LAURA's POV "Good Morning, Ma'am Laura. May package po kayo," sabi sa akin ni RC kaya naman nagtaka ako. Wala naman akong inorder inaasahang darating. Lumabas ako para tignan kung ano nga iyon. Nasa lobby ang isang delivery man kaya naman pinirmahan ko muna ang form bago siya nakaalis. "Ano na naman to?" tanong ko habang binubuksan ang box. Nagulat naman ako nang limang balot nang Moleskine Art Collection Sketchbook ang nasa loob. Ano na naman ba ito? Hindi naman ako tanga para hindi malamn kung sino ang nagpadala nito. Ano na naman bang nakain niya? "RC," tawag ko sa kaniya habang nakatingin sa box. "Pakibalik ulit ito sa Vermont," sabi ko sa kaniya. Nagtataka naman siyang tumingin sa box. Alam kong gaya ko naghihinyang ulit siya. Wala siyang nagawa kundi ang ibalik iyon sa Vermo

