“OH GOD you are back iha!”
Pilit akong ngumiti kay auntie Nessa nang siya ang masalubong ko sa loob ng ranch. Ginala ko ng tingin ang buong paligid particular sa direksyon kung saan nandoon ang basement.
“P-pinayagan ho ako ni Evan bumisita dito. Nasaan ho sila?” Pagsisinungaling ko.
“May pinuntahan lang sila auntie Linda mo, maya-maya babalik sila. Halika sumunod ka sakin may sasabihin ako sayo.”
Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan patungo sa guest room.
“You don’t have to marry Evander anymore iha!” Natutuwang anunsyo niya sakin, nagsalubong ang kilay ko.
“Binayaran na ni papa ang lahat ng utang nila sa mga Castellino.” Nakangiting hinawakan niya pa ang kamay ko. “….we don’t want you to suffer anymore, alam namin na napilitan ka lang na tanggapin ang kasal niya. Bukod doon iha may hindi kami sinasabi sayo.”
Nagsalubong ang kilay ko lalo nang magsimulang umiyak si auntie Nessa.
“Tinago namin ang mommy mo..” Pag-amin niya, napamulagat ako sa sinabi niya.
“A-anong ibig nyong sabihin auntie? Alam nyo kung nasaan si mommy?”
Tumango siya. “Ang totoo iha tinakot kami ni Evander, gusto niya na itago namin ang mommy mo at ipalabas na nawawala para bumalik ka dito. Kaya nandito ang tito Ares mo ay para may proteksyon tayo laban sakanila. Kahit na malakas ang Castellino sa lugar na ‘to ay hindi nila maaring galawin ang mga polisya. Hawak ito ng matindi nilang kaaway ang mga Sarvantos.”
Natigilan ako at tinitgan si auntie, naalala ko ang pinag-usapan nila Evander.
“Nasaan po si mommy?”
Tumango siya at ginaya ako patayo.
“Come with me.’’
Sumunod naman ako kay auntie.
“Hindi na nila tayo magagambala kahit kailan iha. Hindi mo ba alam na nung araw na kinuha ka niya ay nagsampa na kami ng kaso.”
“Ganon po ba.” Usal ko, iyon siguro ang pinag-usapan nila Evander at ng mga kuya niya. Walang emosyon na tinignan ko si auntie.
“Yes..’’ Bumaling siya sakin pagtapat namin sa pinto ng basement. Napalunok ako nang naunang bumaba si auntie. Nakaramdam uli ako ng takot.
“Auntie bakit hindi mo na lang po tawagin si mommy?” Sambit ko. Tiningala niya ako.
“Sigurado ako na tulog pa siya ngayon. Hindi mo ba siya gustong makita iha?”
Hindi ako nakaimik at isang hangin ang pinakawalan ko pagkatapos ay nagsimulang bumaba ng hagdan. Nakangiting hinawakan lang ako auntie pababa sa basement. Nagtungo kami sa direksyon kung saan nakatayo nang gabing iyon sa si lolo. I saw Auntie Nessa’s painting hanging on the wall.
“After such a long time, I’m now Dad’s favorite at last.” Sabi niya pa na pinindot ang larawan sa gilid. Narinig ko muli ang pamilyar na tunog sa likod non. Ilang sandali pa ay bumukas ang gilid ng larawan.
“Come with me.” Sabi ni auntie at pumasok sa loob, kagat ang labing sumunod ako.The hallway was lit only by warm light, it creeps me out.
“What is this place auntie?” I thought it’s just a simple basement. Pero malawak ang loob non higit pa sa inaasahan ko.
“Ito ang bunker na matagal nang panahon na tinayo ni papa bago siya magretired.”
Natitigilang tinignan ko si auntie, tumapat kami sa nag-iisang pinto sa dulo.
“Come, your mom is here.” Nakangiting binuksan ni auntie ang pinto na iyon. Pagpasok namin sa loob ay halos mapangiwi ako sa masangsang na amoy na iyon.
“H-hah! Auntie..” Nakangiwing tinakpan ko pa ang ilong ko. A stench of decaying meat filled the room. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang masangsang na amoy.
“Ha!” There is an empty prison cell, it was dark metal bars. Nabigla ako nang makita ko ang dalawang buto na nasa loob. Napahawak ako sa sikmura ko kasabay ng pag-atras ko.
“Anak?!”
Napalingon ako sa boses na ‘yon, mabilis akong nagtungo sa isang cell.
“Mommy!” Kumabog ang dibdib ko nang makita ko si mommy sa isang cell. Puno ng pasa ang mukha niya habang naka-kadena ang isa niyang paa. Binalingan ko si auntie na nanatiling nakatayo at malawak ang ngiti samin.
“What is the meaning of this auntie?!”
“What do you think iha?” Nakangiti pa ding sabi niya. “Gusto mong makuha ang mama mo hindi ba? Kunin mo na…kung makakalabas ka ng buhay.”
Kumuyom ang kamao ko at mabilis na lalapitan siya.
“How dare---
“Aahh!”
