YVO POV Hindi alam ng asawa ko na dadalhin ko sila dito. Bago pa man ang kasal namin planado ko na ang lahat mula sa pagpapasundo ko kanila Itay at Inay at Daffodil. Hindi ko muna sila hinayaang magkita at baka mabuko ako at masira ang plano ko. Maging ang lipad namin dito sa Japan ay pakana ko rin. Hindi naman sila mahirapan kuhaan ng passport at sa dami ng koneksyon ko ay madali lang sa akin na gawin ang lahat ng iyon. Miski nga ang passport niya at nagawan ko ng paraan. Basta ang gusto ko lang ay mapasaya ang asawa ko at maging masaya ang pregnancy journey niya. Nabasa ko kasi doon na kapag masaya ang buntis throughout her pregnancy journey, hindi siya mahihirapan na manganak at lalong healthy ang baby sa loob ng tummy niya. Happy Mommy, happy baby. Ayon ang gusto kong mangyari sa asaw

