KABANATA 16

2387 Words
KABANATA 16 TUWANG-TUWA si Francine noong makita siya nitong suot ang dress. Kaagad na hinawakan ng kaibigan ang kanyang kamay at hinila papasok sa loob ng bahay nito. Dumiretso sila sa kuwarto ang pinaupo siya doon sa harapan ng malaking salamin. Tahimik lang si Angel at hindi kumibo. Sinundan lang niya nang tingin ang kaibigan na aligaga at akala mo'y may kung ano. Excited na excited si Francine sa hindi niya malaman na dahilan. Lumapit sa aparador ang dalaga at may kung anu-anong mga kinuha. Nakita na lang ni Angel na mabilis pa sa alas kuwatro nitong inayos ang mga gamit. Isinaksak ni Francine ang plantsa sa buhok at inilabas din ang make-up kit na nandoon bago nagsalita. "Tamo mo! Ang arte-arte mo pa, eh, bagay na bagay nga sa 'yo 'yang dress na suot mo!" sabi ni Francine. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang mahaba niyang buhok na lagpas sa balikat. Hindi naman kumibo si Angel. Tahimik lang siya habang nakikiramdam sa ginagawa ng kaibigan at nakatutok lang ang kanyang atensyon doon sa repleksyon niya sa salamin. Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang mga mata pero namumula pa iyon. Ganoon pa man ay malinaw pa din ang kanyang nakikita at tama lang ang sukat ng grado na nabile. Papatakan na lang niya mamaya ng solution para hindi matuyo ang contact lens na suot. "I did not expect na maayusan kita ng ganito." inipit ni Francine lahat ng buhok niya paitaas. Sunod ay hinila nito ang isa pang upuan at inayos ang kanilang puwesto para maging magkaharapan. "Ako nga din. Hindi ko alam kung paano mo kong nabudol." ani Angel, tumawa pa ng mahina. "Ewan ko sa 'yo, Bes!" sinimulan na lagyan ni Francine ng face powder ang kanyang mukha, sunod ay kung anu-ano pang mga make-up na hindi niya na nasundan at alam ang tawag. Noong inutos nitong ngumiti siya, ginawa niya. Noong sinabing pumikit ay pumipikit nga siya. Lahat nang sinabi ni Francine ay sinunod lang ni Angel hanggang sa matapos. "Tignan mo, bes!" masayang sabi ng kaibigan, saka inikot ang kanyang upuan sa harapan ng malaking salamin. Doon ay muling nakita ni Angel ang kanyang sarili. Mabilis na bumaling siya kay Francine. "Hala! Bes, ako ba talaga 'to?" "Oo! Hindi ka nanaginip, wag kang OA!" natatawang sabi ng kaibigan sa kanya. Todo ngiti pa ito na proud na proud sa ginawa at kinalabasan sa ginawa nito kanyang mukha. "Ang ganda ko!" hindi makapaniwalang sabi niya. Ang laki ng pinagbago ng itsura niya kumpara kanina. Light make-up lang ang ginawa ng kaibigan. Inayos nito ang kanyang kilay, inalis ang kalat-kalat at nilagyan ng korte. Ang kanyang labi naman ay nilagyan nito ng tamang kapal ng kulay dark brown na lipstick. "Ikaw, eh! 'Ayaw mo kasing mag-ayos! Maganda ka naman talaga, bes!" tugon ni Francine at kinuha ang plantsa sa buhok na nandoon sa may gilid. Medyo mainit na kaya puwede ng gamitin sa kanyang straight na buhok. "Nakakatamad kasi mag-ayos." pag-amin niya. Hindi naman kasi siya mapormang tao. Kung anong mayroon o saan siya komportable ay 'ayos na. Bibilang lang sa daliri ng baboy kung mag-ayos si Angel. "Nako! Kung makikita ka ni Calvin ngayon, for sure ay maglalaway ang loko-loko na 'yon!" muling sabi ni Francine sa kanya. Kumuha ito ng kaunting piraso ng buhok na sapat. Sunod ay marahan nitong inikot sa may plantsa ang bandang dulo, nilagyan ng spray net at saka inipit. "Nako, I already moved on kay Calvin, 'no!" sagot niya naman. May tatlong buwan na din mahigit. Apat na buwan na nga 'ata simula noong maghiwalay sila? Well, hindi niya na matandaan pa kung kailan. Muli ay tinignan na lang ni Angel ang kanyang sarili. Gandang-ganda siya sa kanyang pagmumukha. Tunay na may talent ang dalagang kasama sa pagpapaganda. Dapat ay sa parlor na lang ito nagtrabaho at hindi sa BPO. Nagpatuloy lang sa ginagawa si Francine. Ilang minuto ang nagtagal bago nito alisin ang pagkakapulupot ng buhok niya doon. Pagtapos ay nakita niyang kulot na ang ibabang bahagi ng kanyang buhok. Paulit-ulit lang ang ginawang iyon ng kaibigan hanggang sa matapos. "Done na!" rinig niyang sabi ni Francine. "Thank you!" masayang sabi naman ni Angel. Lumapit pa siya sa kaibigan ay niyakap ito nang mahigpit. "Good luck, bes!" "Thank you talaga, bes! Naabala ka pa nang dahil sa akin. Thank you sa effort mo!" "Ano ka ba? Hindi ka naman na iba sa akin, para na kaya kitang kapatid. Twin sis!" muli na naman silang nagyakapan na dalawa. "Teka! Bago ko makalimutan may ibibigay pa pala ako sa 'yo." "Ano naman?" takang sabi ni Angel. Hindi naman na siya sinagot ng kaibigan. Umalis ito at pumunta sa labas ng kuwarto. Mayamaya ay bumalik din naman kaagad bitbit ang dalawang maliit na sachet na kulay silver at red. "Ito! Magagamit mo 'yan para proteksyon." inilahad nito sa kanya ang bagay na iyon. Doon niya napagtanto na condom pala ang iyon. "'Yong silver natural. 'Yong red naman, strawberry flavor." Pagkatapos siyang ayusan ni Francine at bilinan ng kung anu-ano ay dumiretso na si Angel sa mall kung saan sila magkikita ni Enzo. Sa isang coffee shop niya napagdesisyonan na tumambay at maghintay sa binata, na hindi naman nagtagal ay dumating din. "Hi, Angel right?" tanong ng isang guwapong lalaki sa harapan niya. Bahagyang hindi nakasagot si Angel. Medyo na shook siya na nasa may harapan na niya si Enzo. Ang lalaking ka-chat sa dating application. "Yeah, Enzo, 'no?" tanong niya sa lalaki. He was wearing plain red polo, black skinny jeans and Nike Air Jordan 1 mid. Tumerno ang kulay na suot ng lalaki sa kanya. Para tuloy silang nag-usap kung ano ang kanilang susuotin. "Yeah!" he paused. "Puwede maupo?" "Ay, oo naman! Upo ka!" maagap na sabi ni Angel at itinuro pa ang bakanteng upuan doon sa may harapan. "Thank you!" pagpapasalamat ni Enzo sa kanya nang makaupo. Nakita niyang ipinatong ng binata ang mga braso sa ibabaw ng lamesa, tumingin at lumapit nang bahagya sa kanya. "Girl, you're my angel, you're my darling angel, closer than my peeps you are to me, baby." hindi naiwasan ni Angel ang matawa. Paano pa naman ay kumanta ito ng Angel by Shaggy. "A-ano, baliw ka?" react niya. Mabilis at marahas naman ang binata na umiling. "Bakit? Ang ganda kaya ng pangalan mo!" he said. "Shorty you're my angel. You're my darling angel. Girl you're my friend when I'm in need, lady." muling pagkanta pa ng lalaki. Matapos niyon ay ngumiti pa kaya napangiti din si Angel. Nakakahawa ang positive vibes ng binata. Hindi tuloy siya nakaramdam ng kung anong pagka-ilang sa lalaki. "I didn't know na singer ka pala." nakangiting sabi ni Angel kay Enzo. "Hindi naman. Frustrated singer lang. Madalas sa banyo!" tinaas-taas pa nito ang dalawang kilay matapos magbiro. Natawa na naman tuloy siya. "So saan tayo, Enzo?" "Nakapag lunch ka na ba? Ako kasi hindi pa." "Hindi pa din. Sige mag lunch muna tayo." Sabay silang tumayo at naglakad palabas doon sa coffee shop habang nagkukuwentuhan. Magaling magsalita si Enzo, madaming topic na sinasabi kaya nagkaroon sila agad ng conversation sa personal. Masyado siyang nadala sa humor nito at magaan din kausap kaya nakapalagayan niya agad ng loob. Matapos ang lunch ay nanuod sila ni Enzo ng sine. Nalaman niya na magkapareho sila ng hilig na dalawa. Mga horror movies. That is why they decided to watch movie na ganoon ang tema. Sabay at magkatabi silang naupo doon sa bandang dulong upuan sa pinakataas. Noong mag-umpisa ang palabas ay namatay na ang mga ilaw at dumilim na doon sa loob. Naramdaman ni Angel ang pagpulupot ng braso ni Enzo sa kanya, niyakap at hinapit siya palapit ng binata. Hindi naman umalma si Angel. Hinayaan lang niya si Enzo. Sa katunayan ay humilig pa nga siya sa malapad na dibdib ng lalaki habang patuloy sa panunuod. Matapos niyon ay kaagad silang pumunta sa parking lot. Alas otso pasado na natapos ang pelikula at malapit ng magsara ang mall kaya naman dumiretso na sila sa isang bar. Ipapakilala daw siya ni Enzo sa mga kaibigan nito. "Ah, Enzo, pagtapos natin sa bar mamaya." medyo nag-alinlangan si Angel sa kanyang sasabihin. Hindi niya alam kung paano papalabasin sa bibig niya ang mga salita. Ganoon pa man ay mukhang nakaramdam na si Enzo. Well, nagpag-usapan naman na nila iyon noong nakaraan na magka-chat. Casual s*x. "We will go to the hotel near by." kaswal na sabi nito at ngumiti pa. "Don't worry, okay? Ako nang bahala sa 'yo. I will make you feel kung gaano kasarap maging babae." Hindi naman kumibo si Angel. Nagpatuloy lang si Enzo sa ginagawang pagmamaneho. Base sa google map, medyo malapit na sila sa lokasyon at ilang minuto nga lang ay nandoon na sila sa labas. Maayos na nag-park lang si Enzo bago sila bumaba ng sasakyan. "Let's go? Party muna tayo, before you know?" may laman na sabi ni Enzo sa kanya. Ngumiti pa ito nang makahulugan. "Okay." pangsang-ayon naman ni Angel. Sunod ay sabay silang pumasok sa loob ng bar. As usual, gaya ng inaasahan. Maingay, magulo at madilim ang lugar. Maraming tao at mukhang mas madadagdagan pa. Lahat ay masaya ang nagpa-party. Naramdaman ni Angel na hinawakan siya ni Enzo sa kamay at iginaya papunta sa puwesto kung nasaan ang mga kaibigan nito. Pagdating ay nakita niya ang tatlong lalaki na nandoon. "Hey!" nakipag-apir ang binata sa tatlo. Sunod ay humarap sa kanya at niyaya siyang lumapit. "Mga brad, si Angel nga pala." Ngumiti at nakipagkilala naman si Angel sa mga ito. Ang tatlong lalaki ay nagngangalan ng Miko, Gio at Kim. Mukha namang mababait ang tatlo katulad ni Enzo, pero ganoon pa man ay nakaramdam si Angel ng pagka-ilang. Idagdag pa na siya lang ang babae doon sa puwesto. Nagkuwentuhan ang mga lalaki habang si Angel ay tahimik lang doon at nakaupo sa tabi ni Enzo. Tumingin siya sa dance floor at madami ng tao ang sumasayaw. Medyo crowded at mukhang tipsy na din ang lahat. "Naiinip ka na?" bulong sa kanya ni Enzo. Hindi naman tumanggi si Angel sa sinabing iyon ng lalaki at inamin ang totoo. "Oo, saka medyo naiilang ako sa mga kaibigan mo." Ngumiti si Enzo, bahagya pang pinisil ang isa niyang pisngi. "Ang cute mo, Angel. Halika, sayaw muna tayo?" Dahil sa gustong makalayo sa tatlong lalaki sapagkat naiilang ay pumayag na din si Angel na sumayaw sa my dance floor kasama si Enzo. "Inumin mo muna 'to!" inabot ng lalaki ang inuming cocktail sa kanya. Kinuha naman iyon ni Angel at uminom ng kaunti. "Ubusin mo? Hindi ka sanay?" Umiling-iling si Angel. "Hindi. Sanay naman ako kahit papaano. Lumalabas din naman ako minsan kasama 'yong best friend kong babae." sagot ni Angel. Muli ay kinuha niya ang basong may laman na cocktail saka inubos. "Tara?" hinawakan ni Enzo ang kanyang kamay upang alalayan. Nang makarating sa gitna ay nagsayaw lang silang dalawa. Nakihalubilo sa mga taong nandoon at naki-party habang sumasayaw sa kung ano man ang pinatutugtog ng DJ na remix. Nakita din niya ang mga kaibigan ni Enzo na pumunta din, nakipag sayaw at nakipag flirt sa mga babaeng nandoon. Tila nabuwal si Angel. "Enzo." inangat niya ang kanyang tingin upang makita ang mukha ng binata. Medyo malabo iyon, nagdadalawa ang kanyang paningin. Nakaramdam siya nang bahagyang pananakit ng ulo at pagkahilo. Bukod doon ay nanghina din ang kanyang mga tuhod. "Are you okay, Angel? What happened?" nag-aalalang tanong ni Enzo sa kanya. Hinawakan pa siya nito sa may beywang at inalalayan upang maayos na makatayo. Pinilit ni Angel na ayusin ang kanyang sarili. "I just need to go... Punta muna kong rest room." "Okay." tugon ng binata sa kanya. Hindi pa din bumibitaw at nakahawak pa din siya sa beywang. Muli na naman siyang inayos ng pagkakatayo. "Samahan na kaya kita?" "No, no need, 'ayos lang ako. Wait lang. Mabilis lang talaga ako, promise." ani Angel. Kaagad siyang kumalas kay Enzo. Ngumiti muna siya bago tumalikod sa binata. Huminga nang malalim bago nag umpisang maglakad ng dahan-dahan. Pinilit ni Angel na huwag mabuwal. Madaming tao ang nakabangga sa kanya pero wala namang mga pakialam. Pagdating sa rest room ay kaagad na humarap si Angel sa salamin. Mariing pumikit. Kumikirot pa din ang kanyang ulo at tila naninikip ang kanyang dibdib. Medyo nahihirapan siyang huminga. Anyare? One glass of cocktail lang ang ininom niya kaya't nakakapagtaka naman na bigla siyang nakaramdam ng hilo. Ganoon ba kalakas ang tama at iba ang pagkakatimpla niyon sa bar na pinuntahan? May ilang minuto din si Angel na nagtagal doon sa rest room hanggang sa maramdaman na nawala na ang paninikip ng kanyang dibdib, medyo nahihilo pa din siya pero ramdam niyang parang ang lakas-lakas niya. Hyper to be exact. Nilisan niya na ang rest room at bumalik sa dance floor. Habang naglalakad ay may nabangga pa siyang isang lalaki. Matangkad ito at hanggang dibdib lang si Angel. Mabilis siyang nag-sorry at nilampasan ito. Hinanap niya si Enzo na kasama na ang mga barkada. Niyaya siya ng binata at kaagad naman siyang lumapit. Nakipag sayaw si Angel sa mga ito. Hindi niya na alam ang kanyang ginagawa. Sobrang saya, sobrang hyper niya at tila wala siyang kapaguran doon sa dance floor. Hindi na aware si Angel sa mga nangyayari. Pinalibutan siya ni Enzo at tatlong kasama nito. Mayroong pasimbleng nagdikit ng ari sa kanya mula sa likuran, mayroong humawak sa kanyang dibdib at mayroon naman na humalik sa kanyang leeg. Hindi niya pinansin ang mga iyon at nagpatuloy lang sa pagsasayaw. Sobrang wild na ni Angel. He kissed the guy in front of her. Hindi niya alam kung si Enzo ba iyon, si Miko? Gio o Kim? Wala siyang paki. Bigla ay may humila kay Angel mula sa palibot ng mga kalalakihan. Napatingin siya kung sino iyon, pero hindi niya mamukhaan dala ng panlalabo ng paningin. "Ano? Sino ka ba? Get off your hand!" marahas niyang binawi ang kanyang kamay, pero ano bang laban niya sa lalaki? "Hey, bro! Get off your f*****g hand. Hindi mo ba narinig? Kasama ko 'yan." hindi niya na nilingon kung sino iyon. Alam niyang si Enzo ito at gusto siyang kuhanin mula sa lalaking may hawak sa kanya. "She's mine." wika ng estrangherong lalaki. "Aba't gago ka ba? Sino ka bang—" "Pilgrim." pagkasabing iyon ng binata ay kaagad na nagkagulo sa loob ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD