HINDI komportbale si Vann Allen habang kausap niya ang isang international agent sa isang tahimik na restaurant. The agent was talking about him conquering the international stage. Hindi niya kinakaya ang mga sinasabi nito. Napapaisip na siya na baka nakatira ito ng bawal na gamot. Alam ba nito ang mga pinagsasasabi nito? “You are too good to be here, Vann Allen,” sabi pa ni Patrick Robinson. He was a typical American—tall, blue-eyed, and blonde. “Are you for real?” hindi niya napigilang itanong dito. Si Tita Angie ang nag-set up ng meeting na iyon. Ang sabi nito ay kaibigan nito ang naturang ahente. May ilang international stars na itong hawak. Napanood daw nito ang huling concert nila at naging interesadung-interesado raw ito sa kanya. Hindi niya mapaniwalaang hinahayaan ng manager ni

