Ang bilis ng araw at hindi namin namamalayan na pauwi na kami ng Pilipinas. Napasakaya ng bakasyon/ honeymoon naming mag-asawa. Bukas balik na kami ng bansa at sa mga dapat naming gawin. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng transvaginal ultrasound ko at sana lang talaga may makita nang baby sa loob ng sinapupunan ko. Nasa 12 weeks na din naman ang tummy ko. Maagang natulog ang lahat at maaga nga ang kanilang bukas. Si Zion ay kasalukuyang tulog na habang ang mag-asawa naman ay hindi pa rin dinadalaw ng antok. May gusto akong pag usapan naming dalawa tungkol lang sa mga bagay bagay sa buhay namin. Mga plano na dapat bigyan ng panahon. "Asawa ko hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya sa akin habang naglalambing. Haplos haplos niya ang tummy ko na nagsisimula ng umumbok. Nakahiga kami sa

