LAURA's POV "Good morning, Ma'am Laura!" masayang bati sa akin ni RC. Isang tipid na ngiti lang ang binigay ko sa kaniya bago ako pumasok ng office. Wala ako sa mood pero kailangan kong magtrabaho. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari noong nakaraan. Hindi ko alam bakit ako nasaktan. Isang malalim na paghinga ang lumabas sa bibig ko bago ko sinimulan ayusin ang sketch ko. Nag-set na sila ng meeting for Kianna's birthday. Hindi ako ang humarap kay Jules kundi si RC. Sinabi lang niya ang lahat ng mga appointment ko nang di ako naharap sa mga tao. Nasanay kasi akong kapag nagset ng appointment ay ako ang humaharap. Pero this time, si RC na. Hindi ko alam bakit hindi ako makapag-focus sa trabaho. Umiling-iling ako bago ipinatong ang ulo ko sa may table. Ano ba kasing ibig sabihi

