Chapter Six

1617 Words
HALOS hindi ako humihinga nang hilahin ako ni Evander sa isang storage room. Ginala ko ang tingin sa loob. Nakadikit ang mga wooden shelves sa wall habang may nakaalalay na metal bracket sa ilalim. Halos mga prutas ang nakastock sa shelves, dama ko din ang lamig sa loob. “If you want to step outside and get caught, be my guest.” Sarkastikong sabi ni Evander sakin habang nakasandal sa shelves. Sinamaan ko siya ng tingin. “It’s your fault!” Nakita kong bumaba ang mata niya sa dibdib hanggang paa ko. “Hmm, no wonder so many guys have been in your life. Paano mo nagagawa ‘yon kahit bata pa lang?” Again, kasinungalingan na naman galing sa pinsan ko. Umirap ako sa hangin at sumandal sa shelves, tumingin ako sa pinto. Naririnig ko padin ang pag-uusap sa labas ng mga katulong nila. “Don’t pull that silent act on me Peony.” Narinig ko ang galit sa boses niya, binalingan ko uli siya. Madilim ang expression ng mukha niya na parang anumang oras sasakmalin ako. “Bakit nagagalit ka? Hindi ba nagagalit ka din kapag may taong tanong ng tanong sayo?” Siya naman ang natigilan sa sinabi ko. “Huh...I see.” He chuckled, muli kong inalis ang tingin ko sakanya. To my suprise he grabbed my wrist and slammed me against the shelves. Gumawa ng ingay ang mga nahulog na prutas sa loob. “Narinig mo ‘yon?” Sabi ng isang katulong sa labas, mas lalo akong kinabahan. Nanlaki ang mata ko ng umikot-ikot ang doorknob. “Evan--- He held my chin tightly, making my eyes meet his. Napamulagat ako nang bigla niyang sakupin ang labi ko, I tried to push him but he’s stronger than me. Dumiin ang katawan niya sa katawan ko. He lifted one of my legs onto his side. “Ev—no!” Sandaling kumawala ang labi niya sakin. “Damn it..damn it.” Paulit-ulit na bulong niya sa pagitan namin. “Kunin mo yung susi baka may nakapasok na bait sa loob yare tayo kina donya.” Narinig kong sabi ng katulong, hindi hinahayaan ni Evander na lumayo ako sakanya. Pinilit kong ibaba ang hita ko at kumawala sa pagkakayakap niya. “P-please let me go! Ano ba kasing gusto mo punyeta ka!” Galit na bulong ko. Tumaas lang sulok ng labi niya sakin. “I just want a little taste of you Peony.” He grabbed my waist and pulled me closer to him. Napasinghap ako nang bumaba ang labi niya sa leeg ko. ‘Oh s**t! No!’ Naramdaman ko ang mariin at paulit-ulit na pag-amoy niya sa pagitan ng balikat ko. Huminga ako ng malalim at malakas na tinulak siya. Mabilis kong kinuha ang orange sa likuran ko at binato sakanya. “Sige lumapit kapang bwisit ka!” Galit na binato ko sakanya ang mga hawak ko. “Ouch!” Panay naman ang ilag niya, pinunasan ko ang labi ko saka tumalikod. Paglabas ko ng pinto ay isang katulong ang naabutan ko don. “M-maam.” Gulat na sabi niya nang makita ako, wala na akong pakialam kaysa makasama ng matagal sa loob ang hinayupak na ‘yon. “Oh iha? What happened?” Naabutan ko si auntie Nessa na may dalang wine bottle. Pilit akong ngumiti sakanya habang inaayos ang sarili ko. “H-hi auntie..” Inayos ko muna ang buhok ko. Lumapit sakin si auntie at humawak sa braso ko. “Bakit ang gulo ng buhok mo, look at your lipstick. Medyo kumalat na.” Namumula ang pisnging pinunasan ko ang gilid ng labi ko. “Iinom ho kayo?” Tanong ko na lang para hindi na siya magtanong sa nangyari sakin. Seriously hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ako ang trip ng isang iyon. For good sake we just met 1 and a half days ago! “Well pinapili kami ng donya kung ano iinumin namin hihi.” Binalingan ko si auntie, “Tita hindi ba kayo galit kay mommy?” “Well alam ko naman na itatanong mo sakin iyan. Galit ako noong una..” Aniya saka ngumiti sakin. “....but I know she has a reason, kilala ko yan si Mila hindi yan kumikilos nang walang dahilan.” Huminga ako ng malalim, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay may isa kaming kamag-anak na hindi masama ang tingin kina mommy. “Ano po ba ang nangyari noon? Bakit noong huling bisita namin kina lola galit na galit si daddy sa uncle Miller.” Nakita kong saglit natigilan si auntie Nessa. “Oh..well.” Sabi niya saka sandalling huminto at nilingon ako. “... hindi ba ay nabanggit mo naman na hanggang sabado ka lang dito? Hindi naman sa hindi ko gustong nandito ka pero sana umuwi kana. I don’t want you stay here.” Naguluhan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nililihis