KABANATA 17

1026 Words
KABANATA 17 KAAGAD na tinawag ni Pilgrim ang namumuno sa kanyang mga tauhan sa bar matapos mabangga ang isang babae kanina. Iba man ang ayos ng dalaga ay alam niyang si Angel iyon. Hindi siya maaring magkamali. Sinundan niya pa nga ito nang tingin. Pagewang-gewang ang babae sa paglalakad kahit na pinipilit maging matuwid. Mukhang nahihilo ito. He can say that she's not just tipsy. Mayroong kakaiba. "Sir Pilgrim. Bakit po?" Kiel asked. He was the head waiter and manager at the same time. Ito na ang inabutan niya sa bar at hindi pinalitan dahil katulad ng ama ay may tiwala din siya sa lalaki. "That girl." intinuro niya ang dalagang kasalukuyang nasa may dance floor at sumasayaw. "Sa'n sila nakaupo ng mga kasama niya?" "Ah, kasama po siya ng regular customer natin. Doon po sa may VIP lounge. Number 5." tugon pa ni Kiel. "Alamin mo kung anong mga inumin na inorder doon. Get some sample, too. Bring all the empty liquor to Jethro, he know what to do." utos niya na kaagad naman nitong sinunod. Muling tinapunan ni Pilgrim ang dalagang nasa may dance floor. Patuloy pa din ito sa ginagawang pag sayaw. Habang patagal nang patagal ay nagiging wild na ito, tila wala na sa tamang pag-iisip, sa sarili. "Putang ina!" mahina ngunit malutong na mura ni Pilgrim. Nakita niyang napalibutan ng apat na lalaki si Angel at hinawakan ito sa kung saan-saang parte ng katawan na maselan. Agad na sinenyasan ni Pilgrim ang ilang mga bouncer bago siya mabilis na lumapit doon sa dance floor kung nasaan si Angel. Nakita niya pang nakikipaghalikan ang dalaga sa isa sa mga lalaking kasama. Naiyukom ni Pilgrim ang kanyang kamao. Hindi na niya hinintay pa na makapag-report si Kiel sa kanya kung ano ang natuklasan. Paniguradong mayroong kung anong nainom si Angel. He will bet, it was a party drugs that's why she was acting weird. Tila lumipad sa hangin si Pilgrim noong mga oras na iyon. Mabilis siyang nakalapit at kaagad na hinila si Angel. Mukhang hindi siya mamukhaan ng dalaga dahil hindi siya nito tinawag sa kanyang pangalan, bagkus ay tinanong pa kung sino siya. Umalma ang kahalikan ni Angel at sinabing magkasama sila. Maangas na tinanong kung sino ba siya at bakit siya nakikialam. Madilim ang awra na binalingan ito ni Pilgrim. Matapos magpakilala ay kaagad niyang sinapak ang lalaki. Gaganti sana ito pati na ang mga kaibigan noong humarang ang mga bouncer. Bahagyang nagkagulo sa bar nang dahil doon, ganoon pa man ay naging maagap si Kiel na kakadating lang. Hinayaan naman na ni Pilgrim ang mga tauhan. Iginaya lang niya si Angel hanggang sa makalabas sila sa bar na kanyang pag-aari. "Hey? How's your feeling, Angel?" mahinang tinampal ni Pilgrim si Angel pero tanging pag-ungol lang ang sinagot ng pangalawa sa una. "Damn!" She's so f*****g wasted. Gulo-gulo na ang buhok nito, malamlam ang mga mata at tila inaantok na. "Nakakahinga ka ba nang maayos?" "Hmmm." narinig niyang umungol si Angel. Inayos niya ito mula sa pagkakatayo at iniharap sa kanya. Hindi niya naman alam kung saan ang bahay nito para maihatid. Bukod doon ay iniisip pa ni Pilgrim ang epekto ng party drugs sa katawan ni Angel. "Pilgrim?" tanong nito habang salubong ang dalawang mga kilay. "Angel, nakakahinga ka ba nang maayos?" He's not even sure kung anong klase ng drugs ang nainom ni Angel. Hindi tuloy maiwasan ni Pilgrim ang makaramdam ng pag-aalala para sa dalaga. Bumuntong-hininga siya. Inalalayan niya si Angel papunta doon sa katabing convenience store. She need to sit back and relax for awhile. Bibigyan niya muna ito ng kung anong mainit na inumin at baka sakaling makatulong upang gumaan at umayos ang pakiramdam nito. "Bakit mo ba ginawa iyon? Bakit nagpunta ka sa bar ng ikaw lang mag-isa?" naiinis na sabi niya. Paano kung sa ibang bar nagpunta si Angel kasama ang mga lalaking iyon? Paano kung wala siya? Bahagya siyang itinulak ni Angel kaya napalayo siya dito. "Malamang! Alam mo naman 'yong sagot." "Hindi ko alam." malaming na sabi ni Pilgrim dito. "Pilgrim, kailangan ngang mawala 'yong pagka birhen ko, 'di ba? Dahil sa sumpa!" Mariing napapikit siya. Muli na naman niyang narinig ang sumpa-sumpa na iyon sa pangalawang pagkakataon! "That's bullshit! Bakit ba naniniwala ka doon sa sumpa? Ang tanda mo na. You're too old for that stupid—" hindi na natapos pa ni Pilgrim ang kanyang sasabihin dahil kaagad siyang pinutol ni Angel. "Hindi naman kita pinipilit na maniwala sa akin! Wala ka namang narinig, 'di ba? Wala ka namang narinig na pamimilit noong huli tayong mag-usap!" "Angel." "Aalis na ko!" "San ka pupunta?" "Babalik ako sa loob ng bar." Marahan na hinilang muli ni Pilgrim si Angel. "Tanga ka ba? Bakit ka pa babalik doon? Paano kung ma-gang rape ka ng mga gagong iyon?" Hindi niya alam kung anong klaseng utak o pag-iisip mayroon si Angel. Inintindi na lang ni Pilgrim na marahil ay sa drugs na ininom kaya ganito ang dalaga ngayon. "Wag mo na akong pakialaman!" hinawi ni Angel ang kamay niya at nag simulang maglakad para bumalik. Napapikit si Pilgrim. Hindi siya nakainom ng kahit na anong alak, pero biglang sumakit ang ulo niya. She's getting into his nerves. Napakakulit! Buntong-hininga muli. Hindi niya alam kung tama ang magiging desisyon niya. Pero ayaw naman niya na mapahamak pa si Angel. "Angel. Gawin na natin!" sabi niya na sapat lang upang marinig ng dalaga. Napahinto ito at napatingin sa kanya. "Ha?" kita sa maamong mukha ng babae na naguluhan. Marahas na humugot ng sariling hininga si Pilgrim. "Tayo na lang ang gumawa." "Pilgrim." "I will f**k you! I will give you experience. But not the way or idea you wanted. Gagawin natin 'to sa paraan ko. I will guide and make you ready for that." Katahimikan ang nag hari sa pagitan nilang dalawa. Tila huminto ang oras at silang dalawa lamang ang nandoon. Mariin na tinignan ni Pilgrim si Angel na nakatulala lang sa kanyang harapan. Mayamaya pa'y gumalaw ang ulo ng pangalawa bilang pag sagot sa una. She just nodded. And that very moment, Angel agreed to Pilgrim that they will practice his best damn thing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD