Chapter Ten

1518 Words
I was getting ready to escape as the clock struck 8 PM... Tama nga sila auntie, may mga tauhan na ng mga Castellino sa labas ng ranch. Nakita ko kung paano sila kausapin ni Sarah, iyon ang naging pagkakataon namin ni auntie para makaalis. Binanggit sakin ni auntie na dumarating daw sa bahay si Evander tuwing 9pm. Hindi na ako nagpaalam sa iba kong auntie at kay Lolo, coming back here was a mistake,. “I still don’t understand why he chose me Auntie..” Usal ko, sumilip naman si auntie sa rearview mirror. “Kung ano man ang rason niya ay huwag mo ng isipin Peony. Ang mahalaga ay makalayo ka na dito. Don’t ever come back here okay?” Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan, ilang sandal pa ay naihatid na ako ni auntie. Doon ako nakahinga ng maluwag sa isiping nakalayo na ako kay Evander. Babalik ako sa naging buhay ko dati nang wala ng iisipin. Kung ano man ang nangyari noon ay nasabi ko na kay lola, iyon lang ang mahalaga sakin. It only took me a few hours to get back to Manila and Mommy welcomed me as soon as I arrived. Hindi ko na sinabi ang rason sa mga nangyari, ayokong mag-alala pa si mom tungkol sa mga nangyari. Ang mahalaga ay nakabalik na ako. One week later...I went back to my old life. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho, model dito promote doon. Iyon ang mga ginagawa ko sa nakalipas na isang linggo. Lumaki ang sales ng product namin, si mommy ang mahilig mag-live selling samin. Ako naman ang gumagamit ng product at pino-promote iyon. I had the opportunity to meet the influencers, kumuha na din ako ng iba pang influencer to promote our products. My life is finally peaceful again…. “Mag-iingat ka ma’am!” Nakangiting kumaway sakin ang mga tauhan ko pagtapos namin sa bodega. Gumanti ako ng kaway sakanila at hinilot ang batok ko dahil sa naramdaman kong pagod. Madaming product ang dumating ngayon galing sa manufacturer ko. “Oh s**t nakalimutan ko..” Bulong ko nang maalala kong sira nga pala ang sasakyan ko at nasa talyer pa. “Hey Peony!” Bumaling ako sa boses na iyon, nakita ko si Alfred sa driver seat. “Nabanggit sakin ng secretary mo na nasiraan ka daw ng sasakyan? Shall I give you a ride home?” Ngumiti ako sakanya saka tumango. “Sure thank you!” Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako, Alfred is one of the most popular influencers. SIya din ang halos malakas magpromote ng products namin. Noon pa siya nagpaparamdam sakin ngunit simula ng dumating ako doon na siya naglakas ng loob ligawan ako. He’s a gentleman I can say, kahit na ilang beses kong sabihin sakanya na hindi pa ako handa sa kahit ano ay makulit padin siya na bigyan ako ng mga gifts. “Salamat uli ha!” Nakangiting sabi ko pagdating sa bahay. “Ano kaba, para namang bago kapa sakin.” Nakatawang sabi niya pa nang pagbuksan ako. Saktong pagbaba ko ay binigyan niya ako ng boquet of flowers. “Oh..kabibigay mo lang sakin kanina ha?” Ngumiti siya sakin. “Well, sabi kasi ng secretary mo palagi daw nawawala ang bulaklak sa office mo sa bawat padala ko. Dinagdagan ko na dito para hindi mawala.” I chuckled and accept the flowers. “Thanks..dito nako.” Paalam ko sakanya, kumaway muna siya bago pumasok ng sasakyan. Muli akong kumaway ng umandar na ang sasakyan niya, nakangiting sinundan ko siya ng tingin. Akmang tatalikod ako na ako nang maramdaman ko ang paglamig sa likuran ko. Mabilis akong napalingon, hindi ko alam pero these past few days nararamdaman ko na palaging may mga matang sumusunod sakin. I don’t want to overthink about it, isa pa ay wala na akong nabalitaan sa ranch kahit pa mensahe mula kay lola. Binaon ko na sa limot ang lahat simula ng umalis ako doon. “Mom I’m home!” Tawag ko kay mama pagpasok ko sa loob. Pagod na nilapag ko ang bulaklak sa sofa saka naupo. “Kauuwi mo lang anak?” Sambit ni mama habang pababa ng hagdan ng makita ako. Tumango ako at hinilot ang sentido ko. “Yes mom...” Naramdaman kong nanakit ang ulo ko, si mama naman ay tumabi sakin. “May nangyari ba sa rancho anak?” Natigilan ako sa tanong ni mommy, napatingin ako sakanya. Ngayon lang uli nagtanong si mommy. “W-wala mom bakit po?” Ilang sandali siyang tumingin sakin at nilapag ang nakabalot na sobre sa mesa. “Then what is this?” Wala sa loob na umayos ako ng upo at kinuha ang sobre. “Peony Leonidas and Evander Castellino..” Pakiramdam ko ay may nalaglag sa sikmura ko nang makitang wedding invitation iyon. “Together With Their Families Peony Leonidas and Evander Castellino invites you to their wedding celebration...” “Anong nangyayari anak? Bakit papakasalan mo ang anak nila Donya Ophelia?” Naguguluhang tumingin sakin si mommy, napalunok ako at pinunit ang papel. “Wala ma..” Malamig na sabi ko at hinawakan ang bulaklak saka tumayo. “No! Talk to me!” May authority sa boses ni mama nang pigilan ako, huminga ako ng malalim saka muling umupo. “Aminin mo sa akin ang totoo Peony, bakit sa ilang araw mo lang doon bakit ikakasal kana nang hindi ko alam?!” Kagat ang labing tumingin ako kay mama. I have no choice. “Sinabi daw ni lola kina Auntie na bumagsak na ang planta dahil daw sa perang kinuha natin sakanila noon. They say that Grandpa is sending me money...tapos sa huli nakuha pa daw nating kumuha ng pera sa banko niya. Iyon din daw ang reason kaya nalagay sa alanganin ang rancho. Malaki ang naging utang nila sa mga Castellino at ako ang magiging kabayaran.” Pag-amin ko saka hinawakan sa kamay si mama. “Pero ma alam ko hindi iyon totoo. Kung ano man ang nangyari noon alam ko para sa kapakanan ko iyon diba?” Nakita kong umiwas ng tingin sakin si mommy. “Tama sila anak, kumuha ako ng pera sa banko ni papa.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita kong nangilid ang luha sa mata niya. “Ganti ko iyon sakanya sa lahat ng pang-aabuso na ginawa niya sa pamilya natin.” Sabi niya pa at pinunasan ang pisngi. “Naalala mo ba ang sinabi ng uncle Miller mo sayo? Akala namin ay kakampi namin siya para itakas ka. Iyon pala ay may balak din siya sayo.” “A-anong ibig mong sabihing balak ma?” “Si papa...kinukuha niya ang mga panganay na anak ni mama para..” Hindi niya matuloy ang sasabihin niya, isang malalim na hininga ang ginawa niya saka tumingin sakin. “...dinadala niya ang mga babaeng panganay na anak sa kwarto niya para pagsamantalahan. Kagaya ng unang ginawa niya sa panganay na anak ni ate Kienna. He’ll keep abusing them again and again until he’s had enough. Takot si ate noon lalo pa at nangyari na iyon sakanya noon. Pero tinulungan namin siya ng daddy mo na lumayo kasama ng anak niyang panganay. Kahit huli na ang lahat ang mahalaga ay makatakas siya. We used to be very afraid of Reno, kaya hiniling ko na sana ay hindi babae ang maging panganay ko.” “W- why would he do that?” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Palaging kinu-kwento ni mama na lumaki siya sa hirap, para maitaguyod si ate ay pumasok siyang tindera sa umaga at bar naman sa gabi. Doon niya nakilala si Reno, simula non naging maayos ang buhay ni mama. Binili lahat ng gusto niya at dinala sa rancho bilang pangako sakanya. Iyon pala may kapalit lahat..” Napakurap ako, I can’t imagined what happened to them. Naalala ko kung paano ako gabayan nila mama, pinagtalunan nila noon na kailangan naming bumukod ng bahay sa rancho. Naalala ko padin dati na gusto kong magpaiwan sa ranch pero ayaw nila mama. Nagpagawa kami ng bahay sa isang barangay doon kung saan medyo malayo kina lolo. “Nagsumbong si ate pero si mama nabulag sa mga kayang ibigay ni Reno. Kaya nang iparamdam samin ni Reno na ikaw ang isusunod niya, ay ginawa namin ng daddy mo ang nararapat para makaalis don. Sa rancho pa ang trabaho ng daddy mo noon at sapat lang iyon para sa pang-araw araw natin. Malaki ang pinapadala niyang pera sayo anak kaya kumapit na kami sa patalim na itabi yon at ipunin para bago sumapit ang 18th birthday mo ay makaalis na tayo.” Ngayon malinaw na sakin ang lahat... “Kahit kadugo niya kaya niyang pagsamantalahan. Kaya bilang ganti nalaman ko ang bank account at password niya, bago tayo umalis ay kinuha ko ang laman sa pera niya.” Sambit niya pa at hinawakan ang pisngi ko. “I won’t let anything happen to you anak at handa kong gawin ang lahat para huwag ka lang mapahamak.” Naluluhang lumapit ako sakanya at yumakap... “Hindi na mangyayari uli iyon mommy...hindi na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD