“N-NO! Please.. please leave me alone!”
Kahit anong pagmamakaawa ko sa bultong iyon ay patuioy niya pa din akong hinahabol. Nang itaas niya muli ang hawak na baril sa direksyon ko ay mabilis akong tumayo at tumakbo. Hindi ko din alam kung bakit ako tumatakbo. Anong tinatakbuhan ko?
I could feel the stems scraping across my skin with every step I took. Hindi ko alintana ang mga iyon ang mahalaga sakin ay makalayo. Pagtingin ko sa likod ay nakita ko ang bultong ‘yon na hinahabol ako. Kahit pa parang naglalakad lang siya ay naabutan niya pa din ako..
“No no...” Umiyak ako habang tumatakbo, doon ko napansin ang isang bunny sa kabilang side ko. It’s running just like I am, as if something is hunting it as well...
Hindi ko maalis ang tingin ko sa bunny na iyon, kasunod non ay ang makislap na bagay na nakita ko na biglang tumama sa paa nito para tumigil sa pagkatakbo.
“A-ah!” Napangiwi ako nang maramdaman ko ang matulis na bagay sa paa ko. Nanghihinang sinapo ko iyon, I saw the white bunny lying on the ground, just like me...as if some unseen hunter has claimed the bunny too. Naramdaman ko ang paglapit ng bultong iyon, hindi ko nakita ang mukha niya. He was just standing there, staring at me..
“Ma’am?! Ma’am?!”
Malakas na napasinghap ako nang marinig ang katok at tawag na iyon. Sapo ang noon a napatingin ako sa pinto.
‘Panaginip lang pala..’
“Ma’am gising na po ba kayo?”
Nakangiwing umupo ako sa kama saka nagtungo sa pinto.
“Ay ma’am tumawag ho kanina si mama nyo. Nandoon na daw po siya sa rancho, tawagan nyo daw po siya kapag nagising na kayo.”
Tumango ako. “Thanks po, mag-aayos lang po ako.”
Nang tumalikod na ang katulong ay naligo agad ako. Natigilan ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo. Hinawakan ko ang balikat ko, there was a bruise there that still looked fresh. Tumalikod ako at meron din sa likod ng balikat ko na para bang hinawakan iyon ng mariin.
“Baka magkakaroon na ‘ko..” Bulong ko at nailing na naligo. Hindi lang ako magsusuot muna ng sleevless ngayon. Pagkatapos kong mag-ayos ay dumeretso na ako sa kusina at nag-almusal. Tinawagan ko si mommy, ilang sandal pa ay sinagot niya na iyon.
“Mom! Miss na kitaa!” Nakangiting bungad ko habang nag-aalmusal. Ngumiti siya sakin sa screen.
“Miss you din baby..” Sabi niya saka pinakita ang background. Tingin ko ay nasa garden siya. “...look oh ang gaganda na ng tanim pala ng auntie Georgia mo dito.”
“Kamusta diyan ma?”
“Ayos lang anak, nabalitaan ko nga pala yung nangyari kay Alfred kamusta naba siya?”
Huminga ako ng malalim. “Dadalawin ko siya mamaya after ko sa promote ng products kung hindi na ako busy. So far maayos na daw ang kalagayan niya.”
“Yung suspect ba nahuli na?”
Umiling ako at uminom ng kape. “Hindi pa po, how long do you plan to stay there mom?”
“Hmm..maybe 3 days lang. Hindi ko pa kasi nakakausap lolo mo, palaging nasa kabilang hacienda e. Hindi kami nagkatagpo pa ngayon..’’
Tumango ako at kumain ng almusal.
“Umuwi ka po agad ha?”
Ngumiti si mommy sa sceen.
“Oo naman anak, mag-iingat ka diyan ha? Mamaya tatawagan uli kita, kakausapin ko lang si lola mo.”
“Ah ma wait---“ Bigla kong naalala si Evander.
“Ano ‘yon anak?’’
Nakangiting umiling ako. “Nothing, ingat ka po diyan.” Iyon lang ang nasabi ko, wala naman na din akong rason para malaman ang sitwasyon niya don. Isa pa kagaya ng pinangako ko lahat ng nangyari doon binabaon ko na sa limot.
Nagsimula akong gawin ang trabaho ko sa araw na ‘to, I contacted my secretary to check on Alfred’s condition. Hindi pa daw ito nagigising bagay na mas pinag-alala ko. Habang nag-aasikaso ako ng mga product sa office ko ay dumating ang nag-aayos ng cctv.
“Ilang beses na pong nasisira ‘yan, hindi pa din po ba maayos?” Tanong ko sa technician habang nago-organize ng mga products. Hindi ko narinig na sumagot ang tinatanong ko kaya nag-angat ako ng tingin, nakita kong kinakalikot niya ang cctv. Naka-mask siya ng telang itim at cap kaya hindi ko makita ang mukha niya.
“Kuya sana naman po maayos na ‘yan, nakaraan pa po namin problema ‘yan.” Sabi ko pa at nailing na muling yumuko sa product ko.
“Sorry ma’am..”
Natigilan ako nang marinig ang boses na ‘yon, it’s sounds....familiar? Nag-angat ako ng tingin, nakita kong inaayos na ng lalaking ‘yon ang mga tools niya. Or baka namali lang ako ng pagkakarinig?
“Pasuyo na din po kay manang na baka pwedeng ayusin na din yung cctv sa balcony ng kwarto.” Sabi ko pa, nang hind siya sumagot ay nailing na nilagay ko na ang mga inaayos ko sa isang box. Pagkatapos ay nilista ang mga product na na-unbox ko na. I paused when I felt someone staring at me so intensely. Mabilis akong lumingon sa likuran ko, nakita ko ang technician na nakatingin sakin.
“Tapos na po ako.” Sabi niya sakin saka binuhat ang gamit. Pakurap na tumango ako.
“O-okay, pakiayos na lang din sa taas. Thanks.” Nasabi ko na lang, hinintay ko siyang lumabas ng office bago nailing na muling bumalik sa ginagawa ko.
‘So weird..’
Ilang oras pa ang lumipas ay nagpahinga na muna ako sa couch ko. I go there to rest whenever I get tired, siguro dahil nasanay na din ang katawan ko dati pa lang sa pag-aasikaso ng mga negosyo. Magtutungo sana ako sa kusina nang mapansin ko si manang na papasok ng bahay.
“Ma’am.. nandiyan ho yung technician na mag-aayos ng cctv sa labas.”
Natigilan ako. “What do you mean po? Kaalis lang nila ha?”
Napakamot siya sa ulo. “Iyon nga ho pinagtaka ko e, sinabi ko na sakanila na may pumunta na dito. Pero ngayon pa lang daw po sila nakarating.”
Hindi ako nakaimik at naalala ang pamilyar na boses na iyon.
“Papasukin nyo sila.” Utos ko kay manang, mabilis na sumunod naman si manang at tinawag ang mga technician sa labas. Tinanong ko sakanila kung pwede ba nilang masilip kung may nagbago ba sa mga cctv. Kahit ang monitor ay pinacheck ko kung may nagbago din.
“Wala naman pong problema sa system nyo ma’am. Lahat ho ng camera nyo saka recordings nagpa-function ng maayos.” Sabi ng technician, naguluhan ako.
“Wala naman ho bang nakahidden na camera or what? Kasi kanina may dumating na technician na din at inayos niya eh. Baka may nagtamper ng cctv.”
Umiling lang siya saka tinangala ang camera.
“Don’t worry maam, chineck din po namin kung may mag wiring for unauthorized devices o kaya hidden recordings pero wala naman po kaming na-detect.”
Napatango lang ako.
“Naku baka yung isang natawagan ko, kasi busy sila e kaya ibang technician tinatawagan ko.” Sabi ni manang.
“It’s okay ho, thank you.” Sabi ko sakanila, nang makaalis na sila ay saglit akong tumingin sa mga cctv. Baka dahil dala ng pagod kaya kung ano ano na ang mga naiisip ko.
Umalis na si manang mga exact 5pm, stay out siya dahil may mga inaaalagaan na apo. Ayos lang naman na mag-isa ako sa bahay. Safe naman dito lalo pa at subdivision. There’s really nothing to worry about, tinawagan ko muna ang secretary ko kung nagising naba si Alfred ngunit sabi niya ay hindi padin daw hanggang ngayon.
“Bukas na lang ako dadaan sakanya..’’ Sambit ko habang nagto-toothbrush. 11pm na ako natapos sa mga ginagawa ko kaya pwede na akong makapagpahinga ng maayos. Pagkatapos ko ay nagtungo na ako sa kama at saktong pag-upo ko nang may tumawag sa celllphone ko. It’s mom number.
“Hi mom---
“Iha umuwi naba mommy mo?”
Nagtaka ako dahil ang sumagot ay si auntie Nessa.
“Auntie?”
“Yes, naiwan kasi niya ‘tong phone niya sabi niya kanina kakausapin niya lola mo pero pagpunta ko sa kwarto ni mama wala naman siya don. Cellphone niya lang nasa kama ng lola mo.”
Hindi ko alam ngunit gumapang ang kaba sa dibdib ko. Hindi ugali ni mommy na iwan ang cellphone niya kahit saan.
“Hindi nyo ho ba natanong si lola auntie?”
“Ang sabi ng lola mo lumabas lang daw saglit mommy mo pero hindi na bumalik.”
Unti-unting bumigat ang paghinga ko kasabay ng paghigpit sa phone ko.
“W-wala po bang nakakita na iba kung saan siya pumunta? Kausap ko lang po siya kanina e. Gaano na po ba siya katagal nawawala?”
“Iniwan ko siya sa kwarto ng lola mo 5 hours ago. Hinahanap nga namin ngayon ng lolo mo e. Kinakabahan ako baka saan napunta iyon, or worst baka nasa kabila!”
Bigla kong naalala ang wedding invitation. No way!
“P-please auntie! Pakihanap po si mama ha? Uuwi ho ako diyan.”
“Sige sige huwag kang mag-alala! Tatawag na din kami ng police.”
“Yes please!” Tinapos ko ang tawag at nagmamadaling kinuha ang mga gamit ko para isilid sa maleta...