Mabilis akong lumingon kay mommy. Nakangiwi siya habang namimilipit sa sakit, nakahawak siya sa paa. I couldn’t help but cry when I saw her.
“Mind your behavior from now on Peony..”
Umiiyak na binalingan ko si auntie habang nakahawak sa kamay ni mama. Nakita ko ang remote na hawak niya.
“From now on, every wrong step you take… will put your mommy at risk.”
“How can you do this to your own sister auntie?!” Hindi ko mapigilang sumigaw.
“Hindi mo lang alam matagal na akong napipika sa presensya nyong mag-ina. Mula pa noon siya na ang pinapaboran ni papa. Siya ang paborito, tapos pati apo kaagaw pa din ng atensyon ni papa?”
“Hindi kami nakikipag-kompetensya sainyo sa atensyon ni lolo. Nanahimik na kami auntie!”
“Iyon na nga e, nanahimik na kayo bumalik kapang intrimitida ka! Sinira mo ang plano namin na mapalapit sa mga Castellino. Look at what you’ve done, you dragged them into your mess.” Galit na sigaw niya sakin.
“Well hindi na ako nagulat, si Georgia ang nagpadala ng sulat sayo na galing kay mama para bumalik ka dito. Isa pang hayop ‘yon traydor din e. Ngayon hina-hunting na siya nila papa at Ares dahil balak niyang itakas ang mommy mo. Bida bida kasi e.” Parang baliw na tumawa pa siya.
“Anong ginawa nyo kay Lola?”
Dinuro niya ako. “Huwag kang tumingin sakin na parang may kasalanan ako ha. She died because of an accident. Nasakal ng lolo mo dahil sobra ng bungangera.”
I was horrified by her confession. Hindi gagawin ng mga matinong tao ang ginawa nila!
“At dahil nagsisi si papa pina-corpse wax niya ang mama. Alam mo wala na dapat balak gawin ni papa iyon e kung hindi mo lang kinagat yung letter na pinadala?”
“You are crazy! I swear you are crazy!”
“Sa tingin mo sino ba ang matino sa bahay na ‘to?!” Malakas na tumawa siya.
“Swerte ka hindi mo naabutan ang nangyari sa amin noon. Kasi ginawa ng mga magulang mo ang lahat para makaalis kayo sa poder nila papa. Ikaw kasi hindi ka nag-iisip! Sa tingin mo ba talaga kilala mo na ng lubusan ang mga tao dito?”
Umiiyak na binalingan ko si mama na nanghihina.
“M-mom..” Humihikbing tawag ko sakanya.
“Parating na sila papa sumunod ka sakin.” Matigas na utos niya. Humihikbing humawak lang ako kay mama.
“Are you going to follow me or…”
“Stop it! Stop!” Malakas ang sigaw na binalingan ko siya dahil alam ko na ang kasunod ng bantang ‘yon. Isang mahigpit na hawak ang ginawa ko kay mommy bago ko pinunasan ang pisngi ko.
“A-anak..please don’t..”
“I’ll be back mom.” Sabi ko sakanya bago tumalikod. Kuyom ang kamao na sumunod ako kay auntie Nessa.
“Don’t look at me that way.” Banta niya, iniwas ko ang tingin sakanya na saktong tumuon doon sa dalawang buto sa isang cell. Mabilis kong binawi ang tingin doon.
“Hindi mo sila kilala? Sila lang naman si Ate Kienna at ang anak niyang panganay na tinakas ng mga magulang mo. Kagaya mo kinagat din nila ang sulat sakanila ni mama na akala nila kaya silang ipagtanggol habang nandito sila.” Nakatawa pang sabi niya, I couldn’t stop trembling; I feel like her words drained all my strength. Hindi ko lubos maisip na ang malapit na pamilya mo pa ang magiging dahilan ng sitwasyon mo ngayon.
"Don’t you realize how pathetic you are?" Hindi ko mapigilang sabihin sakanya habang pabalik kami sa taas.
“Sa tingin mo maapketuhan ako sa mga sinasabi mo?”
“Bakit hindi ba?” Nakataas ang kilay na sabi ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
“…you crave the attention of the one who’s destroying your sanity.”
Mabilis siyang humarap sakin at sinampal ako. Halos mabingi ang isang tenga ko sa ginawa niya.
‘’Umayos ka!” Duro niya sakin at malakas na hinila ang braso ko paakyat. Muli kaming bumalik sa guest room. Binalya niya ako sa maliit na sofa, ilang sandali pa ay narinig ko ang busina na iyon na nagpasikip ng dibdib ko.
“Nandiyan na sila, dito ka lang.” Nakataas ang kilay na sabi ni Nessa at lumabas ng guest room. Narinig ko pa ang click non sa labas.
“Papa!”
‘the devil is patiently waiting for the perfect opportunity to move.’
Nag-init ang sulok ng mata ko nang maalala ang sinabi ni Evander. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon…o makikita ko pa ba siya? Biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin si Lolo.
“Welcome back my favorite apo..” Nakangising sabi niya.
… Now that you’ve fallen into their trap again, do you really think there’s a way out?’