KABANATA 15

1289 Words
KABANATA 15 FIFTEEN MINUTES break noong bumaba ang ibang mga ka-trabaho ni Angel para mag-yosi. Ang iba naman ay sa convenience store nagpunta. Bibile daw ng tinapay o kung anong puwede ma-puslit sa loob ng production floor. Siya naman ay hindi na nag-abalang bumaba pa. Nagpasabay na lang si Angel ng nilagang mani doon sa mga nag yosi para may makain sa loob mamaya. Kasalukuyan siyang nasa pantry no'n. Ang kaibigan na si Francine ay nasa loob dahil as usual, member 'ata ang kaibigan ng samahan ng mga ahenteng granny call. Kung kaya't hindi na ito nakapag-break. Mabilis na hinugasan lang ni Angel ang tumbler na ginagamit, actually, hindi na nga 'ata hugas ang ginawa niya at banlaw na lang. Sunod ay dumiretso siya doon sa may vendo para makapag timpla ng kape. Saka naupo sa bakanteng silya, kumonek sa wifi at binuksan ang application na inilagay niya kanina. Nakatanggap siya ng mensahe galing sa ka-chat niya na may username na Daks_Roberto o tawagin na lang daw sa pangalang Enzo. Nagpalitan sila ng larawan upang makita at may ideya sa mukha ng bawat isa. Ang pinadala niyang larawan ay kuha sa cell phone ni Francine noong magkaroon sila ng event sa opisina at required ang lahat na mag formal attire. Iyon na 'ata ang pinaka maayos niyang pagmumukha. Kung totoo man na si Enzo ang nasa larawan na ipinadala nito, she can say that he's handsome. Moreno ito, singkit ang mga mata, hindi ganoong makapal ang kilay, matangos ang ilong at mukhang may lahi. Gano'n pa man, masasabi niya na mas guwapong di hamak si Pilgrim. Pero bakit ko ba iniisip si Pilgrim? Ang sabi naman ni Enzo ay maganda daw siya at mukhang magkakasundo sila. Madami pang pambobola na sinabi ang lalaki, pero hindi naman iyon pinag-ukulan ng pansin ni Angel. Alam niyang chinacharot lang siya ng binata. Hindi naman siya ganoon ka-inosente para hindi magka-ideya sa application na ginagamit. If she's looking for love or serious relationship, she would never use this kind of application. At saka, hindi siya nadadala sa binata, isa lang naman ang gusto nito sa kanya. One night stand. At iyon din ang kailangan ko para sa letseng sumpa! "Video call tayo?" mahinang basa niya doon. Kaagad naman siyang nagtipa at sinabing nasa may opisina siya at naka-break lang ng 15 minutes. No offense, but I just want to make sure na babae talaga ang kausap ko. Mostly kasi ay puro mga bading. Hindi naman na kumontra pa si Angel at pumayag na din. At least ay makikita din niya kung ito nga talaga ang nasa lawaran o baka charotero lang! "Hello!" nakangiting lalaki ang bumungad kay Angel. Ito nga ang nasa picture at kasalukuyang nakahiga sa kama at walang pang itaas na damit. Malaya tuloy niyang napagmasdan ang malapad nitong dibdib at namumutok na mga braso. "Hi, Enzo!" pinilit ni Angel na wag mautal at mailang. Medyo nahihiya siya dahil hindi naman sanay sa mga ganoong galawan. "Ibababa ko na, huh? Ayan, nakita mo ng babae talaga ko!" pilit na ngumiti pa siya dito. Tumango-tango naman si Enzo. "Sure!" Nang maibaba ang tawag ay kaagad na nag chat si Enzo sa kanya. Thank you! Anyway, kailan tayo magkikita? Sa sunday pa ang off ko. Reply niya. Okay, free naman ako ng sunday. See you! Nag-iwan pa si Enzo ng contact number nito at sinabing susunduin siya nito sa linggo. **** SUMAPIT ang araw ng linggo. Kasalukuyang kumakain ng agahan si Angel noong tumawag si Enzo at sinabing after lunch siya nito susunduin. Sinabi niya naman sa mall na sila magkitang dalawa dahil mayroon siyang babayaran na bills at due date na. Pero ang totoo ay nagdahilan lamang si Angel. 'Ayaw niya na magpasundo sa boarding house na tinitirhan. "Noted." rinig niyang sabi nito bago ibaba ang tawag. Napabuga si Angel nang marahas sa hangin. Tinignan niya ang orasan sunod ay ang unang drawer kung saan nandoon ang stun gun. Isang uri ng device na naglalabas ng sapat na boltahe upang makuryente ang kung sino man. Binile niya ito sa online shop at itinabi doon upang gamitin pang self defense kung sakali man na mayroong manloob sa kanya. She also have pepper spray inside her bag that she always bring sa tuwing pumapasok sa gabi. Ganoon pa man ay inalis ni Angel ang ideya na magdala ng anuman na klase ng gamit para proteksyon. Hindi naman niya dapat protektahan ang sarili mula kay Enzo kahit na magtangka ito na gumawa ng move. After all, kaya nga siya makikipagkita dito ay para mayroong mangyari sa pagitan nila. Mabilis naman ng kumilos si Angel. Kaagad niyang tinapos ang ginagawang pagkain, saka naligo para dumiretso sa bahay ni Francine. Nag-offer kasi ang babae na ayusan siya. ibahin daw niyo ang looks at style na mayroon siya upang sa gano'n ay mas lalong ma-turn on ang lalaking kikitain. Hindi na din naman kumibo si Angel at nakipagtalo sa kaibigan noong mga oras na iyon. She was right, she need to change her style. Wala na sa fashion ang kanyang mga sinusuot sabi nga ni Ariel. Para daw siyang manang pero modern version lang. Tinignan ni Angel ang repleksyon mula sa malaking salamin na nasa kanyang harapan. She wore red white gingham print. A strapless party dress na binile ni Francine sa online at binenta sa kanya. Hindi na daw kasi nito masuot dahil medyo tumaba. For freebies, sinamahan din iyon ng kaibigan ng silicon n****e tape. She felt awkward and naked. It's okay that she don't need to wear a bra at silicon n****e tape lang. Maluwag, magaan sa kanyang pakiramdam. Pero hindi siya makilos nang dahil sa pakiramdam na exposed na exposed siya. Nasa pagmumuni siya kung magpapalit na ng damit at normal na blouse na lang noong tumunog ang kanyang cell phone at tumawag si Francine. Mabilis niya itong kinuha at sinagot ang tawag. "Nasan ka na, bes?" sabi nito mula sa kabilang linya. "Nandito pa ko sa bahay. Iniisip ko kung papalitan ko 'tong damit na suot ko." muling tinignan ni Angel ang kanyang sarili sa salamin. Bahagya siyang umikot at kitang-kita niya ang magandang hubog ng kanyang balakang mula sa suot. "Bakit? Suot mo na ba 'yong binigay ko sa 'yo?" muling tanong ng kaibigan sa kanya. "Bes, anong binigay? Kahit binenta mo 'to sa akin?" pagpapaalala niya. Narinig pa ni Angel ang malakas nitong pag tawa. "Oo suot ko. Pero gusto ko na ngang palitan." "Bakit? Hindi ba kasya sa 'yo? Masikip o maluwag?" "Hindi. Sakto lang naman. Parang sukat na sukat nga para sa akin, eh. Kaya lang hindi ako sanay. Feeling ko exposed 'yong katawan ko. Wala akong bra. Pag yumukod ako kitang-kita na agad 'yong cleavage ko!" "Eh, di maganda! Kasama 'yan sa binayaran." pagbibiro ni Francine at tumawa na naman ng malakas. "Bes, okay lang 'yan. Ginawa talaga 'yong mga ganyang damit para pang party. Di ba, magpupunta kayong bar after date?" "Oo, pero kasi—" "Heh! Tama na! Tumigil ka na! Pumunta ka na dito at baka kurutin pa kita sa singit." hindi na naka-alma pa si Angel noong ibaba na ni Francine ang tawag. Kaagad na naglakad si Angel para lumabas. Pero bago iyon ay inalis muna niya ang kanyang salamin at kinabit ang contact lens na binile noong nakaraan. Bahagya siyang kumurap-kurap. Medyo mahapdi iyon sa mata. It was her first time na gumamit niyon. Para sa kanya, mas madali pa din ang salamin kahit na minsan ay sagabal nga lang sa pagbabasa o panunuod ng kdrama kapag natagilid ng higa. Nang masiguro na naisarado ng mabuti ang tinitirhan ay umalis na si Angel. Naglakad lang siya ng kaunti papunta sa labasan kung saan mayroon ng dumadaan na mga taxi at nagpahatid kala Francine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD