inyo.paalam ni Jarren.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa aming magiging silid.Nang makarating kami ay naghanap agad kami ng upuan na magandangpwestuhan.Nakaupo na kami Ng biglang nagsalita SI Abegail.
;hoy mga bruha Ang daming mga gwapo dito.sabi nito na tinitingnan Ang mga lalaking nakaupo at Ang ibang dumadating.
;hoy Abegail tigilan mo nga Ang kalandian mo,saway ni Jelian sa pinsan.
:sus kunwari ka pa ate samantala kanina nga parang kinilig ka Kay Jarren.
;grabe ka hindi kaya baka Ikaw!
;eh deny pa more. madami siguro mga babae nagkakagusto sa kanila ano?
;siguro ano sa palagay mo Janeca?Tanong sa akin ni Jelian.
;.ha Teka bakit Naman Ako tinatanong ninyo.
;.diba Ikaw Naman Ang dahilan kaya natin Sila nakilala.tanong ko lang sino type mo sa tatlo?panunukso ni Abegail.
;ay tigilan mo nga Ako bruha ka..
;eyy kunwari ka pa eh sino ba si Jarren o SI Jelo?
;wala no... tumigil kana diyan baka dumating na Ang prof natin,sabi ko Kay Abegail.
;eh baka Naman Ang lalaking nabangga mo Ang type mo,hirit Naman ni Jelian.Hay naku Isa pa Naman Ang bruhang ito dumagdag pa pero bigla Ako napaisip sa sinabi nito.
;paano mo Naman nasabi yan,malabong maging type ko siya sa ugali pa lang zero na akin Ang lalaking yon..
;weh talaga lang ha eh bakit parang natulala ka kanina sa kanya?tanong ni Abegail.Bigla Ako napatigil sa sinabi niya at napatanong sa Sarili,bakit nga ba?
;ha hindi ah bakit Naman Ako magkakagusto sa lalaking walang puso at antipatiko.
;hoy bruha tinatanong ko lang kung bakit ka napatulala sa kanya,hindi ko sinabi na gusto mo siya.teka baka nga type mo talaga siya.tukso ni Abegail?
;ano ka ba kahit kailan hindi ko magiging type Ang lalaking yon kahit siya na Lang natitira sa Mundo neveeeer..Baka mapunta pa Ako sa ibang planeta at maging impyerno Ang Buhay ko kung sakali.madiin Kong tanggi.
;tumigil na nga kayong dalawa baka saan pa mapunta usapan nyo,pero ano kayang name Niya ano kasi siya lang Ang hindi natin nakilala sa kanilang tatlo,singit ni Jelian.
;uo nga ano Saka bakit kaya siya Ganon pinaglihi ata yon sa sama Ng loob sayang lang, siya pa Naman pinakagwapo sa kanilang tatlo,SI Abegail.
;hay naku Basta wala akong pakialam kung sino man Ang hayop na lalaking yon..Sabi ko
;ay grabe ka Naman bruha wag masyado mainit cool ka lang,natatawang Sabi ni Jelian.
;oh my god speaking of hayop bakit nandito silang tatlo?gulat na Sabi ni Abegail.
Napatingin din kami ni Jelian sa may pintuan at Nakita nga Namin Ang tatlo na pumapasok.Bigla akong nakaramdam Ng Kaba Ng huling pumasok Ang lalaking nakabangga ko kanina.Narinig ko din Ang mga babae sa loob Ng silid na parang bang gustong tumili Ng Makita Ang tatlong ito.Bakit ba nandito Sila at Saka bakit ka kinakabahan Janeca tanong Ng isip ko.Ibig Sabihin makakasama Namin Sila sa silid na ito Kaya Lalo Ako hindi mapakali.Lalong lumakas Ang kabog Ng puso ko Ng magawi Ang tingin nila sa Amin.Mayamaya ay napagtanto ko na wala na Sila mauupuan maliban sa tatlong upuan na nasa gawing likuran Namin parang Lalo tuloy sasabog na Ang puso ko.Naglakad na Sila palapit sa Amin.
;hi girls I'm glad na nandito din Pala kayo,bati ni Jelo sa Amin.
;uo nga sana maging friends Tayong LAHAT Dito mas marami mas Masaya diba?SI Jarren.
;hello din sa inyo Sana nga magkatotoo Ang mga sinabi mo,bati din ni Jelian na nakatitig sa lalaking nasa hulihan.Saglit din Naman tumingin Ang lalaki na parang wala lang at nang magawi Ang tingin Niya sakin parang nanlamig Ako bigla dahil Nakita ko na walang emosyon sa mga mata nito,malamig na para bang walang kabuhay buhay.Pero parang gusto ko makitaan Ng ibang emosyon Ang mga mata nito gaya kislap,saya at pagmamahal Ang sarap siguro Niya pakatitigan.Bigla Kong pinilig Ang Aking ulo dahil sa paglalakbay Ng aking isip.Nagsimula na umupo Sina Jarren at Jelo.Kapag minamalas talaga mukhang sa tapat Ng likuran ko mauupo Ang lalaking ito.Nagtungo na din ito sa likuran ko na hindi man lang nag abala na bumati kahit sa mag pinsan,parang naboboring lang itong umupo.Hindi Naman Ako mapakali sa aking upuan Iwan ko ba kung bakit Basta hindi Ako comfortable na nasa likuran ko ito dahil pakiramdam ko nakatitig siya sa akin kaya parang nagiinit Ang Aking likuran parang sinisindihan Ngapoy.Diyos ko Akala ko ba swerte na Ako kanina bakit Ngayon mukhang minamalas na..Ito na ba Ang magiging kalbaryo ko sana wag Po ninyo hayaang mangyari sa akin yon.Sana wala akong maging problema sa pag aaral ko dahil gusto ko makatapos Ng matiwasay para sa pamilya ko dahil yon lang Ang tanging masusukli ko sa LAHAT Ng sakripisyo Ng aking Ina.Ayaw ko Po mabigo siya sana maibigay nyo Po sa akin Ang mga minimithi ko sa Buhay..
.. to all readers see you on next chapter
.I hope you enjoy the story..