LAURA's POV Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ako tumayo sa kama. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nalaman ko. Ano ba talaga ang balak niya? Bakit kailangan niyang gawin iyon? Hindi ako pumasok ngayon. Hindi ko lang talaga feel pumasok sa Tala. Lalo na at andoon si Bea. Nakakainis lang kasi bakit pati siya? Akala ko ba kaibigan ko siya? Matagal na pala silang magkakilala pero hindi niya man lang sinabi sa akin? Biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya naman kinuha ko iyon. Laking gulat ko nang makita ang isang unknown number na naman. Napa-facepalm na lang ako. Hindi ko iyon sinagot at hinayaan kong mag-ring nang mag-ring. Ayokong madagdagan ang stress ko sa taong ito. Nagsasawa na talaga akong i-block ang lahat ng numbers niya. Dahil wala naman akong gagawin ngayon

