LAURA's POV Joanna's Party Medyo na-stress ako ngayon. Sana lang ay dumating ang suit na ibinigay ko kay Mr. Dionson. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko kung sakaling hindi niya natanggap agad ang suit. "Miss Rodriguez, right?" Napalingon ako sa isang babae. She looks familiar. Siya ang manager ng Vermont. Kaya naman binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Yes, Im Laura Rodriguez," nakangiting sagot ko sa kaniya. "I saw you before. Tama nga ako na ikaw yan. I'm Marianel Lamis," nakangiting sagot niya sa akin. "Ganon ba?" nahihiyang sabi ko. Hindi ko alam kung saan niya ako nakita pero hindi na importante. "Are you alone?" tanong niya sa akin at lumingon-lingon sa paligid. "Actually, may kasama ako. Yung byong team ng tala. Kaso wala pa sila at mukhang parating pa lang," na

