Pagkagaling ko sa palengke dumaan na muna ako ng Mall at may bibilhin ako para sa aking anak. Malapit na kasi ang kaarawan niya at gusto kong regaluhan siya ng toy car na gustong gusto niya. Pumasok ako sa Mall at nagtungo sa toy section. Pagkahawak ko sa toy car halos malula ako sa mahal ng presyo nito. Naka ilang ikot na nga ako pero, hindi talaga nababa sa libo ang presyo nila. Haixt! Napagod lang ako pero, wala akong napala kaya naman umuwi na lang ako ng bahay at magdadapit hapon na rin. Susunduin ko pa ang anak ko sa school. Nang may pumarang jeepney agad akong sumakay at umandar na rin ito. Pina abot ko lang ang aking bayad sa mga nasa unahang tao. Umayos ako ng upo at sumandal na. Medyo napagod rin ako sa dagsa ng tao sa palengke masaya na rin naman dahil kapag dagsa maraming tsa

