LAURA'S POV "Hey, Besh! Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Bea sa akin kaya naman napalingon ako sa knaiya. "Natutulog," walang ganang sagot ko sa kaniya. "Hindi ba ngayon ang araw ng kasal ni Lourelie?" tanong niya pa. Tumango lang ako sa kaniya. "Oh ano pang hinihintay mo?" tanong niya sa akin kaya naman tinignan ko siya ng nagtataka. "Bumangon ka na!" sabi niya sa akin. "Hindi ako pupunta," sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya. "Ano? Hindi ka pupunta? Bakit?" tanong niya muli. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Kung maka-asta kasi siya daig niya pa ang nanay ko. "Wala akong gagawin doon," sabi ko pa bago nagtalukbong. Pero agad niya rin iyong tinanggala at pinatayo niya ako. "Tumayo ka, Besh. Sasamahan kita," sabi niya sa akin kaya nagtataka naman akong tumingin

