HINDI ko alam kung paano kikilos sa mga ganitong sitwasyon, ang alam ko lang ay hindi ako kumikilos dahil baka ang susunod na dart na tumama ay sa dibdib ko.
“Have you seen my bunny?”
“H-ha? May bunny dito?” Parang tangang tanong ko, what am I supposed to say if a gun is pointed at me. Tranquilizer correction!
Muli niyang tinaas ang hawak. “Yes, it’s my bunny. Nakita mo ba siya?”
“Hindi? Saka isa pa! Bakit nandito ka ha?” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob. Isa pa ay umaga naman at siya ang trespassing sa lupa namin!
“What are you doing here?” Pinagdiinan pa niya ang what na parang ako ang trespassing.
“Huh ibang klase ka din, this is our ranch. Ikaw dapat ang tinatanong ko.” Mataray na sabi ko sakanya. Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko.
“Oh, are you from the Leonidas ranch?”
Napalabi ako at tinaas ang hintuturo ko.
“Oo, this is part of our ranch.” Parang hindi ako sigurado, never pa din kasi akong ginala nila lola noon dito.
“Did you climb over the fence?” Tanong muli ng lalaking kaharap ko. Natigilan ako lalo, If he’s right, I’ll be really embarrassed. Pero kaninong lupa ba to?
“Bakit sinasabi mo bang sainyo tong parte ng lupa dito?”
Nakita kong binaba niya ang hawak, nanatiling nakasuot ang mask na tela sa mukha niya kaya hindi ko kita ng buo ang mukha niya.
“This is Castellino Hacienda property..” Sabi pa niya at tinanggal ang cap maging ang mask na suot. Napatulala ako nang makita ko ang mukha niya. Based on his aura, I don’t think he’s pure Filipino. His hair is messy brown and it partly covers his forehead. He has dark, expressive eyes framed by long lashes and thick brows, giving his gaze a striking intensity. Nakaagaw pansin sakin ang ilong niyang matangos.
“A-ah Castellino?” Tanong ko para hindi ako mahalatang tinitigan ko siya.
“Yes, didn’t Sarah mention it to you?” A soft sunlight is hitting on his face.
“Hindi ko alam na may hacienda dito. Kababalik ko lang kagabi..” Usal ko pa.
“Oh..” Napalabi lang siya at tinaas muli ang hawak, nanlaki ang mga mata ko.
“Wha---
Napapikit pa ako nang pindutin niya ang hawak, doon ko napansin ang isang bunny na saktong tumalon pa sa yellow cardigan ko. Isang dart ang nakita ko sa bandang paa nito.
‘Is it dead?’
Lumapit naman ang lalaking yon sa direksyon ko at kinuha ang bunny. Doon ko napagtanto na sobrang tangkad niya, baka dahil 5’2 lang ako?
“A-ah sorry..” Bulong ko na lang at kinuha ang cardigan ko saka salamin, tinanggal ko ang dart doon saka inabot iyon sa kaharap ko.
“Well..again sorry kanina. Hindi ko alam na iba na palang property to,” Sabi ko na lang saka nilagpasan siya.
“It would be rude if you don’t introduce yourself..”
Napaligon muli ako sakanya, nakatitig siya sakin habang parang bata na hawak ang bunny na walang malay.
“Sorry but you don’t need to know my name.” Sabi ko lang saka tumalikod. Para saan paba para magpakilala ako sakanya. Bumalik ako sa rancho na nakasuot muli ang cardigan at parang walang nangyari.
Naabutan ko ang ilang auntie ko na nakikipag-usap sa lalaking may hila-hilang kalabaw. Bumuga lang ako ng hangin saka pumasok sa loob.
“Really? What made you change your mind?”
Narinig kong may kausap si Sarah sa lobby area. She was like an excited teenager, giggling and kicking her feet while on the phone. Tahimik na umakyat ako sa itaas.
“Okay got it darling, love you!”
Nasa gitna na ako ng hagdan nang marinig kong tawagin niya ako.
“Kanina kapa hinahanap ni lolo. Saan ka pumunta?”
Binalingan ko siya mula sa ibaba.
“Namasyal lang.” Sabi ko sakanya at akmang tatalikod.
“Alam mo hindi ko alam kung bakit bumalik kapa e. Nakatakas ka naman na.”
Muli ko siyang nilingon.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Well alam naman natin na ikaw ang rason kung bakit nasa mental hanggang ngayon si daddy. Kaya kaba bumalik dito para ituloy ang panlalandi kay lolo?”
Pakiramdam ko ay nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya, but I still managed to calm myself. Sa pagkakaalam ko ay buntis si tita Linda noon nang dalhin sa mental si tito Miller.
“Wala kang alam sa mga nangyari Sarah. Nandito ako para kay lola.”
“Oh? Nabalitaan ko din kasi na bawat lalaki na napapalapit sayo sa mental napupunta. Hindi mo ba alam na pinapa-imbestigahan ka ni Lolo?”
Mas lalo akong natigtilan sa sinabi niya. All those years alam niya kung nasaan kami?
“Nagulat ka no? Kaya isang malaking katangahan na bumalik ka dito. Well, baka nga naman kasi kulang pa yung pera na nakuha nyo kaya umaasa ka na mabahagian sa mana.”
Tumaas ang sulok ng labi ko. “Baka mas malaki pa ang kayamanan namin kumpara sa mamanahin mo.”
Tumikwas ang kilay niya sa sinabi ko.
“And like you said, every man who gets close to me ends up in a mental institution. Kaya kung ako sayo itago mo ang boyfr-- oh fiancé mo.” Nakangising sabi ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
“I don’t know if he’ll like you that way. He’s more into girls who are six years younger than him.”
Nagkibit-balikat lang ako na parang wala lang ang sinabi niya.
“Well kung iyon ang sabi mo.” Sabi ko pa saka umakyat, wala na akong panahon para pa makipagtalo sakanya. Pagbalik ko ng kwarto ay saglit akong nagpalit ng damit saka nahiga sa kama. Naalala ko ang lalaking iyon kanina.
‘Magkakilala sila ni Sarah?
Well ano bang pakialam ko sa buhay nila? Nandito ako para kay lola at hindi para sa kung ano pa man. Lumabas ako ng kwarto at muling nagtungo sa master bedroom. Sinubukan kong pihitin ang doorknob doon ngunit nakalock iyon.
“Lola?”
“Ma’am, tulog na ho si madam.”
Napalingon ako sa katulong, may dala pa itong cart na may lamang mop at walis.
“Tulog padin si lola hanggang ngayon?”
Umiling siya. “Lumabas na ho siya nagpaaraw saglit.”
Tumango ako. “Ganon ba, si lolo?”
“Sigurado ako na nasa golf area iyon ng mga Castellino.”
Natigilan ako sa sinabi niya.
“Ah, sila ba yung may-ari ng property sa kabilang fence?”
Tumango siya sakin. “Opo ma’am.”
Bigla kong naalala ang lalaking iyon, so tama nga ito na sakanila iyon.
“Ganon ba, hindi ko kasi alam na may iba palang property sa kabilang fence.”
“Hala bakit po? Napunta po ba kayo sa kabila?” Gulat na sabi ng katulong, napakamot ako ng ulo.
“A-akala ko kasi part pa din ng ranch don.”
“Naku wala naman po bang nakakita sainyo na mga Castellino sa property nila ma’am?”
Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya,
“Bakit? Saka bakit naman kasi walang warning diyan sa kabilang fence eh private property pala.”
“Ayaw kasi nila sa lahat ay may outsider na tumatapak sa property nila nang walang pahintulot mula sakanila. One time kasi may dayo na napunta sakanila pero nabalitaan na hindi na nakalabas.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. For real?
“For real? Baka naman nakauwi na yung tinutukoy mo.”
“Hindi ma’am, ang totoo ay pinuntahan sila ng mga pulis para imbestigahan dahil naging missing iyong dayo na naligaw sakanila.” Sabi niya saka bahagyang lumapit sakin at bumulong.
“....sa pagkakaalam ko malakas ang mga Castellino sa media kaya hindi sila nababalita. Ang totoo isa sila sa pinakamayaman dito sa Zamboanga. Daan daan din ang mga hektarya nila. Pero sa pagkakaalam ko may mga something yung anak nila.” Sabi niya at tinuro pa ang sentido. I know it’s not nice to talk about people, but I’m curious.
“Paano mo naman nasabi yan?”
Lumunok siya saka lumapit sa tenga ko.
“Lahat daw sila diyan may something parang baliw? Tuwing fiesta nga ay sakanila nanggagaling yung mga putok ng shotgun. May hinuhuli daw yang mga yan tuwing gabi ng fiesta. Isang araw nga din si ma’am Sarah iniwan ni sir Evander sa kalsada nagpasundo samin.”
“Eh bakit pinipilit pa ni lolo na ipakasal si Sarah sa pamilyang iyon?”
“Hindi ko alam baka para maisalba tong ranch. Nabalitaan nyo naman siguro ma’am na bumagsak ang planta ilang taon na. Ayaw din ibenta itong ranch ni Don Reno dahil para daw to kay Donya.”
Honestly, we haven’t gotten any news about the ranch for a long time, except from my mom. Hindi na din gusto ni dad na malaman pa ang anumang balita mula kina lola.
“Sabihan mo na lang ako kung lalabas uli si lola ha.” Paalam ko sa katulong,
What I’ve heard is enough for me. Pagdating ko sa kwarto ay nilabas ko ang laptop ko. Para kahit malayo ako ay matulungan ko pa din si mommy sa business namin. Muli kong naalala ang lalaking ‘yon. Out of curiosity ay sinearch ko ang surname nila sa browser. Puro mga ingredients lang naman nakikita ko, I searched for Castellino in Zamboanga, but there were no results. Baka nga totoo ang sinabi ng katulong na malakas ang mga ito sa media, maybe even in the politics.
Napapailing na ginawa ko na lang ang trabaho ko, wala naman akong kailangang gawin maghapon kung hindi ito lang. Thankful din ako dahil nandoon kasama ni mommy ang kaibigan niya para sa business namin. Hindi ako mangangamba na baka wala siyang kasama.
“Ma’am pinapatawag na ho kayo sa baba..”
I stretched my back and checked the time; it was already 7 PM! Ganon ako katagal nababad sa laptop?!
“Susunod na ho ako!” Sabi ko saka sinara ang laptop. Naghikab muna ako at inipit ang buhok ko. Sinuot ko muli ang salamin saka lumabas ng kwarto.
“I’m glad you decided to come here, iho.. kung gusto mo total ay magkalapit lang naman tayo ay dito kana matulog. Para matagal ang usapan nyo ni Sarah.”
Iyon ang narinig ko habang pababa ako ng hagdan.
“Good evening po..” And when I stepped into the dinning room, I saw that face again...