NAG-iinat na bumangon ako nang marinig ko ang unang alarm ng orasan ko, pagtingin ko ay saktong 10:00am na ng umaga. Napagpasiyahan ko na talagang magising ng tanghali lalo pa at napuyat din ako kagabi. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni mommy kagabi ay saglit akong nakipagchikahan sa kwarto niya hanggang madaling araw.
Kumuha muna ako ng susuotin ko pagkatapos ay naligo. Napangiwi ako dahil ramdam ko ang bahagyang hilo ko at paninikip ng lalamunan ko. Mabilis akong naligo at lumabas para magpatuyo ng buhok. I’ve checked today’s schedule and my meeting is set for 5 PM. Maganda na din iyon para may oras pa akong mag-gym after kong kumuha ng results kay doc.
“Manang nasaan po si mommy?” Tanong ko pagbaba ko, naabutan ko si manang na naghahanda ng almusal.
“Hi po ma’am...hindi ko po siya napansin kanina e.”
Tumango ako saka umupo sa mesa, uminom ako ng tubig para maibsan ang uhaw ngunit parang lalo lang akong nauhaw. Hindi ko alam pero parang nahilo pa ako lalo,
“Ah, manang dumating na po ba yung kotse galing sa talyer?”
“Opo ma’am dinala na ng driver kanina.”
“Okay po thanks, dadaan muna ako kay doc to get my results.” Sabi ko at lumabas para magtungo sa sasakyan, 3 days ago ay nagpacheckup ako para tignan kung bakit napapadaalas ang hilo at paninikip ng lalamunan ko. Ilang sandali lang ay nasa hospital na ako, mabuti na lang din at nakasched ako ng maaga para makuha ang results.
“How have you been feeling lately?” Tanong ni doc pagkadating ko.
“Same pa din po doc e, kanina nagising ako nahihilo na naman ako. Parang lutang ho ako lagi.”
Tumango si doc at tumingin sa papel.
“I’d like to ask a few questions to better understand your overall health. Have you used any recreational drugs or other substances recently?”
Napamulagat ako saka umiling. “No doc, hind po ako gumagamit.”
Tumango siya at nagtaas ng tingin sakin.
“Well, the results indicate that drugs have been detected in your system.” Sabi niya na mas lalong nagpalaki ng mata ko.
“P-paano ho nangyari iyon? Hindi ko magagawang gumamit ng ganon.”
“I understand iha, some substances in test results may come from medications and supplements or over-the counter drugs.” Sambit niya pa at may sinulat sa papel.
“.We will review all medications and supplements you have taken, and I may recommend a follow-up test to confirm the findings. It is important to ensure an accurate assessment prior to making conclusions. This helps me understand your symptoms better okay?”
Wala sa loob na tumango na lang ako, bago ako umalis ay diniscuss ni doc ang gagawin sa akin. Hanggang makapasok ako sa sasakyan ay nanatiling malalim ang nasa isip ko. Nagsimula lang ang nararamdaman ko simula nang dumating ako sa rancho noon. Huminga ako ng malalim muling nagmaneho pabalik ng bahay.
Pagbalik ko ay wala pa din si mommy, si manang naman ay naglalaba sa laundry area. Muli kong tinignan ang papel na hawak ko at nanghihinang umupo sa sofa.
“Ay ma’am nandiyan na po pala kayo. Kumain na po ba kayo?”
Umiling ako habang sapo ang ulo ko.
“Mamaya na lang ho siguro.” Nanghihinang sabi ko.
“Oo nga po pala ma’am diba sainyo tong bulaklak.”
Napadilat ako, nakita kong hawak ni manang ang boquet of flower na binigay ni Alfred. Halos mawala na ang bunga non at sira-sira na.
“Nakita ko ho sa likod kung saan nakatapat ung bintana nyo po. Nanghinayang ako sayang e.”
Natigilan ako. “P-panong napunta iyan doon?”
Nakita ko pa ang bawat tangkay non ay parang ginupit-gupit.
“Hindi ko ho alam ma’am akala ko tinapon nyo po e.”
Napasapo ako lalo sa ulo ko.
“H-hindi ko ho alam, sainyo na lang po manang..” Nasabi ko na lang, I feel like there is something wrong with me. Marami akong bagay na nagagawa na nakakalimutan ko.
“Thanks po! Ay ma’am nakalimutan ko sabihin, nagkaproblema na naman po sa cctv camera. Tinawagan ko na po yung mag-aayos.”
“Panglimang beses ng nasira ‘yan hindi padin nila magawa ng maayos.” Nasabi ko na lang saka saglit na humiga sa sofa.
“Kaya nga po e.. sige po maglalaba na ako.”
Nang umalis na si manang ay tinatamad na tinignan ko ang cellphone. Nagulat pa ako dahil halos sumabog an notifcations ko. Sa isiping baka yung sales ko na iyon ay mabilis kong sinilip iyon. Natigilan ako nang makita ang sunod sunod na mensahe galing sa secretary ko.
“Anong..” Nabasa ko ang mensahe, may sinend siyang link doon kaya agad kong binuksan iyon sa chrome.
“Oh my God..” Usal ko at napaupo pa ako, nakita ko ang balita na nasa hospital ang isang kilalang influencer. Nang makita ko kung sino iyon ay nayanig ang utak ko, It’s Alfred! Nangyari ang trahedya kagabi lang. At kung hindi ako nagkakamali ay nangyari iyon pagkatapos niya akong ihatid.
“Oh great!” Sapo ang ulo na tumayo ako at mabilis na kinuha ko muli ang bag ko. Sakto namang tumunod ang cellphone ko habang palabas. Nakita ko sa screen si mommy.
“Hello mom? Nabalitaan mo na po ba---
“Anak I am sorry.”
Nagtatakang napatingin ako sa video, nakita kong parang nasa aiport si mama.
“WelI this is the time for me to face my father. Hindi ako papayag na pati buhay mo ay kontrolin niya, ako ang makakalaban niya.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Mom! You don’t have to do that!”
“Anak..para sayo ‘tong gagawin ko okay? Uuwi din ako agad, tatawagan kita mamaya. I love you.” Sambit niya pa.
“But mom---
Pinatay niya agad ang tawag bago pa ako makapagsalita. Napabuga ako ng hangin pagdating ko sasakyan. Napahawak ako ng mahigpit sa manibela at sinimulang paandarin iyon. When I went to the hospital, I saw some of Alfred’s other fans. Ang iba sakanila ay nagpupumilit pumasok sa loob. Nagsuot na lang ako ng cap at pumasok sa hospital.
“Hey..” Tawag ko sa secretary ko nang makita ko pagdating ko sa room ni Alfred. Nakita kong nakasplint ang binti ni Alfred at may bandage sa ulo.
“Ma’am Peony.” Tumayo ang secretary ko, pumasok naman ako sa loob.
“H-how is he?”
“Stable na po siya ma’am, dumating na si doc kanina para sabihin na okay na ang kalagayan niya.”
Tumango ako at lumapit kay Alfred.
“Anong nangyari?”
“Tinatawagan ho kayo ng mga police kanina pero hindi po kayo ma-contact pati na din po yung pamilya niya. Ako na lang ho ang sumagot nang tumawag sila sa office e. Narinig ko sakanila na sinadya daw banggain ‘yung sinasakyang kotse ni sir Alfred.”
Nanlaki ang mata ko. “Sinadya?”
Tumango siya. “Oo, hindi pa nila matukoy sino yung suspect e. Pero nakita sa sa highway na siya ang puntirya ng bumangga sakanya.”
Hindi ako nakaimik at tinignan si Alfred. Wala akong nababalitaan na nakaaway niya, kahit noon pa lang ay tanging product lang ang laman ng social nito. Ni hindi nga siya sumasama ng mga gathering dahil abala siya sa paggawa ng pera at pangalan. That’s what makes him happy.
“P-pakisabi na babalik ako bukas ha? Tawagan mo ako kapag nagising na siya.” Paalam ko sa secretary ko, gulong-gulo ang isip ko habang nasa biyahe. For some reason, my chest feels heavy. A familiar feelings.
Nang makauwi muli ako ay nagtungo agad ako sa kwarto. Unang iniisip ko si mommy na bumalik sa rancho. Paano niya haharapin sila auntie at lolo? Iniisip ko ang kalagayan niya doon lalo at wala ako. Pangalawa, si Alfred na tingin ko ay kasalanan ko pa din dahil ako ang huling hinatid niya kagabi bago mangyari iyon. Pangatlo ay ang results sa checkup ko... I am not sure what’s happening, mas lalong sumasakit ang dibdib at utak ko sa pag-iisip. I tried to rest for a minute....
....it feels like something is after me...as if I’m being hunted..
... and once again there was that familiar touch I recognized.