Ginising ako ng asawa ko at ginising ko naman si Zion na katabi ko kaso pinigilan ako ng asawa ko. "Hwag na asawa ko bubuhatin ko na lang ang anak natin." sagot niya. Wala na akong nagawa kundi sundan sila ng tinginn at ginising ko na sila Benjie, Benjo at Daffodil. Hindi ko na gisining sila Inay at Itay at kusa silang nagising. Nginitian lamang nila ako sabay labas na rin ng sasakyan. Papasok na kami lahat ng hotel at medyo antok pa si Daf kaya inalalayan ko. Grabe talaga tong kapatid ko parang nalasing sa rides. "Ikaw ba naman paikot ikutin at Dahlia." biro ni Benjie na hindi na sumusika sa byahe. Kanina kasi panay suka ito at hindi sanay sa malayong byahe. Pagpasok namin sa elevator at pinindot ni Benjie ang 3rd floor. Napagtanto ko doon din pala ang unit room nila at halos dikitan

