15

1541 Words

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay nainis nang husto si Vann Allen sa kanyang pamilya. Bakit ayaw maniwala ng mga ito sa mga sinasabi niya? Bakit hindi siya maintindihan ng mga ito? “Ako ang tatay n’on,” giit niya sa mga ito. Nasa labas sila ng kanilang bahay at doon nag-uusap. Naroon ang nanay at tatay niya, at ang mga ate niya. Hindi na nila isinali sa pag-uusap sina Frecy at Armie. Inutusan na lang niya ang mga ito na asikasuhin muna si Iarah. “Tumigil ka sa pagsisinungaling, Vann,” naiinis na sabi ng Ate Jhoy niya. “Hindi ako nagsisinungaling!” Siya ang tatay ng ipinagbubuntis ni Iarah, tapos ang usapan. Hindi mahalaga kung hindi siya ang biological father. Siya ang magiging tatay niyon. Wala na si Daniel, iniwan na nito si Iarah. Siguro ay nagpapakatanga siya. Siguro nga ay siya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD