Two days later nang bumalik ako ng ospital para dalawin si Yvo, katatapos ko lang magtinda sa palengke at dumiretso ako ng ospital. Hindi na ako nagtanong pa sa information section at naglakad na ako patungo sa room nito. Pero, ang ipinagtataka ko ay kung bakit wala na ito sa room niya. Ano bang nangyayari? Mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. At nang nakita ko ang isang nurse na nagbabantay kay Yvo noon. "Nurse, pwede pong magtanong?" "Yes, ano po 'yon?" "Nasaan po ang pasyente sa room 206?" tanong ko rito. Nakita kong kumunot ang noo niya. "Sorry, ma'am. Hindi niyo po ba alam? Ikinalulungkot kong ipaalam sainyo na patay na po ang pasyente dyan." sagot ng nurse. "Ho? P-Patay?? Kailan pa??" tanong ko at pinipigilan ang luhang malapit ng bumagsak. Hindi ako makapaniwalang pata