niya din ang tanong ko sakanya. “What do you mean auntie? Hindi ko pa po nakakausap si Lola, nagpadala kasi siya ng sulat samin na gusto niya akong makita.” “I know pero..” sambit niya at tumingin sa paligid pagkatapos ay binalingan uli ako. “...hindi padin malinaw sakin ang relasyon ni Sarah at Evander. Pero sila kasi ang nakatakdang ikasal na pinagkasunduan nila papa at ni Don Daniel. I’m not sure if you’re aware, but Evander keep staring at you. Palagi ko siyang nahuhuli na tumitingin sayo. Baka mamaya ay mag-isip ng hindi maganda ang auntie Linda mo lalo pa ay may galit iyon sainyo.” I knew it, bigla kong naalala ang nangyari kanina. Sino nga ba naman kasing matino ang kikilos ng ganon gayong may girlfriend siya at nakatakdang ikasal pa? This is a serious matter and I don’t want to get involve in this. “Huwag kayong mag-alala tita, bukas ay kakausapin ko na si Lola para makauwi na ho ako sa hapon.” Ngumiti sakin si auntie Nessa at hinaplos ako sa braso. “Thanks iha... halika baka hinahanap na tayo nila.” Tumango naman ako at sumunod kay auntie. Pagdating namin sumalo si Auntie Nessa sa round table gayon din ako. Ilang minuto lang ay nakita kong dumating na si Evander kasama si Raphael. Hindi ako tumingin sa direksyon niya lalo pa at naalala ko ang ginawa niya sakin sa storage room. I know this man is not good for me. Tahimik lang ako sa sulok habang nanonood ng random video sa black app sa cellphone ko. Hindi ako nakikisali sa usapan nila or what, tungkol lang naman din iyon sa business nila at personal life. Isa pa mukhang hindi naman sila interesado na malaman pa ang tungkol sakin dahil may sarili silang kwento sakin. “Ako na ho ang maghahatid kay auntie Nessa.” Presenta ko nang mapansin kong pasuray-suray na si auntie. Hinawakan ko siya sa braso. “O-oh I’m fine!” Natatawang sabi pa ni auntie. “Hindi naman ganon katapang yung wine mabilis talaga malasing tong si Nessa.” Sabi ni auntie Georgia. Tinulungan naman ako ng katulong sa pag-alalay kay auntie, nagpaalam na din ako sakanila na magpapahinga. “Thank you manang ha,” Nakangiting sabi ko sa katulong habang paakayat kami ng hagdan. “Ayos lang po iyon ma’am.. kayo po si ma’am Peony no?” Tumango ako sakanya. “Yes po ako nga.” “Dito po..” Iginaya niya kami sa right hallway, may kadiliman sa part na iyon hindi ko alam kung patay ba ang ilaw. “Naku...nasira na naman siguro ang ilaw dito. Palagi po kasing in-off ni sir Alvaro ang ilaw dito sa hallway kapag pinapatakas niya yung tarantula na alaga niya.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Don’t tell me pagala-gala ngayon yung alaga niya?” Umiling siya. “Mukhang tapos na po hehe nakita ko kasing pumasok na siya sa kwarto niya e. Iyon nga lang baka natuluyang nasira tong ilaw dito kakapatay-sindi.” Nagtungo kami sa pangatlong kwarto. “Thanks ho uli.” Pasalamat ko sa katulong pagpasok namin kay auntie. Inayos namin ang higa niya sa kama saka kinumutan. “Magpapahinga na din po ba kayo? Ituro ko na ho kayo sa kwarto nyo.” “Oh no thanks po, kahit sa tabi na lang ako ni auntie.” “Naku may nakalaan na pong kwarto para po mga bisita e, baka kapag nalaman ni donya na natulog kayo sa iisang kwarto mapagalitan ako.” Nagkakamot ang ulo na sabi niya, tumango na lang ako. “Sige ho tara..” Sandaling sinilip ko si auntie saka kami sabay lumabas ng kwarto. “Dito ho ang kwarto ni sir Alvaro at sir Raphael. Magkatabi po sila ng kwarto.” Turo niya sa sakin. “Dito naman ho sainyo..” Huminto kami sa isang kwarto, binuksan niya iyon. Pagpasok namin sa loob ay bumungad sakin ang matamis at pamilyar na amoy na iyon. ‘Bakit kaamoy ng kwarto ko? Or kagaya lang naman ata?’ “Thank you ho uli.” Nakangiting baling ko sa katulong. “Kapag may kailangan ho kayo sabihan nyo lang po kami sa labas.” Nang lumabas na ang katulong ay ginala ko ng tingin ang buong kwarto. May damit pa na nakatiklop sa ibabaw ng kama, kinuha ko iyon. It’s sleeping wear and I guess it’s perfectly fit for me. Pumasok na ako ng banyo at nag-half bath. “What the—“ Ganon na lang ang gulat ko paglabas ko ay patay ang ilaw at kung hindi ako nagkakamali ay naaninag ko na may nakahiga na sa kama base sa ilaw ng cellphone. “Oh are you done bun?” A seductive tone lingered in the room...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD