LAURA'S POV "Miss Laura, thank you talaga! I really love it!" natutuwang sabi ni Joanna nang makita niya ang gown niya. "Isukat mo na para ma-check natin kung kasya ba siya sayo," nakangiting sambit ko. "Of course! Naka-diet ako ngayon para lang dito," natatawang sabi niya pa at kinuha ang gown. Ilang minuto lang nang lumabas siya suot ang red gown na ginawa ng Tala. "OMG! Sobra pa sa ine-expect ko! I really love this gown!" natutuwang sambit niya habang nakatingin sa salamin at gandang-ganda sa suot niyang red gown. "Thank you, Miss Laura! You're the best!" Isang matamis na ngiti ang itinugon ko sa kaniya. Ibang-iba siya sa kuya niyang napakasungit. O baka naman ampon lang yung kuya niya kaya di sila magkaugali? Ewan ko ba, ang layo-layo nilang dalawa kaya di mo talagang mapapag

