YVO POV Kanina pa umalis si Mommy pero, hindi pa rin siya nakabalik. Medyo nag-a-alala na rin ako at hindi mapalagay kaso paano ako makaka alis rito. Tadtad lang naman ako ng mga apparatus na naka kabit sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Bakit ba kasi nangyari ang lahat ng 'to sa akin. Maya maya lang narinig ko ang pagclick ng doorknob at mukha ni Dhalia na malapit nang umiyak ang nabungaran ko. Nagtatakabo itong lumapit sa akin. "B-Babe, okay ka lang ba?" tanong nito kasabay ng pag garalgal ng kan'yang boses. Hindi ko akalain na tutuparin ng Mommy ko ang sinabi nito sa akin. "Okay na ako babe kasi nandito ka na." lambing ko sa kan'ya. "Sus! Bakit ka ba kasi naaksidente? Anong nangyari?" tanong niya sa akin. "Hindi ko rin malaman babe, sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa ilang segu

