LAURA'S POV "Miss Laura!" masayang bungad sa akin ni Joanna na ikinagulat ko naman. Hindi ko inaasahan na maaga siyang makararating dito sa coffeshop. "Joanna," nakangiting bati ko sa kaniya. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Napangiti na lang ako ng matamis. "I really love your sketch. That's why sinabi ko kay kuya ang tungkol dito. And he's with it." Napangiti ako sa sinabi niya pero hinihintay ko ang kasunod na sasabihin niya. "That's why I recommend you to him. May gaganaping Grand ball ang company niya. And he wants you to be the fashion designer," sabi niya na sobrang ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwala na magugustuhan nila ang sketch ko. "Ipapakilala kita sa kaniya. Let's go, Miss Laura?" Inaya niya akong pumasok sa coffeeshop. Sa di kalayuan, natanaw ko ang

