YVO POV Pagkabalik ni Ehra pinakiusapan ko siyang itakas niya ako. Gusto ko ng bumalik sa Pilipinas. At makita kung sino bang gago ang ipinalit sa akin ni Dahlia. Siguraduhin niya lang na mas angat sa akin 'yong tao na iyon. "Sure ka ba dito, Yvo? Baka mapagalitan tayo nyan?" nag-aalangang tanong ni Ehra. Hindi ko alam kung matutulungan niya ako pero, kailangan. "Yes, Ehra! Yonh passport ko nasa Mansyon, pak kuha please. Lahat ng documents ko. Pumunta ka sa Mansyon at magdahilan ka na lang. Kailangan ko ng maka uwi ng Pilipinas. Help me, please!" nakikiusap na wika ko at sana lang pumayag siya. Desperado na ako sobra, ayokong magmukmok na lang rito. Paano ako makaka move-on kung hindi ko pa nakaka usap si Dahlia. Gusto kong marinig mula sa mga labi niya kung bakit ganon ganon na lang n

