LAURA's POV "Anong drama yan, Besh?" Nagtatakang tanong sa akin ni Bea. Nagulat naman ako nang makita siya kasama si Lhi. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila. "Bukas yung pinto mo, alangan namang kumatok pa ko?" sabi niya at umupo sa sofa. "Girl, kumusta na kayo?" sabi ni Lhi habang seryosong nakatingin sa akin. "Going strong'," natawang sagot ko. " Hindi mo naman sinabing ganiyan ka pala ma-in love," sabi ni Bea sa akin kaya naman natawa ako. "Wala namang bago, ganon rin naman," sabi konaman. "Pero aminin mo, masarap magmahal lalo na kung seryoso sayo." sabi pa ni Bea. Tumango lang ako dahil tama naman siya. Kahit papaano nababawasan ang mga stress ko dahil sa mga corny lines ni Jules. Talagang makaluma siya. Sinsubukan niya pang gawin yung mga ginagawa ng millenia

