Isang taon na pala ng mamatay si Yvo. Pero, parang kailan lang ang lahat. Habang nasa palengke ako kasama ko si Benjo ang pinsan ko na lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran dito. Akala niya yata ay ganon lang ka simple ang buhay rito. "Dahlia, buti kaya mong buhayin ang pamangkin ko?" tanong ni Benjo sa akin. Dalawang taon lamang ang agwat ko sa kan'ya kaya hindi na ako nagpapatawag ng ate at isa pa sa tangkad niya na 5'9 mas mukha akong bata sa kan'ya kong pagmamasdan. "Oo naman malaki naman kahit papaano ang kita ko dito sa palengke. Alam mo ba swerte sa akin ang pwesto na 'to. Simula na nagtinda ako rito walang araw na hindi ako nakakabenta ng paninda kung 'di man maubos halos kalahati ang nauubos." sagot ko habang nagbibilang ako ng pera sa kaha. "Talaga ba! Ang galing mo naman

