LAURA's POV Pabalik na kami ni Luke sa restaurant. Kaya naman naidlip ako sandali dahil talagang napagod ako sa bonding namin. Ilang oras ang nakalipas nang gisingin niya ako. Nagising ako na andito na kami sa restaurant. Napangiti naman ako sa kaniya habang naiilang na bumaba. Nakakahiya nakita niya ang itsura ko habang tulog. "Luke, thank you," nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya. "Nag-enjoy ka ba?" tanong niya sa akin. Tumango ako at ngumiti. "Thank you at kahit papaano nabawasan ang stress ko," sabi ko sa kaniya. "No problem and welcome, anytime that you feel stressed just call that stupid number," sabi niya at tumawa. Tumawa ako kahit medyo nahiya ako sa kaniya. After naming mag-usap nagpaalam na siya. Ako naman dumiretso na sa hotel kung saan ako nag-check in kanina. Doo

